Chapter 17: Who are you?

1.9K 16 0
                                    


CHAPTER 17
CHIMON'S P.O.V

     Halos wala ng katao-tao dito sa gym ngayon dahil katatapos lang ng announcement kanina. Muling nanalo si Krist sa ikatlong pagkakataon. Siya ang nakakuha ng pinakamaraming puntos kasunod sina Audrey at Saint bago ako.

     Nananatili lang kaming nakaupo sa bench ni Keann habang nagkukwentuhan.

     "Are you okay?" Napalingon ako sa kaniya dahil sa tanong nito.

     "Yes. I'm okay. Why?"

     Tumingin siya sa akin ng diretso. "Nothing. Hindi ka ba nalulungkot dahil hindi ikaw ang nanalo laban sa Star Captain ng ibang section? Hindi ka ba nape-pressure sa mga kaklase natin? What if naiinis na sila sayo dahil hindi mo nagagampanan ang pagiging Star Captain mo? What if—" I cut him off.

     "Relax.. just relax, Keann. Kung alam mo lang kung gaano kahirap bawat laban namin sa Hell Booth, maiintindihan mo rin ako lalo na at hindi ako ganon katalino when it comes to those kind of things."

     "Kind of things? What do you mean?"

     "Nothing. Never mind." Napailing-iling ako. Muntikan ko ng masabi sa kaniya kung anong mga nangyayari sa loob ng Hell Booth. Buti nalang napigilan ko dahil iyon ang isa sa rules ng laro otherwise, madi-disqualified ako for exposing it.

     "To all Star Captain.. Magtipon lahat sa loob ng AVR ngayon. No excuses."

     Umalingawngaw sa buong campus ang boses ni Ms. Amanda. May meeting na naman ba? Para saan? Bakit ngayon pa?

     "Si Ms. Amanda ba 'yon?" Tanong ni Keann.

     Tumango ako bago humarap sa kaniya. "Oo at siya rin ang nagthreat sayo gamit ang cellphone mo."

     "Mag-ingat kayo sa kaniya. Hindi niyo pa siya kilala." Bigla akong kinabahan dahil sa sunod niyang sinabi. Para akong natuod sa kinauupuan ko. Ano bang nalalaman niya? Anong hindi sinasabi ng lalaking kausap ko ngayon?

     "Bakit? Ano bang nalalaman mo tungkol sa kaniya?" Balik kong tanong.

     "Wala. Wina-warning-an ko lang kayo."

     Nagsimula na akong tumayo at pagpagin ang puwitan ko dahil sa alikabok na kumapit rito. Ganon din ang ginawa ni Keann. Pareho na kaming nakatayo ngayon.

     "Mauna na ako." Sabi ko pero agad niya akong pinigilan. Nakatitig siya sa akin ng hindi ko alam ang dahilan.

     "Sandali lang.." Sabi niya.

     Tumingin din ako ng seryoso sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nagbabago ang aura ng mukha niya minsan. Nagiging misteryoso na siyang tao at minsan, hindi ko na siya nakikilala.

     Ano ba talagang meron sa kausap ko? Sa kaibigan kong ito? May hindi ako magandang nararamdaman tuwing kasama siya. Pakiramdam kong binabalot kaming dalawa ng kasinungalingan, nang pagpapanggap.

     "May nakita akong dugo malapit sa room na tinutuluyan ni Bright noong nakaraang araw pagkatapos niyong malaman na si Ms. Amanda ang nagthreat sa akin gamit ang cellphone ko."

     Nauna na siyang naglakad palayo habang ako ay tulala pa rin sa narinig. Hindi pwede. Walang dapat makaalam. Hindi ako papayag.

     Tinitigan ko lang siya habang palayong naglalakad. Hindi mo pwedeng malaman kung anong sikreto ng grupo... Keann.

****
KRIST'S P.O.V

     Pagkatapos kong marinig ang nakakairitang boses ni Ms. Amanda'y lumabas na ako sa Library agad. I don't want to hear her voice again, nakakairita. Dumiretso ako kanina rito pagkatapos ng awarding. Vacant hour namin ngayon kaya wala akong magawa.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon