Chapter 37

176K 10.8K 2.4K
                                    

Chapter 37

Neglected vampire

My confusion reached its highest level when I've witnessed how my Prince reacted by the mere sight of the necklace. It was from his father, what's with the fear in his eyes?

"Give me that necklace, Naha!" dumiin ang hawak ko sa kwintas at ilang beses akong humakbang paatras.

"Hindi ko ito ibibigay sa'yo, kung hindi mo ipaliliwanag sa akin ang lahat."

"Wala akong dapat ipaliwanag, Naha! Kung ano ang nalalaman mo o ang lahat ng sinabi ko sa'yo, sapat na ito."

"You are lying!" sigaw ko sa kanya.

Labag man sa loob ko, mabilis akong lumapit kay Rosh at pinili kong tumayo sa likuran nito. Umawang ang bibig ni Evan na parang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko.

"Ilang beses mo akong tatakbuhan, Naha?"

"Ilang beses mo akong gagawing tanga, Evan! Ilang beses mo akong gagawing bulag? Why? Hindi mo ba ako kayang pagkatiwalaan? Dahil pa rin ba lumaki ako bilang tao? We are mates, Evan! Pero ipinararamdam mo lang ito sa akin sa tuwing kailangan ako ng pangil mo!"

"Why don't you tell her?" pagsingit ni Rosh sa pagitan ng batuhan namin ng salita ni Evan.

Hinintay kong magsalita si Evan, pero wala akong makita sa ekspresyon niya na handa na itong magpaliwanag sa akin.

"E-Evan please.."

Biglang nabuksan ang pintuan at iniluwa nito ang kapatid ko at si James.

"Naha!" tumakbo ito sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit.

"P-Pearl," anong nangyari sa kanila nang sandaling nilamon ako ng mga larawan? I was too worried, na baka totohanin ni Evan ang banta nito kay James at Pearl.

"Bring your sister, Pearl. May pag-uusapan kami ng ating panauhin." Hindi na sumagot sa kanya ang kapatid ko. Hinawakan na niya ang balikat ko at iginiya niya ako sa paglabas ng pintuan.

Gusto kong manatili sa loob at ipagpatuloy ang pakikipag-usap kay Evan, pero masyado itong matalino at nagawa niya akong itaboy na hindi man lang siya nahihirapan.

Part of me wanted to call Rosh, para tulungan niya akong manatili sa loob. But Evan was right, may sarili rin itong pakay at hindi ang mismong pagtulong sa akin. Akala ko ay tuluyan na kaming makakalabas ni Pearl nang walang maririnig mula sa dalawang prinsipe, pero narinig ko ang habilin ng pangalawang prinsipe ng Deltora.

"If everything went wrong, I'll definitely drag you inside the painting. We'll leave your asshole mate, and the Parsua Sartorias women will be your comrade." Prince Rosh assured me.

"Stop flirting with my mate in front of me, Rosh!" sigaw ni Evan.

Kasunod na namin si James at ito na mismo ang nagsarado ng malaking pintuan. Pearl safely brought me inside a different room. Nakaupo na ako sa kama habang habol ang aking tingin sa kapatid ko na pabalik-balik na naglalakad.

"Tell me what happened four years ago. Mabuti at hindi kayo napatay ni Evan? At base sa paraan ng pakikipag-usap niya sa'yo, parang nawala ang galit niya." Nanunuring tanong ko sa kapatid ko.

Just like the others, isa rin ang kapatid ko sa aking malaking palaisipan. All of them knew the real mysteries of the university, pero ang mga kaalamang ibinibigay ng bawat isa sa kanila ay hindi magkakatugma, kaya nahihirapan akong isipin kung sino o ano ang dapat kong pagkatiwalaan sa mga oras na ito.

Trail of a Single Tear (Gazellian Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon