Chapter 22: Her Decision

4.4K 238 13
                                    

GENEVIEVE

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Kalaunan ay bumungad sa 'kin ang isang nars na may hawak na tray. Nilabas niya mula rito ang injection saka itinurok sa 'kin. I just watch what she's doing to me. Ni wala akong maramdaman sa pagturok niya.

Pagkatapos ng nars ay siya namang pagpasok ng doktor ko. Bilib din ako sa kanya dahil hindi niya pa ako sinusukuan hanggang ngayon o sadyang trabaho lang lahat ang ginagawa niya? Obviously.

"How is she, Mrs. Hutton?"

"I..." I felt the hesitation in my mom's voice. I looked at her. "I still cannot answer that, doc. Look at her..." Her voice cracked kasabay ng pagbuhos ng mga luha niya and it feels so weird kasi wala akong maramdaman. All I can do is to stare at them.

Why?

"I understand," said Dr. Aguillard.

I looked away. Nakita ko rin sa peripheral vision ko ang paglapit sa akin ni Dr. Aguillard. Hindi ako kumibo at nanatiling nakaupo sa kama habang hinihintay kung ano man ang gagawin niya sakin. Lots of tests and observations has been done yet here I am. Wala pa ring nagbabago. I feel so stuck. Wala nang balak na umabante man lang.

Am I still going to be cured? When? Pagod na akong maghintay sa wala.

Nasilaw ako sa liwanag ng flashlight na bumalot sa mga mata ko pero tiniis kong huwag pumikit. Damn! Ganito na ba talaga ang ginagawa nila sa 'kin? Bakit parang ngayon ko lang naramdaman ang epekto nito?

"I think she's going to be okay now, Mr. and Mrs. Hutton." Narinig kong saad ni Dr. Aguillard kaya naman ay hindi ko maiwasang ibaling sa kanya ang mga mata ko nang hindi ginagalaw ang ulo. And shoot, napansin niya iyon kaya iniwas ko na ulit. I acted like it was nothing.

"What do you mean, Doc?" As usual, my mom's curious.

"She'll... be okay," he assured my parents miraculously.

I let out a low suspire. I get what Dr. Aguillard trying to say to my parents. Alam kong napapansin niya na ako kaya hindi na ako magtataka kung pati ang mga magulang ko ay makuha rin ang atensyon nila sa isang maling galaw ko lang.

I know to myself that I'm getting okay. Hindi ko iyon maitatanggi pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung pano simulan ang dating nakagawian kong kilos at galaw. Wala rin ako sa tamang pag-iisip para magsalita dahil baka kung ano naman ang mabitawan kong patalim na tatagos sa kanila hanggang sa pinakaibuturan ng kanilang pagkatao.

Sa loob ng halos ilang oras, walang ibang tumatakbo sa isipan ko kundi ang mga nangyari habang nandito ako sa ospital. 'Yon lang. In just a blink of an eye, everything disappeared. Lahat ng mga plano ko sa buhay nawala. Napalitan iyon ng mga masalimoot na pangyayari. Then it hit me, what happened to Binx and Reanna?

I'm not mad at them anymore. I feel at ease now. I mean, hindi ko alam kung ano ba itong nararamdaman ko ngayon pero sa hinuha ko, kalmado na ako. Nakakapagod din naman kasing magalit at kimkimin ang lahat ng sakit. Nakakasawa. It'll bore you to death but at the same time, maraming realizations ang makukuha mo sa sariling aksiyon na ginawa mo.

I tried remembering everything before I let myself shrouded in darkness but my head hurts. Hindi ko masyadong maalala 'yong pag-uusap namin ni Reanna. Only few details but enough to realize everything.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Where stories live. Discover now