CHAPTER THIRTY-THREE

3.4K 183 58
                                    

Sports Change! 



Tahimik na pumasok ang mayordomang si Theresa sa kwarto ni Mark para gisingin ito. Nung makapasok na s'ya sa loob ay agad s'yang napatingin sa kama ni Mark. Tahimik n'yang tinungo ang bintana para buksan ito. Mula sa liwanag galing sa sinag ng araw ay nakita agad ni Theresa si Mark na tahimik lang na nakaupo sa kanyang kama.

"Hindi ka nakatulog?" tanong agad ni Theresa. Nung wala s'yang nakuhang sagot mula kay Mark ay muli s'yang nagtanong. "Dinalaw ka na naman ba ng panaginip na iyon?"

Mark's face slightly twitched at the question and from actually bowing, he straighten his back until he leaned on his bed's headboard.

"Gagawan na ba kita ng tsaa?" muling tanong ng mayordoma.

"It's weird..." usal ni Mark. Napalingon naman agad si Theresa sa binata. "In my dream, I saw mom again..."

"Ano'ng ginagawa n'ya sa panaginip mo?"

Napatingin naman si Mark sa mayordoma. Binalot muna sila ng ilang segundong katahimikan bago sumagot.

"She's smiling."



"Sportsfest is fast approaching and TBH I'm so freaking nervous about it especially that I saw my senior opponents from the Senior High. Hooh!" napansin agad ni Dane na tahimik ang kasama n'ya kaya agad n'ya itong tinignan at marahang siniko. "Hey, earth to you, Suzanne?"

Nabalik naman niyon sa realidad si Suzanne at agad s'yang napakurap at tinignan si Dane. "Ha? Ano 'yun Dane? May sinasabi ka?"

With that response, Dane rolled his eyes. "Kanina pa ako nagsasalita rito at kinakausap ka tapos hindi ka naman pala nakikinig? Ang lalim naman ng iniisip mo hindi ko man lang ma-reach! Is there any problem? Just tell me, maybe I could help you with that."

"Wala naman..." she responded as she walked ahead of Dane.

"Iniisip ko lang kung malungkot parin ba s'ya ngayon."



"Darn it, where the goddamn freak is that ball?!" inis na inis na hinalungkat at hinalughog ni Mark ang mga kahon. Nasa loob sila ng Rooms of the Champion at hinahanap nila ngayon ang bola na ginamit ng kampeonadong alumni basketball team para gamitin.

"Mark, are you sure they safekept it here? We've been searching for an hour now and we still haven't find it," tanong ni Clyde habang tumutulong na rin sa paghahalungkat, halatang pagod na rin s'ya sa ginagawa nila.

"You can just buy a new ball, you know?" ani Dwayne habang naghahalungkat s'ya gamit ang kaliwang kamay at ang kanang kamay naman n'ya ay naglalaro ng rubrik's cube.

"How many times do I have to tell all of you that I'm sure that it's here?!" halata na rin sa boses ni Mark ang namumuong frustrations at galit n'ya sa paghahanap. "You know what, just shut up and keep searching!"

"Calm down, Mark. We can find it," wika naman ni Archles. Kahit inaantok na s'ya ay tumulong na rin s'ya sa paghahanap.

"Gàn!" Mark cursed as he kept rummaging inside the boxes. (*Mandarin word for "Fuck")

Clyde couldn't help but roll his eyes on that. "Yeah, yeah. Fine."

"Oy, ano'ng ginagawa n'yo rito, Apollo?"

Napalingon naman agad ang apat sa may pintuan at nakita agad nila si Suzanne na kaka-sarado lang ng pintuan.

"Oh, it's you, commoner. What are you doing here?" tanong ni Dwayne sabay lapag ng kahon sa tabi ni Mark.

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now