Chapter 21: The real truth

1.6K 14 0
                                    


CHAPTER 21
SAINT'S P.O.V

     Isa-isa na kaming lumabas sa kwarto ko pagkatapos naming mag-usap. Gaya ng napag-usapan, kailangan namin maghiwa-hiwalay tatlo para magawa namin kung anong pinaplano ni Krist.

     "Maghiwa-hiwalay na tayo." Sandaling bumaling ng tingin sa akin si Krist. Kinakabahan ako. Kung hindi lang din ako mapapahamak sa bandang huli, hindi na sana ako tutulong.

     "Pumunta ka sa Admin Office. Nandun lahat ng CCTV footage ng buong school. Walang nagbabantay don but it's locked. Ikaw na bahalang magdecode."

     "Sigurado ka ba? Baka may bantay don." Kabado kong tanon. Kanina pa naginginig kamay ko dahil sa kaba.

     "Walang tao ron dahil wala na si Ms. Amanda na siya rin ang nagbabantay. Chinecheck nila lahat ng CCTV footage every other day kaya kailangan mong burahin ang bawat time frame na nakikita tayo."

     Hindi ko alam kung saan ba nakukuha ni Krist lahat ng information niya na sinasabi sa amin. Kailan pa siya naging ganito kaalam tungkol sa mga bagay-bagay tulad nito?

     Wala na akong nagawa kundi tumango nalang. Nandito na rin naman kami kaya hindi na pwedeng umatras.

     "Gamitin mo ang walkie talkie na binigay ko sayo para makipagcommunicate sa amin. Maririnig ka namin kahit gaano pa kami kalayo sayo using this device. Connected na 'yan."

     Napalingon sa kaniya si First na may pag-aalinlangan. "Bakit mayroon kang ganiyan?"

     "Personal things ko ito. Hindi ko naman alam na magagamit ko pala. Nauubusan na tayo ng oras. Tara na!"

     "Ingat." Sabi ni First.

     "Salamat."

     Mabilis na kaming naghiwalay. Sila dumiretso sa office ng Principal habang ako naman ay umakyat na sa second floor sa Building A.

     Dahan-dahan akong naglakad patungo sa Admin Office. Bubuksan ko na sana pero naka-lock gaya ng sinabi ni Krist kanina.

     Tiningnan ko kung anong lock ang ginamit niya, passcode. Kailangan ko ng mga series numbers para mabuksan ito. Sinubukan kong tapatan ng liwanag gamit ang sinag ng buwan pero hindi gaanong makita ang finger print ng kamay.

     Hindi kami pwedeng gumamit ng flashlight dahil agaw atensiyon din ito. Wala rin kaming flashlight na gamit.

     "Krist, I need a series of numbers para mabuksan. Hindi ko mahulaan kung ano." Kinakabahan kong sabi.

     Kahit nanginginig ang kamay at paa ko dahil sa takot at kaba, pinipilit ko pa ring i-concentrate ang sarili ko para makapag-isip ng maayos.

     "Ilang numbers ang kailangan?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

     Tiningnan ko ang lock at kailangan ng anim na numero para mabuksan. "Anim."

     "Teka. Teka! May nakita si First na mga lists ng passwords and passcodes dito sa buong campus. Building A, tama?"

     "Oo. Admin Office." Sagot ko.

     "Teka. Stay there. Magmasid-masid ka kung may ibang taong paparating. Once na may naramdaman kang kaluskos o yapak ng sapatos, hide. Hintayin mong umalis bago ka lumabas." Halata sa boses ni Krist ang tensiyon niya.

     Hindi na ako sumagot at nagpalinga-linga sa paligid. Makalipas lang ang ilang sandali nakaramdam ako ng kaba. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko habang nagtatagal.

     Tang ina. Ano ba itong pinasok ko?

     May napansin akong ilaw na nagmumula sa hindi kalayuan. Nagtago agad ako. Hindi lang normal na ilaw 'yon. Galing ang liwanag sa isang flashlight na hawak ng isang tao.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon