Chapter 12: Fourth Night

3K 22 0
                                    


CHAPTER 12
KRIST'S P.O.V

     We are here again inside the Hell Booth. I am wearing a blindfold that covers my eyes as usual. Ni hindi ko nga alam kung nasaan kami.

     "I need to win this time. Kailangan ako naman." Bulong ko sa sarili ko. Hindi ko pinaparinig sa iba. Baka ma-disqualified ako. "Hindi ako papayag na maging talunan. I am ready for this."

     Wala akong marinig na kahit anong ingay. Ang tahimik. Asa rule book na hindi ka pwedeng makipag-usap hanggat hindi nagsisimula ang laro.

     Nakaupo ako sa isang single chair at may maliit na mesa sa harapan ko. Bahagya kong inusog ang bakal na upuan para malaman ko kung nasaan kami. Asa kulob na naman kaming kwarto.

     "Players, the game will start after 5 minutes. Please prepare yourself." Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan dahil sa sinabi niya. "Welcome to your fourth night in this competition. Masaya ako na makita kayong muli."

     May kung ano pa siyang sinabi pero hindi ko nalang pinakinggan. Wala rin naman kinalaman 'yon sa laro.

     Pagkaraan ng ilang minuto ay may narinig kaming napakatinis na tunog. Sobrang sakit sa tainga. Ibig-ibig ko ng sumigaw kanina, buti nalang napigilan ko pa.

     "Tanggalin niyo na ang mga blindfolds ninyo." Sabi ng announcer na hindi nagpapakilala sa amin.

     Mabilis kong tinanggal ang blindfolds sa mata ko. Napansin ko ang malaking projector sa harapan namin. May nakatapat din na mga ilaw sa aming lahat. Balak ko sanang kausapin si Bright pero huwag nalang. Wala rin naman siyang maia-ambag sa laro.

     Nagpalinga-linga ako sa buong lugar. Mediyo may kalakihan din. Para kami nasa isang malaking espasyo na tanging kami lang ang tao. Magkakahiwalay kami ng bangkuan. Sa tansiya ko, asa dalawang yarda ang pagitan namin sa isa't-isa.

     Nasa ibang lugar nga kami.

     "Bawat players ay may sariling walkie-talkie na magagamit nila sa game mamaya . Ang pirasong papel naman sa harapan ninyo, diyan niyo ilalagay lahat ng gusto niyong isulat. You can write what ever you want to write. You have a freedom. Kayong bahala." Pagkatapos niyang magsalita, may ilaw na tumapat sa isang malaking box.

     "Diyan niyo ihuhulog lahat ng papel one by one pagkatapos niyong magsulat." Kinuha ko na yung  ballpen sa ilalim ng drawer ng mesa at nagsimulang magsulat.

     Tumayo na ako at hinulog ang kapirasong papel na pinagsulatan ko sa kahon. Napansin ko ang bawat tingin nila sa'kin na parang nagtataka, hindi ko nalang pinansin at bumalik na ako sa kinauupuan ko.

****
ARISSA'S P.O.V:

      Nabaling ang tingin ko kay Krist ng tumayo ito habang hawak ang papel na sinulatan niya. Alam kong nakita niya sa peripheral vision niya na nakatingin ako. Bawal pa kaming magsalita dahil hindi pa nagsisimula ang laro.

     "Susubukan kitang talunin ngayon. Ako naman ang mananalo." Bulong ko sa hanging habang tinitingnan siya.

     Pagkatapos maghulog ni Audrey ng papel ako naman ang tumayo habang binibilot ang papel. Nakakatakot man pero kailangan ko itong gawin. Wala naman ibang makakaalam nito sa aming pito kundi ako lang.

     Huminga muna ako ng malalim bago inihulog ang papel na hawak ko. Huwag sanang magkatotoo.

     Sana. Sana.

****
BRIGHT'S P.O.V

     Hindi pa rin ma-alis sa isip ko yung nakita ko kanina. Hindi ko alam kung kaninong dugo ang mga 'yon. Kinakabahan ako. Baka mapagbintangan pa ako kaya umalis din ako kaagad.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon