Chapter 5: Suspicious Guys

5.3K 65 5
                                    


CHAPTER 5
CHIMON'S P.O.V

     Maaga kaming ginising ng alarm clock namin. Alas-sais pa lang ng umaga, mulat na mga mata namin. Buti nalang sanay na akong gumising ng maaga.

     "Chimon! Are you awake now?" Rinig kong tanong ni Audrey. Kinakatok-katok din ang pintuan ng kwarto. Magkakatabi lang 'yung room namin, pero hindi kami pwedeng magsama. One person in one room only. That's the policy here.

     "Yeah. Wait a minute. Gagayak lang ako!" Sumigaw na ako para mas marinig niya.

     "Sige. Mauna na kami nila First."

     "Go ahead." Tiniklop ko na hinigaan ko bago kumain. Nagbihis na rin ako ng school uniform dahil Monday ngayon bago ako pumunta sa gym. Close na kaming lahat. Ilang buwan na rin kaming nagkakasama. Lahat naman sila mababait, pero lahat sila iba't-iba ang ugali.

     Nasa gymnasuim na kaming lahat. Wala nang natirang estudyante sa mga classroom at iba pang area dito sa school. Lahat excited malaman ang result ng competition nung friday. Nakatayo sa harapan namin si Ms. A, Ang School Registrar. Siya rin ang nagsend sa'kin ng invitation para mag-aral sa prestihiyosong school na 'to.

     "Goodmorning Students!" Masayang bati niya sa'min. Napuno ng ingay ang buong gymnasuim dahil sa sigawan ng mga estudyante. Nakatayo lang ako sa gilid katabi si Keann, kaibigan ko. "Are you ready to know who's the star captain this week?"

     Sa pangalawang pagkakataon, napuno ulit ng hiyawan. Kaniya-kaniyang sinisigaw ng bawat isa ang pangalan ng Class President ng bawat section.

     "Krist!"
     "Krist!"
     "Krist!"

     Sigaw ng grupo ng mga estudyante, hindi kalayuan sa'min. May hawak silang mga lobo at sabay na iwinawagayway sa hangin.

     "First!"

     "Wooh! Si First 'yan!" Sigaw naman ng mga lalaking may gusto kay First. Sa kagandahan ba naman kasi niya, sino bang hindi mahuhumaling sa kaniya?

     Hindi ko na masyadong maintindihan ang iba. Naghahalo-halo na sa pandinig ko.

     Tahimik lang akong nakatingin. Nakikisabay din si Keann. Sinisigaw pangalan ko.

      "Sigurado ako na ikaw na 'yan, tol."

     Natawa ako. "Huwag ka pakasisiguro. Hindi ako sigurado,"

     "Bakit? Hindi ba pinapakita sa inyo final result ng laban niyo last friday?"

     Umiling ako. "Hindi."

     "Bakit?" Tanong niya. Gustuhin ko man sabihin, pero hindi pwede. Nasa rule book 'yon.

     "Hindi ko pwedeng sabihin, Tol."

     "Bakit naman? Sinong nagsabi?"

    "Nasa rule book 'yon. What ever happens in that booth, stays there." Napatingin siya sa'kin. "Yes. I know you're curious about it, pero hindi ko talaga pwedeng sabihin."

     "Lahat kayo?"

     "Oo. All of us na Star Captain in every section, but don't worry mas maganda ng hindi mo alam kaysa mapahamak ka pa."

     Maraming nakalagay sa rule book na hindi namin pwedeng labagin. 'Pag nilabag namin 'yon, pwede kaming matanggal as star captain in a particular section. 'Pag nangyari 'yon, pwede ulit silang pumili o maghanap ng papalit na Class President or Star Captain kung saang section kami.

     "Seyoso ka, Tol? Ganiyan ka na talaga? Wow, ha."

     "It is better to know nothing than knowing something."

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon