Chapter 34: The Elimination Round

1.2K 6 0
                                    


CHAPTER 34
KRIST'S P.O.V

      Dahan-dahan na akong tumayo pagkatapos imulat ang mga mata ko. Ibang lugar 'to, pero sa pagkakataon na ito, pamilyar na sa akin. Tiningnan ko ang buong paligid. Puno ng iba't-ibang laboratory apparatuses dito sa loob. Isa lang ang ibig sabihin nito. Nasa Laboratory Room ako ng Arthit High School.

     Wala naman akong napapansin na kakaiba rito sa loob kaya hindi ko na 'yon pinansin. Nasa'n ang iba?

     Nasa Arthit Campus na kami. This is the round two of the game. Ano na namang pinaplano ng Principal laban sa amin?

     Napatingin ako sa walkie-talkie na asa lamesa. Kanina pa pala may nagsasalita. Ngayon ko lang napansin.

     "Hello? Guys. May nakakarinig ba sa'kin?"

     Boses 'yon ni Audrey.

     "Nasa'n kayo? I'm here at the Library. Wala na tayo sa loob."

     Rinig kong sabi niya nang walang ibang nagsasalita. Duon ko lang din napagtanto na asa labas na kami at hindi na kami pinagsama-sama sa iisang lugar. Ano na namang kabaliwan 'to?

     Dahan-dahan kong dinampot yung walkie-talkie at itinapat sa bibig ko. Malakas naman ang volume nito kaya hindi na kailangang itapat sa tainga ko.

     "May nakaka—"

     Bigla akong nagsalita. Nakakairita.

     "I can hear you." Walang emosyon kong tono. Blangko lang. May dahilan ba para lambingin ko? Big yuck.

     "Thanks God. Ilang beses na akong salita nang salita rito walang nakakarinig sa'kin."

     Obvious ba? Bobo talaga. Sabay-sabay kaming nawalan ng malay kanina. Malamang hindi pa nagigising ang iba.

     "That's not my fault, Audrey. Sabay-sabay tayong nawalan ng malay kanina. Baka hindi pa sila nagigising."

     Kung hindi niya ako sinungitan kanina, edi sana goods kami.

     "Nasa'n ka ba?" Tanong niya mula sa kabilang linya.

     Hindi ko siya sinagot. Iba yung sinabi ko. Malayo-layo rin dito sa Laboratory ang Library. Nasa second floor pa.

     "May sasabihin ka pa ba?"

     "What!?" Gulat siya sa tinanong ko. "Krist kung galit ka pa sa'kin hanggang ngayon, hindi ko na kasalanan 'yon."

     "Did I blame you?" Tanong ko pabalik.

     "Wala akong sinabi." Pagtatanggol niya. As if naman na hindi ko narinig.

     "Kasasabi mo pa lang." Sabi ko.

     Hindi ko alam kung bakit ito pang babae na 'to ang makakausap ko pagkagising ko. Seriously?

     "Bahala ka sa buhay mo, Krist."

     "Oo naman. Buhay ko 'to. May sasabihin ka pa?"

     Balak ko ng ibaba ang walkie-talkie na hawak ko. Ayoko ng marinig ang boses niya.

     "Let's find the others."

     "Ayoko. Tinatamad ako."

     "Seriously?"

     "Yup. Ibaba ko na. Bye."

     "Teka! Teka!"

     Hindi ko na pinakinggan. Mauubos lang oras ko. Kailangan ko ng lumabas at alamin kung anong case na naman ang ipapasolve sa amin.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon