Chapter 3: Deductions

6.1K 72 5
                                    


CHAPTER 3
CHIMON'S P.O.V

     Naglakad palapit sa kaniya si Bright. "I think, itinali siya sa bangkuan bago siya patayin. Ginamit niya yung lubid na 'yan para ipangtali sa kamay at paa ni Ms. Angelina para mas mapadali 'yung pagpatay niya." Kinuha niya ang lubid kay Arissa. "Ginamit niya rin 'to para hindi makapanlaban si Ms. Angelina sa kaniya. And this towel?"

     Napansin kong lahat kami nakatingin sa kaniya. Nakikinig sa discussion niya. "Ginamit niya 'to para makatulog ang biktima. As you can see, hindi pa masyadong gamit 'tong panyo. Halatang kabibili pa lang. Everything happened kay Ms. Angelina De Leon is planned. Planado lahat."

     "What?"

     Halatang hindi pa masyadong maintindihan ni Saint lahat ng mga sinasabi ni Bright. Kailangan ko munang intindihin lahat ng sasabihin niya bago ako magconclude ng sarili ko. "She can use that rope para patayin siya 'di ba? Or even that knife. Bakit kailangan niya pang gumamit ng panyo? Enough naman na 'yan para mabilis niyang mapatay si Ms. Angelina 'di ba?"

     "No. As you can see sa CCTV footage kanina, hindi sound proof ang office niya and everybody can hear kung anong nangyayari sa loob. Hindi ganon ka-kapal ang pader at may mga awang pa. Hindi silyado. And by the means of that, magkakaroon ng suspetsa ang mga taong makakarinig sa boses ni Ms. Angelina na sumisigaw kaya mas pinili niyang patulugin bago niya patayin lalo na at malapit lang si Mr. Joseph na naglalampaso lang sa labas." Pagpapaliwanag niya.

     Nadagdagan ng tatlong puntos si Bright. Tie na silang dalawa ni Krist ngayon. Napalingon ako kay Krist. "Fuck," rinig kong bulong ni Krist. Katabi ko lang siya. Hindi nalang ako nagreact dahil wala lang ding mangyayari. Halatang dismayado sa nangyari. Isa rin siya sa Competitive sa aming pito maliban kay Bright.

     "How come na naging gan'to na yung pwesto niya kung itinali siya sa upuan?" Tumingin si Krist sa kaniya. Naghihintay ng sagot. Hindi na kami nagsasalita. Hinahayaan nalang namin sila magsalitaan ng mga opinyon sa isa't-isa.

     "May kasabwat kaya siya or hindi lang isa yung murderer?" Singit ni Saint.

     "Hindi kaya isa sa mga Teachers din ang pumatay?" Hula ni Arissa.

     "School Personnel?"

     "School Librarian?"

     "Oh, baka naman si Kuya Joseph talaga?" Napatingin ako kay Saint. May guts din ako na baka.. pero imposible, e. Halata naman sa CCTV footage  na inosente siya.

     "How come e kitang-kita naman natin sa footage na hindi siya ang pumatay 'di ba? Tsaka, in the first place babae ang murderer." Kumento ni First. Mas naging interesado pa ako na malaman ang identity ng murderer.

     Dismayado si Saint. Siya nalang kasi ang walang puntos sa'ming pito. Lahat meron na. Atleast, kahit isang puntos, magkaroon siya.

     "I don't know? I'm just saying kung anong gusto kong sabihin. Saka isa pa, i don't have any points at all. Nasa hulihan na naman ako."

     "Don't worry. Malay mo naman." Pagpapalakas ng loob ni First kay Saint.

     Lahat nagbibigay na ng mga sari-sarili nilang conclusions ngayon. Hindi ganon kahirap i-solve 'to compare sa ibang murder case na na-solve namin dati. Nasa iisang lugar lang kami. Nandito lang din 'yon.

     "Anong motif ng killer kung bakit niya pinatay si Ms. Angelina?"

     "Something about siguro sa issues or what. Base na rin sa nabasa ko kanina, Ms. Angelina is everyone's favorite dahil sa mabait siya sa mga tao. Maybe because of insecurities or hatred? I guess." Paliwanag ni Arissa.

     "Huwag muna tayong magconclude hanggat hindi pa kumpleto lahat ng evidences na makikita natin. Mayroon na tayong identity sa murderer. She's a girl. Ang kailangan nalang natin ay malaman kung sino siya at kung anong connections niya kay Ms. Angelina kung bakit niya ito pinatay." Sabi ko. Mas mahihirapan kaming makapag-isip kung hindi connected mga sinasabi nila.

     Everyone can make their own conclusions sa nangyari, but for me, not all of that conclusions are valid. Lalo na at nagso-solve kami ng mga mystery murder case. I want to be the star captain of this week. Gusto ko rin matawag ang section namin na 'Star Class of the Week' kahit ngayon lang.

     "Isa lang talaga ang murderer." Huminto siya. Tiningnan kami isa-isa. "After niyang patayin ang biktima, kinalasan niya ang tali at hinayaang mahulog si Ms. Angelina kaya naging ganiyan ang pwesto niya. Tinago niya yung knife at rope na ginamit sa ilalim ng drawer ng biktima para hindi makita na nasa kaniya yung mga evidences ng pagpatay,"

     May point si Krist. Ganon din ang naiisip ko.

     "Para hindi siya mapagkamalang killer or murderer."

     "Pero sabi sa statement kanina na bago siya mamatay ay nakapagsulat pa siya. How come sa ganiyang itsura niya makakapagsulat pa ba siya?" Napaisip din ako sa sinabing iyon ni Saint. May sense din pala 'to. Kanina ko pa kasi napapansin na tahimik habang nago-observe sa sitwasyon.

     "Ms. Angelina knew na may gustong pumatay sa kaniya kaya siya nagsulat sa isang pirasong papel na naka-ipit sa diary niya." Napalingon kaming lahat kay Audrey. Nagkaroon na siya ng puntos. Si Saint nalang ang wala.

     Napansin ko 'yung hawak niyang isang pirasong papel. "Nakita ko tong hawak niya. Nakasulat dito yung word na Diary." Ipinakita niya sa 'min 'yung hawak niya. May maliit nga na Diaryng naka-sulat. "Sa unang tingin, hindi mo talaga mapapansin dahil masyado ng luma yung papel at may mga dugo na ring natuyo. Faded na rin yung pagkakasulat niya dahil sa sobrang tagal."

     "So ibig sabihin, itinali siya sa bangkuan bago siya patayin, pero dahil hindi sound proof ang office niya, mas pinili ng murderer na patulugin siya using that towel na may kung anong pabango na kapag nalanghap mo ay pwede kang makatulog. At nang makatulog na ito, saka niya pinatay using that knife na hawak mo." Tumingin si Krist kay Arissa. Parehong nadagdagan ng puntos sina Krist at Audrey.

     "Nagkaroon siya ng kutob na may gustong pumatay sa kaniya kaya siya nakapagsulat sa Diary niya bago pa siya mapatay."

     "So, sinong pumatay sa kaniya? Sinong Murderer?"

     "Nasa Diary ang sagot."

     Napatingin kami kay First habang hawak ang isang kulay brown na Diary. May isang pirasong papel siyang dinampot na nahulog. Seryoso siyang nakatingin sa amin.

         "No need. Kilala ko na kung sino."

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon