Chapter 10: Nemesis

6.6K 416 82
                                    

THIRD PERSON

Nang makarating si Reanna sa apartment niya ay agad siyang naligo at nagbihis ng pambahay. Napagdesisyonan niyang magluto na muna tutal gabi na rin naman. Habang naghihiwa ng mga ingredients para sa sinigang na lulutuin niya ay biglang bumalik sa alaala niya iyong mga pangyayari sa school nila habang wala si Eve.

"Uy, Reanna bakit hindi mo kasama si Eve?"

"Bakit hindi raw pumasok ngayon si Eve?"

"Reanna, nasaan si Eve? Kumusta na siya? Pasabi na lang sa kanya na miss na namin siya."

"Wala pa rin si Eve? Tatlong araw na siyang absent, ah? Alam mo ba kung bakit, Reanna?"

"Mabuti na lang pala at nag-take down ako ng mga notes, puwede ko itong ipahiram sa kanya kung sakali. Ano sa tingin mo, Reanna?"

"Nakakamiss si Eve... iyong mga tawa niya at mga corny niyang jokes. Reanna, pabisita naman siya, please?"

"Reanna, puwede mo ba kaming samahan kay Eve? Gusto lang sana namin siyang kumustahin."

"Ah..." Nabalik siya sa reyalidad nang makaramdam siya ng kirot sa daliri niya. Tiningnan niya ito at nakita niyang dumudugo na ito. Tumungo siya sa may lababo at agad itong hinugasan. Bumuntong hininga siya at napapikit ng mariin.

"Damn it. Hindi naman kasi ako tanungan ng taong nawawala," inis na bulong niya sa sarili niya saka kinuha ang first aid kit na nakalagay sa taas ng aparador.

Nang matapos siya sa paggamot sa nahiwa niyang daliri ay bumalik ulit siya sa paghihiwa ng mga ingredients. Pero habang tinititigan niya ang kutsilyong nakalatag sa chopping board ay unti-unting namuo ang galit at inggit sa puso niya. Mahigpit niya itong hinawakan at madiin na hiniwa ang mga ingredients habang paulit-ulit na sinasabi ang mga katagang...

"Puro na lang kayo Eve! Eve! Eve! Tangina! Nakakabanas na!"

Napatigil siya sa paghiwa at hinawakan ang mukha niya.

"Wow. Palagi ko na lang talagang iniiyakan ang mga walang kuwentang tao." Tumawa siya ng mapakla saka marahas na pinunasan ang mga luhang kumawala sa mata niya.

Tiningnan niya ang mga ingredients na gagamitin niya sana sa pagluluto ng sinigang saka ito marahas na itinapon sa basurahan habang paulit-ulit na nagmumura. Naisipan niya na lang na kumain sa labas kaya kinuha niya ang jacket niyang nakasabit sa likod ng pinto ng kuwarto niya at agad nang lumabas ng apartment. Habang naglalakad sa gilid ng kalsada ay biglang bumalik sa alaala niya 'yong una nilang pagkikita ni Eve almost three years ago...

"Uy, bakit ka umiiyak?" tanong ng isang dalagang naka-ponytail sa dalagang nakaupo sa swing.

"Wala," utal na sagot naman ng dalagang nakaupoo sa swing.

"Anong wala? Meron! Umiiyak ka, eh!" pagpupumilit ng dalagang naka-ponytail.

"Wala nga! Umalis ka nga rito!" pagtataboy sa kanya ng nakaupo sa swing.

"Hala! Nagtatanong lang naman ako. Huwag kang magalit," gulat na saad ng dalagang naka-ponytail saka ito ngumuso.

"Wala akong pakialam! Umalis ka na sabi, eh!"

"Ang sungit mo naman!" Napangiti na lang ang dalagang naka-ponytail.

"Pakialam mo ba?!"

"Dahan-dahan ka nga sa pananalita mo! Nandito ako para damayan ka. Ang lungkot mo kasing tingnan. Ano bang nangyari sa 'yo? Why are you crying? You know, you can tell me your problems. I'm willing to listen."

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now