CHAPTER FOURTEEN

8.2K 392 56
                                    

You Almost Beat Me




Unti-unting bumukas ang mga mata ni Suzanne nung magsimulang umingay ang paligid n'ya dahil sa pagdating ng kanyang mga kaklase.

"Good morning," pabulong na bati sa kanya ni Dane. One and a half arm span ang layo nila sa isa't isa dahil final examination na nila. Well, kahit naman hindi nila examination ay malayo-layo naman talaga ang mga upuan nila sa isa't isa.

"Good morning din," pabulong ring bati ni Suzanne kasabay ng kanyang pagngiti.

Lumipat agad ang atensyon nila sa apat na lalaking huling pumasok ng classroom. Nagtagpo ang mga mata nina Suzanne at Archles kasabay ng pagsilay ng kanilang mga ngiti sa isa't isa. Ang dalaga ang unang bumawi ng tingin dahil sa hiya at sa kung ano pang gumagapang sa sistema n'ya na hindi n'ya maipaliwanag.

Dwayne whistled. "Smooth."

Mark glared at him and he motioned that he's zipping his mouth. Clyde snickered as they walked towards their respective seats.

Sakto ring pagkaupo ng apat ay dumating ang examiner nilang dala-dala ang examination booklets at answer sheets nila kaya agad natahimik ang lahat na para bang may mabuting hangin ang dumaan para matahimik sila.

Pinasa ng kanilang examiner ang mga booklet at answer sheet by row. Nung matapos n'yang ipasa ang lahat ng nasabing booklet at answer sheet ay agad tinawag ng examiner ang kanilang atensyon.

"Your booklet has two sets: A and B. You shade what set are you on your answer sheet. Avoid unnecessary movements and talking to your classmates. You may start answering now."

Parang nasa military lang ang buong estudyante ng special class dahil magkasabay na magkasabay silang sinimulan ang pagsagot ng kanilang exam.

Tahimik na napasinghap si Carly nung maramdaman n'yang may walang ingay na sumipa ng kanyang upuan. Kahit hindi na n'ya lingunin para malaman kung sino iyon, kilalang-kilala n'ya kung sino iyon.

Bumuntong-hininga na lamang s'ya at palihim n'yang igalaw ang kanyang daliri na para bang may ginuguhit s'yang isang tuldok at isang linya

Napangiti sina Veronica at Avery at agad nag-shade sa letrang 'A'. Gumagamit kasi ng Morse code keys si Carly para maipasa ang answers sa kanyang mga kaibigan. Ganun lang sila sa buong examination dahil sa kanya umaasa ang dalawa ng sagot. Masyado kasing tamad ang mga itong mag-aral at walang inaatupag ang mga ito kundi ang mag-shopping at magpaganda kaya ang ending, kay Carly na lamang sila umaasa ng sagot tuwing quizzes at exams gamit lang ang Morse code keys na ang Aphrodite ang kayang mag-decipher. Mabuti na lamang at hindi pabigat sa kanya sina Vanessa at Mariz dahil kahit papaano naman ay matatalino naman ang mga ito.

Sa kabilang dako naman ay seryosong-seryoso ang lahat sa pagsagot ng examination maging si Suzanne ay focus na focus sa Physics. Unang natapos si Mark sa pagsagot ng examination kasunod si Archles na matapos sumagot ay ginawang unan ang kanyang mga braso sa kanyang mesa at si Mark naman ay nag-plug ng kanyang headphones habang nakatingin sa malayo.

Medyo distracted si Suzanne habang sinasagutan ang examination nila dahil pakiramdam n'ya ay may dalawang pares ng mga matang pinapanood s'ya mula sa likuran. Gusto n'yang lingunin ang mga ito pero hindi n'ya ginawa. Binalewala na lamang n'ya iyon at nagpatuloy sa pagsagot ng examination nila.

Ganoon ang naging takbo ng unang araw ng examination nila.



LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now