Chapter 29: Overheard

4.8K 216 14
                                    

GENEVIEVE

Simula nang umalis kami sa mental ward ay hindi ko na magawang makaimik pa hanggang ngayon na bumabiyahe na kami pauwi. Hindi pa rin nagsisink-in sa utak ko ang mga nangyayari kay Reanna. I met her as a strong and independent woman. Hindi siya nagpapatalo sa kahit na anong bagay but her emotions overpowered her. She didn't control all of her emotions mixing together resulting to her breakdown.

Life is really full of surprises. Hindi natin alam kung kailan at saan tayo gugulatin. Mamamalayan na lang natin na nasa isang sitwasyon na tayo na kung saan susubukin ang tatag at talino natin. Sitwasyon na kung saan hindi naman natin ginusto. Nangyari lang talaga and all we have to do is to face and accept it. Because that's what it is.

"Almost there. You okay?"

Nabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Binx.

"Yeah."

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa bahay. I looked at him and smiled as I unbuckled my seat belt. Lumabas siya ng pinto at hinintay kong pagbuksan niya rin ako.

Lumabas ako ng sasakyan at dumiretso sa loob. I greeted my mom and dad pero agad din naman akong dumiretso sa kuwarto.

I'm not in the mood to talk right now. I felt so tired. Maybe because of the limited foods that I ate or because of the thirst or because of what happened earlier. I don't know. Ang gulo-gulo na. But one thing's for sure, I want to be alone even just for this day.

Pabagsak akong nahiga sa malaking kama ko at tumitig sa kisame saka bumuntong-hininga.

"I think I wanna die..." wala sa sarili kong sambit.

Mabilis akong napabangon at pagod na tinagilid ang ulo saka pumikit nang ma-realize kung ano ang tinuran ko kanina lang.

"Ano na naman bang pinag-iisip mo, Genevieve..." 

You, stupid. Stop being a drama queen and focus.

Ilang beses kong kinusot-kusot ang mga mata ko bago nagpagulong-gulong sa kama habang sinisipa at itinataas ang mga paa at kamay sa ere.

Damn! Ang OA ko talaga pagdating sa mga bagay-bagay. Well, sino ba naman ang hindi magiging OA pagdating sa ganitong mga problema? Come on, every problem that we encounter, hindi natin mapipigilang hindi mag-overreact. It's absurd knowing that you didn't even care and affected by someone that's close to your heart and life. Sadyang 'ganoon' lang ako ka-affected mag-reak so don't mind me.

Paimpit akong napasigaw nang maramdaman ko ang katawan kong bumagsak sa matigas na sahig.

"Eve? Are you okay?" I looked at the door when I heard Binx's voice behind it. I pouted.

Hinayaan kong mahiga ang sarili kong katawan sa malamig na sahig habang hinihintay ang pagbukas ng pinto. Hindi naman iyon naka-lock kaya maya-maya lang din ay tumambad na sa akin ang kunot-noong mukha ni Binx. Binigyan ko siya ng masayang ngiti saka itinaas ang dalawang kamay, gusto magpatulong sa pagbangon na parang isang bata. I'm too lazy to get up and move my body. But instead of giving me a hand, he carried me like a bride.

"What are you doing?" tanong niya nang mabuhat niya na ako. Isiniksik ko ang mukha ko sa matigas niyang dibdib saka pumikit para damhin ang amoy niyang nakakaadik.

He really smells so good. Kung ano man ang amoy ko, ikinakahiya ko na iyon kumpara sa amoy niya!

"Wait, buhatin mo lang muna ako," pigil ko sa kanya nang ilalapag niya na sana ako sa kama. Hinigpitan ko rin ang yakap ko sa leeg niya.

This is much better! I think I don't want to get off to him anymore. Well, carrying me like this by someone I love is just like carrying my burden also. It lightens me up. Hinalikan niya ako sa ulo kaya hindi ko maiwasang mapangiti kahit na nakapikit.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now