Chapter 33: The Darkest Secret

1.3K 14 0
                                    


CHAPTER 33
ARISSA'S P.O.V

       Napanganga ako dahil sa sinabi ni Krist. Actually kaming lahat. Bakit niya sinasabi mga bagay na ito ngayon? Bakit ngayong pang nasa Hell Booth kami?

     Hindi ko alam kung ano bang nangyayari kay Krist. Madalas siyang mahilo, pero every time na mahihilo siya may kung ano itong nakikita.

     It sounds weird.

     "Ano ba 'yang sinasabi mo? Seryoso ka ba? Tanong ko.

     Tumingin siya ng seryoso. Hindi ko maipaliwanag ang itsura ng mukha niya ngayon. Napansin ko sina Audrey, Saint, First, at Chimon na tahimik lang. Si Bright hindi na mapakali.

     "If you continue to be like this way marami kang masisira." Banta ni Krist na ikinakunot ng noo niya.

     "Seriously? Ako talaga o kayo?" Tanong niya pabalik.

     Nararamdaman ko ng magkakaroon ng tensiyon sa pagitan nilang dalawa.

     "Seryoso ka ba talaga? Paano mong nasabi?" Si Audrey naman ang nagtanong sa kaniya.

     "Stop acting na hindi mo alam, Audrey." Sagot nito. "Hindi alam? E, kayo ang naabutan ko ron na nagkakagulo. Nasama lang ako noong pinuntahan ko kayo."

     "Huwag mo nga kaming sisihin sa kasalanang hindi namin ginawa!" Dipensa ni Audrey. "Tsaka, Bakit ka ba nagkakaganiyan? Nahilo ka lang nag-iba na ugali mo."

      "Hindi ginawa? It sounds weird." Sabi ni Krist.

     Pumagitna na ako sa kanilang dalawa para awatin sila dahil baka kung saan pa 'to umabot.

     "Ang usapan kalimutan ang nakaraan hindi hukayin sa kasalukuyan." Malumanay kong pagkakasabi.

     Pilit kong pinapakalma si Krist. Si Audrey naman pinapakalma na rin ni Bright.

     "Sa tuwing nahihilo ako lagi akong nakakakita ng lalaking duguan at nakapaligid sa kaniya ang mga batang nagkakagulo. Same scenario, same energy, same night, same people, same environment." Paliwanag nito.

     "Pero huwag kami ang sisihin mo." Dipensa ni Audrey.

      Si Saint tahimik lang pati na rin si First at Chimon. Hindi pa rin nagsi-sync in mga sinasabi ni Krist.

     "Tayo ang mga batang nakikita ko, Audrey. Hindi ako pwedeng magkamali. Nandon tayong lahat. Alam kong mataga—" Hindi na pinatapos ni Audrey ang sasabihin nito.

     "Forget about it, Krist. Inuungkat mo lang ang matagal na nating nakalimutan!"

     "That's the point, Audrey." Sabi ni Krist.

     Here we go again. The Lion and the Tiger meet again.

     "Anong point ng sinasabi mo ngayon? Wala na! Matagal na. Dinadagdagan mo lang yung problema natin. Forget that! Forget that night! Kalimutan mo na yung nangyari noong gabing iyon." Ramdam ko ang inis sa tono ng pananalit ni Audrey.

      Wala naman kaming magawa dahil ayaw naman nilang tumigil.

     "Kalma, guys! Walang mangyayari kung magsisigawan kayo. Lalo kayong hindi magkakaintindihan kung walang nagbababa ng pride sa inyong dalawa." Sabi ni Saint. Halata mong inis na rin dahil sa inaasal ng dalawa.

     "Think deeper! Be smart!" Singit naman ni First.

     Halos lahat nagsisigawan na maliban sa amin ni Chimon. Pilit kong pinapakalma rin ang sarili ko dahil ayokong makisabay sa tensiyong nagaganap.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon