Chapter 25

7.6K 219 31
                                    

Tris Raven's POV

"Talas ng bibig ng babaeng 'yon ang sarap iuwi."

I stopped writing and looked at Zahir. "Tang ina ka Zahir." I chuckled. "Ilang oras na nakalipas 'di ka pa naka-move on?"

He glared at me. "Tanga! Pinahiya tayo."

"Dami mong alam!" Naiirita kong sabi. "Gahasain mo nalang 'pag may oras! O." I said, giving him the paper.

Pucha kasi may nalalaman pang isulat sa papel yung pangalan at contact number. Kabobo.

"Isulat mo sa 'kin."

Itinapal ko naman sa dibdib niya yung papel. "Pakyu ako pa utusan mo." I hissed.

"Wala ka talagang kwenta."

"Sa tingin mo ikaw meron?" I shot back.

Umirap nalang siya at nagsulat na rin.

'Di pa kasi kami paalisin eh! Break time na kaya.

I roamed my eyes but stared outside when I saw a familiar face.

Kinalbit ko naman si Zahir pero 'di pa rin siya umiimik kaya kinalbit ko ulit... Ulit... Ulit...

"PUTANG INA KA ANO BA?!"

At tumigil ang mundo... Nang sigawan ako ng demonyo.

"Mr. Mendoza!"

"MANAH-"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Zahir bago pa niya masagot 'yon kay Yap.

"Sorry sir." I immediately said.

"Warning boys. Kaninang umaga pa kayo." He said in a warning tone of course.

Hindi naman ako sumagot at hinarap si Zahir bago siya bitiwan.

"Ano ba? Lagot tayo kay ate Xy kapag nakasapakan natin 'yan." I whispered to him.

"Eh bakit ka kasi kalbit ng kalbit?!"

"Bobo ba't kasi 'di ka sumasagot?"

"Ano nga kasi 'yon?!"

I sighed. "Naalala mo 'yon?" I said, pointing a guy outside, talking to three more guys.

"Oo! Yung pangit na Dracula."

"Bakit kausap niya 'yon?"

"Lintek! Nademonyo pa 'ko dahil diyan! Ano ba pakialam mo?! Isusupalpal ko na sa'yo 'tong ball pen eh."

I glared at him. "Magre-wrestling tayo sa bahay hayop ka."

Walang hiya.

Pero ano'ng ginagawa ng demonyong 'yan dito na may anim na kasama at masamang masama ang tingin sa 'kin? Wow ah. Dati apat lang sila ngayon pito na.

I crumpled a clean paper and stood up, getting out of the room and threw the paper while staring at him.

"Ang sama ng mata mo sa kuya ko ah."

Bunch of MENDOZAsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon