CHAPTER TWENTY-SEVEN

4.2K 192 4
                                    

The Real Carly



Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung tagpo nila ni Dwayne sa library ay hindi na kailanman nag-krus ang landas ni Suzanne at ng binata—well, maliban nalang doon sa loob ng classroom o kapag nakakasalubong n'ya ang Apollo at kasali naman doon si Dwayne. Hindi n'ya alam kung sadyang wala talagang tsansa na makatagpo n'yang mag-isa si Dwayne o sadyang iniiwasan s'ya ng binata. 

Tahimik na lamang na bumuntong-hininga si Suzanne habang nakapila s'ya sa buffet ng dining hall. 

May topak ata sa ulo halos lahat ng miyembro ng Apollo—maliban kay Archles s'yempre. Sa kanilang apat, s'ya lang talaga ang matino eh.

Pero 'yung sinabi sa akin ni Dwayne nung isang araw... ano kayang ibig sabihin no'n? 

"You're so deep in your thoughts, huh?" agad nabalik sa realidad si Suzanne at nakita n'ya ang maamo at ngumingiting mukha ng kaklase n'yang si Carly. 

Si Carly, na miyembro ng Aphrodite na itinuring s'yang mortal na kaaway—actually, sila lang talaga ang nanghahamok ng away kay Suzanne. 

Napakurap naman sa gulat si Suzanne dahil ito ang kauna-unahang pagkakataong kinausap s'ya ni Carly kahit dalawang taon na silang magkakaklase. Unti-unti na ring napangiti si Suzanne at agad hinarap si Carly. "Hello!" 

The two of them giggled. For some reason, Suzanne really finds herself comfortable with Carly's presence. 

Bahagya namang napatingin si Suzanne sa likod ni Carly bago bumalik ang atensyon n'ya rito. "Hindi mo sila kasama ngayong lunch?" 

Mukhang nakuha agad ni Carly ang ibig sabihin ng tanong n'ya. "Ah, yes. They went out for shopping. I'm actually tired from my trip from London so I told them I'll pass so here I am, with you." 

"Oh. Mukha nga talagang pagod ka. Sana nagpaliban ka nalang muna..." aniya. 

Umiling naman si Carly at ngumiti. "Nah, I can't. Our sportsfest is coming so I need to practice." 

"Kasali ka rin pala?" ngumiti nang malapad si Suzanne. "Ano'ng sports ka?" 

"Volleyball. Like you," Carly grinned at her. "Hindi mo ako madalas makita kasi separate ang senior members sa neophytes kapag nagpa-practice. But I'm sure we'll gonna play together soon. Our captain ball told us that you're such a good player." 

Bahagya namang napakamot ng batok si Suzanne. She never expected that compliment from Carly. It's a sincere compliment the way Carly's thin, pinkish lips stretched out into a sweet smile and her brown eyes staring warmly at her. "Naku, hindi naman ako gano'n kagaling pero salamat. Hehehe~" 

"You don't actually have to thank me. I'm just saying the truth," Carly giggled at her once again.
Nanatili lang ang tingin ni Suzanne sa kaklase. 

Hanggang ngayon, hindi parin talaga ako makapaniwala na miyembro s'ya ng Aphrodite. Malayung-malayo ang ugali n'ya sa mga bruhildang iyon.

"Mag-isa ka lang bang kumakain tuwing lunch?" tanong ni Carly habang namimili s'ya ng pagkain sa buffet table. 

"Hmm... hindi naman. Madalas kong kasama si Dane pero wala s'ya ngayon kasi may pinuntahan kaya mag-isa lang akong kakain. Hahaha," sagot ni Suzanne habang kumukuha s'ya ng kaunting buttered chicken. 

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now