Chapter 39: Unveiling The Secrets

1.3K 20 0
                                    


CHAPTER 39
KRIST'S P.O.V

May mga pagkakataon sa buhay natin na kailangan natin mamili sa dalawa. Sa tama o dapat, sa tama at mali. May mga maling kailangan natin gawin para makaligtas at ito ang sa tingin natin ay tama.

Kanina ko pa sinusubukang tawagan sila Chimon gamit ang walkie-talkies ko, pero walang sumasagot. Nasa'n na ba 'yung mga 'yon?

Naglakad ako palapit kay Saint at nagbabakasakaling baka na-contact na nila Saint sila Chimon. Kanina pa kami naghihintay dito.

"Ano? Natawagan mo na ba sila? Hindi nagri-ring sa'kin, e." Sabi ko. Ilang beses ko pang sinubukan silang tawagan, pero no response.

"Wala rin sa'kin, Krist." Sagot nito.

Kay First ako sumunod na tumingin. "Meron sayo?"

Umiling lang siya. "Wala rin, e."

It's either nahuli na sila o nahulog mga walkie-talkies nilang lahat kaya hindi namin sila ma-contact.

"Bumalik nalang muna tayo sa taas. Mas delikado ritong maghintay dahil hindi tayo sigurado kung nasaan sila. Baka makita pa nila tayo dito." Nagsimula na kaming maglakad. Nauuna si Saint na sinundan naman ni First.

"Nareview niyo na ba lahat ng documents na pinakuha ko sa inyo? Yung pinalagay ko sa vault few days back. Nandon pa ba?" Tanong ko.

"Hindi ako sigurado kung nandon pa. Hindi ko kasi napansin kanina." Pagdating namin sa kwarto nandon pa 'yung vault, pero napansin kong nakabukas. Mabilis akong tumakbo when I realized something.

"SHIT!" Malakas akong napamura.

"Bakit?" First asked me. Sumunod na rin sila sa'kin tumakbo palapit.

"Sinong nagbukas dito?" I asked them. Walang makapagsabi sa'kin. Hindi ko rin alam kung may iba pa bang nakakaalam ng lugar na ito bukod pa sa aming pito.

"Ha? Walang ibang nagbubukas niyan." Gulat na kumento ni Saint.

"Walang nagbubukas niyan. Tayong pito lang ang nakakaalam sa code ng vault." Sabi ni First. Napailing-iling ako.

"Are you sure na naisara mong mabuti 'to noong nilagay mo lahat ng documents? " Paninigurado ko. Nakakapagtaka lang kase. Sino namang mangingialam nito?

"Sigurado ako." Tumingin siya ng diretso. Confused ang mukha. "Hindi ko rin diyan nilagay 'yang vault na 'yan. Tinago ko 'yan sa loob ng lamesa kaya nakakapagtaka lang na mapunta diyan 'yan."

"Isa lang ibig sabihin nito. Someone betrayed us or may iba pang tao ang nakakaalam ng lugar na 'to." Sabi ko.

"Sino naman? E, tayong pito lang ang may alam ng lugar na 'to." Kumento ni Saint, pero hindi ako naniniwala. Bago pa namin madiscover 'to, mayroon ng taong nagpupunta rito.

"We're not sure. May iba pang tao ang nauna sa atin dito. Maybe may balak siyang gawin sa mga documents na 'yon o may iba pang nakakaalam ng mga plano natin laban sa Principal." Sabi ko.

Tiningnan ko si First na hindi makapaniwala ang mukha. Sandali akong sumandal sa gilid. "And we are not safe here anymore. Baka in just one minute masalubong natin sila. Wala tayong laban sa mga 'yon." Sabi ko.

"Or worst baka yung mga lalaking nanghahabol sa atin kanina ang gumawa nito." Umupo si First sa bakanteng upuan sa hindi kalayuan. Umupo nalang din si Saint sa ibabaw ng lamesa.

Hawak-hawak ko ang vault. Wala ni isang document kaming nakita. Someone stole them. Sino?

"Kung hindi na tayo safe rito, hindi na rin safe sila Arissa at Chimon na magpunta dito. Wala na tayong ibang place na mapupuntahan o pagtataguan kapag nagkataon." Si Saint na ang nagsalita.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon