Chapter 30

191K 10K 3.8K
                                    

Chapter 30

Prison

Natapos ang klase na halos wala na akong naintindihan. Hindi na nasundan pa ang banggaan sa pagitan namin ng kabit ni Evan at nanatiling tahimik ang prinsipe hanggang matapos ang klase.

Sa kabila nang paninitig nito at ilang beses na pagbulong sa aking pangalan, sinikap kong huwag itong pansinin.

Nang sandaling tumunog ng kampana, hudyat na tapos na ang isang buong gabi para sa mga mag-aaral ng unibersidad. Isa ako sa mga nakipag-unahang bampira, para agad na makalabas sa aming silid-aralan.

Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ng silid, sinugurado kong nakataas ang aking noo nang sandaling nagtama ang mga mata namin ni Circa.

"Naha!"

Muli kong narinig ang tawag ni Evan, pero pinili kong ipagpatuloy ang aking paghakbang.

Agad nagpakita ang ngiti sa aking labi nang makita ko si Pearl na hindi na kalayuan mula sa akin.

"Pearl!"

Lakad takbo ako para makarating sa kanya, ramdam kong nakasunod pa rin sa akin si Evan.

Nakangiti rin sa akin si Pearl, pero nang sandaling lumampas ang tingin nito sa akin, agad niyang nakumpirma kung bakit ganito na lamang ang aking pagmamadali.

Inangkla ko ang aking braso sa kanya at halos hilahin ko na ang kapatid ko para magpatuloy kami sa paglalakad.

"Let's go,"

"Naha!"

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" umiling ako kay Pearl.

Lumingon ulit ito sa likuran bago muling nagsalita. "You should talk to him. atleast."

"Gago siya, walk faster Pearl."

"Alam kong gago siya, Naha. Simula pa lang, because he seduced you. But you are aware that he'll never stop chasing you." Dumiin ang pagkakahawak ko sa braso ni Pearl.

"Tumutula siya," I whispered.

"W-What?"

"Tumutula nga siya.."

"W-What? What do you mean Naha?" nalilitong tanong nito.

"Tinutulaan niya nga ako! The asshole is not explaining! Dinadaan niya ako sa patula-tula niya. Hayop siya!"

"Oh.."

Muling lumingon ang kapatid ko kay Evan habang lakad pa rin kami nang lakad.

"Typical wise Gazellian, the fangs and his wicked mind."

Buong akala ko ay isang malutong na mura muli ang maibibigay ko kay Evan, pero ito ako at lumuluha na naman.

"He's too wise Pearl, na sa sobrang talino niya. Nais kong paniwalaan lahat ng sinasabi niya. His words and actions are contradicting with one another." Nanatiling tahimik ang kapatid ko.

"His actions are giving me doubts, but his words are making me fall for him more. He chose a complicated way of explaining."

Sa huli nakarating kami sa aming silid at hindi ko na naramdaman ang presensiya ni Evan na nakasunod sa amin.

Pearl's now busy combing my hair, as I watched our reflection in front of a large mirror.

"I had a dream," panimula ko.

"Again?"

"No, it's different now."

"How different?"

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon