Chapter 30: A pair of Shoes

1.7K 18 0
                                    


CHAPTER 30
KRIST'S P.O.V

      Hindi ko talaga alam kung bakit kailangan pa naming magblindfold sa mga oras na 'to. Bullshit. This is the final week of competition. Wala kaming ibang alam sa susunod na cases na iso-solve namin to proved that we are deserve to be the Star Captain sa kaniya-kaniya naming section.

     Nasa mysterious place na naman kami. Sinubukan kong pakiramdam ang buong lugar. Iba na ang atmosphere. Hindi na ito gaya ng dati. May naririnig akong maliliit na tunog ng tubig, pero hindi ko alam kung saan nanggagagaling.

     "Players.." umayos muna ako ng pagkakaupo. Hindi ko marinig sina Arissa kaya posibleng malayo sila sa kinauupuan ko. "Pwede niyo nang tanggalin mga blindfolds niyo after you hear this buzzer."

     Agad na may tumunog na buzzer na umalingawngaw sa buong lugar. Nasa isang kulob kaming lugar base sa echoes ng buzzer na pinarinig sa amin kanina.

     Tinanggal ko na ang blindfolds na suot at hindi nga ako nagkamali sa nakita ko.

     "Welcome to your last and final week of this competition. Players will have the score according to the clues and evidences that he or she found in the area of the crime scene. Deductions will also a part of scoring." Sabi nung Announcer na kahit kailan hindi pa nagpapakilala sa amin.

     "In this final week, you will solve two mystery murder case before this competition ends. Your total score in the first and second round will add to your previous score and that is your final score of this week."

      Talaga ngang umiinit na ang labanan. Hindi ako pwedeng magpatumpik-tumpik nalang. Hindi ako sigurado kung anong naghihintay sa amin dito sa loob. Kailangan ko lang maging matalino.

     "This will serves as your first round. The game will starts after 5 minutes. Prepare yourself for another thrills and adventures! Goodluck!" Pagpapatuloy niya.

****
CHIMON'S P.O.V

Kanina ko pa napapansin si Krist na nakatitig sa mga listahan ng pangalan namin na wala pang kahit sinong may score. Naka-Alpabhetical Arrangment kaya nagunguna sa listahan sa ngayon sina Arissa, Audrey, at Bright. Kasunod ko sina First, Krist, at Saint.

Napatitig ako sa mannequin na nakalutang sa tubig pagbukas ng mga ilaw. Dapat ba akong kabahan ngayon? Ngayon pa ba ako dapat matakot?

Obviously, hindi na bago sa akin ang ganito. Nasa panibagong crime scene na naman kami. Nasa isang malaking pool area. Parang luma na kung tingnan dahil sa tagal ng hindi nalilinis. Napansin ko yung mga dugong nagkalat sa tubig at sa sahig ng swimming pool.

Napansin ko sina Arissa na palinga-linga lang. Ilang minuto nalang din magsisimula na naman kaming magdeduct at magsolve ng mga mystery murder cases.

Napatingin kaming lahat ng biglang bumukas ang malaking projector at tumambad sa amin ang dalawang litrato ng lalaki. Hindi ko masyadong maidentify yung mukha nila dahil sa kalumaan ng picture.

"In 2018, Mr. Joseph P. Martinez, the school janitor of Arthit High School was found dead in a swimming pool area of the said school. According to the witnesses, a group of friends or students ang nakita nilang kasama ng biktima. After several investigations, Mr. Frederick Bautista, the Investigator found out that Mr. Joseph P. Martinez was drowned and that led him to his Death."

Bumaling ang tingin ko sa mga kasama ko, pero pare-pareho lang kami ng naging reaksiyon. Hindi kami makapaniwala.

"But the School Principal did not believe to that na naging dahilan para buksan ulit ang kaso at paimbestigahan ito."

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon