Chapter 22: Run for your life

2.2K 27 0
                                    


CHAPTER 22
KRIST' S P.O.V

     "Yuko. Bilis!" Pareho kaming yumuko at dahan-dahan na gumapang sa sahig para hindi kami makita. Dahan-dahan kaming tumayo at sumandal sa pader.

     "Bakit?" Naguguluhang tanong ni First habang pasulyap-sulyap sa labas. Hindi ko alam kung nasa labas na ba sila. Mas lalong lumiliwag habang tumatagal dahil sa ilaw.

     "Kailangan natin magtago. Parating na sila." Sabi ko.

     "Nakita ba nila tayo?" Tanong niya.

     "Hindi naman siguro. Pero kailangan natin maghanap ng mapagtataguan dito." Mabilis kong inilibot ang mata ko sa kabuuan ng opisina kahit wala akong gaanong makita.

      "Si Saint? Kamusta siya?" Pag-aalala nito sa kaibigan. Buhat kasi kanina'y hindi pa namin siya nakakausap.

     "I don't have any update sa kaniya, but I'm pretty sure na okay lang siya." Sagot ko.

     Napatingin ako sa kaniya ng seryoso. Tagaktak na ang pawis namin dito sa loob dahil sa kaba.

     "Magtago na tayo bago pa nila tayo makita rito sa loob. I'm pretty sure na Student Council 'yan from higher year."

     "Sigurado ka?"

     Umiling ako at sandaling ngumisi. "Just kidding." Masyado na kasi kaming kabado. Hindi ako makakapag-isip ng maayos kapag masyado akong tensiyonado.

     Dahan-dahan kaming gumapang papunta sa likuran ng lamesa para hindi kami makita. Kinakabahan na kaming dalawa. Sa palagay ko hindi lang isang tao ang papunta sa direksiyon namin.

     "Ilan ba sila?" Tanong ni First.

     Sumulip ako sa labas at tiningnan ang mga ilaw. "Base sa direksiyon ng mga ilaw na nanggagaling sa flashlight nila, tatlong tao sila pero magkakaiba ng ruta. Iba-iba rin ang way ng paggalaw ng mga ilaw nila. Wala silang iisang direksiyon."

     Pagkatapos ay bumaling na ulit ako ng tingin sa kaniya.

     "Bakit ba sila nandito?"

     "I have no idea." I answered.

     Pagkaraan ng ilang minuto'y gumapang na ulit ito papunta sa likuran ng pinto. "Ano nang gagawin natin?" Kinakabahan niyang tanong habang nakaupo.

     Pawis na pawis na ang mukha ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Ewan ko ba. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Hindi rin biro kung sakaling mga Student Council nga from higher year ang mga nag-iikot.

     "Just keep quite para makapag-isip ako ng maayos. No matter what happened, stay there. Don't make any noise kung ayaw mong makita at mahuli nila tayo. I'll find another way para makalabas tayo rito at makabalik sa mga room natin."

     Nanginginig na ang buong katawan ko dahil sa kaba. Mararamdaman kong palapit na sila ng palapit. Para silang nakasuot ng mabigat na sapatos o matigas na takong. Matigas at matunog.

    In-on ko na ang device na naka-connect sa walkie talkie ni Saint para makausap siya.

     "Saint, are you still there?" I asked him.

     "Oo. Kamusta kayo diyan? Hindi ba kayo nakita?" Tanong niya pabalik. Thanks God he's okay.

     "We're okay. Hindi naman kami nakita and I'm sure na malapit na sila rito. Don't worry, I'll find another way para makalabas na kami dito." Kahit kinakabahan ako, pinapakalma ko pa rin ang sarili ko.

     Nakita ko si First na tahimik lang habang nakatingin sa akin. Halata sa mukha niyang kinakabahan ito.

     Magsasalita na sana ulit ako ng makita kong dahan-dahang may pumipihit ng pinto.

HELL BOOTH (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon