Chapter 5

192K 9.8K 906
                                    

Chapter 5


Nang ipakilala ako ni Evan sa harap ng mga gumagalaw na painting at kilalanin ako ng mga ito bilang kanyang babae, basta na lamang ako nito binitawan nang walang pakundangan.

Dapat ay kiligin ako o kung anuman sa sinabi niya. Bakit? Sinong hindi tataas ang noo kapag ipinakilala ka ng pinakamatalino, pinaka-gwapo at pinakamasungit na lalaki sa isang unibersidad bilang kanyang babae?

Sinong hindi magmamalaking siya ang pinakamaganda sa lahat sa kaalamang ikaw ang napili ng kilalang lalaking ilang beses nang pinagtangkaang akitin ng hindi lamang iilang mga bampira?

They got the bigger boobs, but he chose me. They got the inborn fangs but he chose me, they're smarter but the damn prince chose me.

Sa ibang pagkakataon, magmamalaki ako, sa ibang pagkakataon tataas ang kilay ko, sa ibang pagkakataon ngingisi ako ng tagumpay, dahil isa lamang ang ibig sabihin nito.

Kahit sa mundo ng mga bampira, litaw at angat ang alindog ko.

But this damn fucking cold vampire is frustrating me with his every action!

He should be gentle and kind, he should act like a real caring prince. Dahil pinili niya ako, dahil ako ang nagustuhan niya kumpara sa lahat ng mga babaeng nandito.

But everything's different from him.

Hindi ko makuha kung ano ba talaga ang gusto niya. He should be nicer if he wants to keep me for long. Pero parang napilitan lang siya sa akin o kung anuman.

"Follow me," utos niya sa akin nang mapansin niyang nakatanaw lang ako sa kanyang paglalakad.

He didn't even wait for me. Dahil nagpatuloy na ulit ito sa paglalakad. Saglit muna akong lumingon muli sa mga painting, kumunot ang noo ko nang may mapansin akong kambal na batang babae sa painting na panay ang pag-iling sa akin.

Hindi ko alam kung bakit biglang gumapang ang matinding kaba sa dibdib ko, lalo na nang mas mapagmasdan ko ang kakaibang reaksyon sa kanilang mga mukha.

"Naha," tumigil sa paggalaw ang mga painting nang marinig nila ang boses ni Evan.

"Yes, yes my prince. I'm coming." Ilang beses kong tinapik ang pisngi ko at marahang pag-iling para mawala sa isip ko ang imahe ng dalawang bata.

Nagmadali na akong sumunod kay Evan.

"Who are you?" tanong ko sa aking isipan.

A university's property can't be ruled by a simple student, pero nang makita ko ang reaksyon ng mga painting nang magpakita si Evan ay halos sambahin ng mga ito ang prinsipe.

I even saw fears.

"Dapat ko rin ba siyang katakutan? Dapat ba akong mag-ingat?" I don't even know him. Sinabi lang sa akin ng kapatid kong isa itong prinsipe na may kakaibang klase ng talino.

Sinubukan kong ibuka ang bibig ko, pero sa huli ay binawi ko ito at pinanatili ko na lamang itong nakatikom habang nakasunod ako sa kanyang likuran.

Habang naglalakad kami ni Evan, pansin ko na may mga daraanan na naman kaming mga painting. Gusto ko sana siyang tabihan dahil hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako sa nangyari pero mas natatakot ako sa magiging reaksyon niya.

He's a cold blooded asshole. Bakit tanungin nito kung bakit ako mas lumalapit sa kanya.

Kaya pinili ko na lamang ilagay ang mga kamay ko sa aking likuran habang magkadaop ito at pilit kong inaabala ang sarili ko sa kabila ng dilim at kilabot na dala ng parteng ito ng unibersidad.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon