Chapter 6

187K 10K 904
                                    


Chapter 6


Kung inaakala niya ay mawawala ang aking matinding galit sa kanya, nagkakamali siya.

Teach me how to bite properly? Sa tingin niya ba ay gugustuhin ko pa na kumagat sa katulad niyang bampira na ubod ng sama ng ugali?

Hindi ko pinansin ang pagtatanggal niya ng kanyang butones.

Sinimulan ko nang bumangon at marahan kong pinunasan ang mga luha kong naglandas sa aking pisngi.

Tumayo ako nang hindi man lang humihingi ng tulong sa kanya. Nagtaas noo ako kasabay nang paghawi ng buhok ko.

Ilang beses akong humugot ng paghinga bago ako tuluyang humarap sa kanya. Sinadya kong pilit palabasin ang mga pangil ko at tumitig sa kanya na parang nais kong sumunod sa kanya.

The evil yet sexy vampire just threw his black uniform on the old wooden chair. Dahan-dahan nitong ibinuka ang kanyang mga braso na parang hinihintay ang babaeng sunod-sunuran na kanyang inaasahan.

Kung dito na matatapos ang buhay ko sa gagawin kong ito, wala na akong pakialam pa.

I can't be enslaved by this kind of vampire, isang bampira na ang tingin lamang sa akin ay isang laruan. Isang pag-aaring mayroong obligasyon sa kanya.

Yes, utang ko sa kanya ang aking buhay. Pero kailanman ay hindi ko pinangarap mabuhay para lamang paglingkuran, saktan at pahirapan.

Life without freedom is another kind of death, a tragic kind of death.

As I walked slowly, unti-unti nang nag-iinit ang palad ko. Sa mundo ng mga tao, mataas ang respeto sa akin ng mga kalalakihan.

Yes, I've been known as the campus flirt pero hindi ito naging dahilan para hindi ako itrato nang maayos ng mga kalalakihan.

I thought vampires are gentle?

Nang abot-kamay niya na ako agad kong iniwas ang kamay ko, hindi na ako nag-aksaya a nang oras.

Isang marahas at malakas na sampal ang ipinadapo ko sa kanya. His face moved a bit, pero ang matalim niyang mga mata ay nakatitig sa akin.

And looking at his eyes right now, he's in the verge of killing me in his own brutal way.

But that didn't stop me from bursting out. I am still human, having a heart of a woman. Madali akong masaktan, lalo na kung ganito ang klase ng pagtrato sa akin.

I've been adored and loved by many, I don't deserve this.

"You're being too much Evan!" nanginig ang mga tuhod ko nang makita kong nagkaroon ng kalmot ang mukha ni Evan dahilan kung bakit nagkaroon ng bahid ng dugo ang kanyang pisngi.

Hindi siya nagsasalita, marahan niyang inangat ang kanyang kamay at tipid pinahid ng kanyang daliri ang dugo mula sa aking kalmot.

"Happy?" he asked.

"Hindi lang sampal ang bagay sa'yo! Your attitude is a trash! Mas mabuting maputol na lang ang mga pangil ko kaysa kumagat sa'yo! Your blood will just ruin my life!"

He sarcastically smiled at me.

"Your life was saved because of my blood, Ms. Carvajal. Ganito ba talaga kayong mga tao? Hindi marunong tumanaw sa utang na loob?"

"Ganito pa kayong mga bampira? Walang pakiramdam? Hindi mo ba narinig ang pagsigaw ko? I begged for help Evan, I could have died!"

"You're still alive as of this moment." Umawang ang bibig ko habang natutulala sa kanya.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon