CHAPTER NINETEEN

6.5K 259 24
                                    

Accidental Kiss



"Left! Left!"

Suzanne's teammate tossed the ball. "Hit it, Suzanne! Spike!"
Buong lakas na tumalon si Suzanne para ilampas ang kamay n'ya sa net at ihampas ang bola sa kabilang bahagi ng volleyball court kung saan naroon ang kalaban nilang team. Matapos ng try-out ni Suzanne ay hindi n'ya inaasahang isasabak na s'ya sa official team ng volleyball girls team ng La Orian Academy. Marami kasing magagaling sa mga sumubok sa try-out pero lima lang silang pumasa. Totoo nga ang sinasabi nila na metikuloso pagdating sa ganito ang La Orian Academy.
Sigawan agad ang pumuno sa volleyball covered court matapos gawin ni Suzanne ang bomb na dahilan ng pagkapanalo ng team nila. 

"Nice Kill!"

"You did a very good job, Suzanne," naramdaman agad ni Suzanne ang pagtapik sa kanya ni Chloe, ang captain ball ng volleyball team at upperclassman/senior nila. 

"Salamat po," ngumiti naman si Suzanne sa captain ball nila. Tumango at muli itong ngumiti sa kanya bago ito pumunta sa iba pang members ng team nila. 

Agad tinungo ni Suzanne ang isa sa mga bench kung saan n'ya nilagay ang kanyang practice bag para kunin ang kanyang face towel at punasan ang kanyang mukha. Matapos n'yang uminom ng tubig mula sa dala n'yang tumbler ay agad n'yang tinungo ang shower room para maglinis ng katawan at magpalit ng uniporme para makabalik na s'ya sa kanilang classroom.



Tahimik ang lobby habang binabaybay ni Suzanne ang daan pabalik sa kanyang classroom. Papaliko na sana s'ya sa kabilang lobby pero agad naagaw ang atensyon n'ya sa kaunting kumpulan ng mga babae sa isang room na naroon. Dahil na rin sa kyuryosidad ay agad n'yang tinungo iyon para makiusisa. 

Isang tahimik at manghang pagsinghap ang pumakawala sa kanyang bibig nung makita n'ya si Archles na nakikipaglaro ng chess sa isang estudyante na sa tantya n'ya ay nasa lower grade. Kitang-kita n'ya ang scoreboard sa gilid nina Archles na nakaharap sa bintana kung saan sila nanonood para makita nila ang score. Hindi maiwasan ni Suzanne ang mamangha nung malaki ang lamang ni Archles sa kanyang kalaban. 

"He's so cool!" 

"Yes, he's so cool and smart!" 

"I really, really like Archles a lot!" pigil na pigil ang tili at kilig na pinapakawalan ng mga babae sa gilid n'ya pero hindi n'ya pinansin iyon dahil nakatuon ang atensyon n'ya sa seryosong si Archles. 

"You're here!" napapitlag si Suzanne nung biglang hinawakan ni Dane ang braso n'ya. "Kanina pa kita hinahanap andito ka lang pala!" 

"Shh!!!" napatutop agad ng bibig si Dane nung sawayin s'ya ng mga nanonood ng chess match practice. 

"Oops, sorry." 

"Hay naku," napailing na lamang si Suzanne at muling binalik ang atensyon kay Archles.
Tahimik s'yang napasinghap at ilang beses na napakurap habang nakatingin mula sa bintana. 

Ako lang ba o nakatitig si Archles sa akin?

Naramdaman agad ni Suzanne ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso n'ya nung ngumiti sa kanya si Archles sabay sabi sa kalaban n'ya ng:
"Checkmate."

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now