CHAPTER THIRTEEN

8.1K 364 46
                                    

Mutation




Ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung mag-aral si Suzanne sa La Orian Academy. Hindi n'ya lubos maisip na sa ilang buwang pananatili n'ya sa La Orian Academy ay naka-survive s'ya sa dami ng mga nangyari—mula sa pagpasok n'ya sa special class hanggang sa engkwentro n'ya sa Apollo, ang pinakasikat at pinakamatalinong grupo ng mga estudyante, hindi n'ya lubos maisip na iingay at gugulo ang dating simple n'yang buhay. Aaminin n'ya na nung una ay gusto na talaga n'yang sumuko dahil sa mga ginawang pambubully sa kanya sa unang buwan na pananatili n'ya sa eskwelahan ngunit mukhang hindi hinayaan ng Diyos na matinag s'ya kaya eto't nakatayo parin s'ya sa school grounds ng La Orian. Bagay nga talaga sa kanya ang apilyedo ng nanay n'ya na 'Dimaguiba' nung dalaga pa ito. 

Patapos na ang school year. Magtatapos na sila sa Grade 9 pero sa halip na mag-relax at i-enjoy ang pagtatapos ng school year ay puspusan ang paghahanda nila sa finals.




"Girl, mag-ge-Grade 10 na tayo. Wala ka pa rin bang plano mag-dorm? You're a scholar. You can have what we have for free. You can avail the uniform, the references, the gadgets and even the dorm. You can even choose the dorm that you want," wika ni Dane habang nangangalumbaba sa tapat ni Suzanne at nakanguso. 

"Ayokong umasa sa scholarship ko. S'yempre, kahit libre ako sa lahat dito, kailangan ko paring mag-ipon. Tsaka, hindi ako pwedeng mag-dorm. Malayo kaya ang school natin sa pinagtatrabauhan ko tsaka once mag-dorm tayo, 'di ba weekends lang pwede lumabas? So, hindi pwede lalo pa't may part-time job ako," tugon naman ni Suzanne habang nagbabasa ng libro. Next week na ang kanilang final examination kaya nagdo-double time s'ya sa pag-re-review. 

Dane sighed. "Here comes Miss Hardworking in the house y'all. As your friend, I'm so proud of you. Bilib na bilib ako sa'yo mula sa katalinuhan mo hanggang sa attitude mo. Ikaw na. Sa'yo na talaga ang korona!" 

Suzanne giggled on his compliment. 

"But you know, as the days pass by, I felt really, really nervous," aniya. 

Kumunot naman ang noo ni Suzanne. "Ha? Bakit ka naman kinakabahan?" 

"For our final exam," ngumuso ulit si Dane. "'Yung exam natin para mag-proceed sa Grade 10. Ayoko namang bumagsak at ma-kick out sa Special Class." 

"Kaya nga dapat simula sa araw na ito, mag-aral ka nang mabuti at pag-igihan mo ang review," sabi ni Suzanne. 

"I'm doing it. It's just that I don't wanna experience mental fatigue." 

"Gumawa ka ng study schedule para hindi mo kailangan mag-mass study baka nga magka-mental fatigue ka na," bahagyang tinapik ni Suzanne ang kanyang pisngi nung maramdaman n'yang inaantok s'ya. "Dane, samahan mo nga ako sa supermarket—este sa mini mart o kung ano'ng tawag n'yo dun sa shop sa labas. Bibili lang ako ng maiinom o makakain para bawasan ang antok ko. 

"Why? You don't want some coffee?" tanong ni Dane. 

"'Wag na baka maging makakalimutin ako," bahagyang nagkamot ng ulo si Suzanne. 

LA ORIAN ACADEMY: School of the Prodigies SEASON 1 [PUBLISHED]Where stories live. Discover now