Chapter 16: Rainbows and Sunshine

5.1K 331 72
                                    

GENEVIEVE

"Hey, will you stop that?" I said while looking at him, chortling with delight because of his bizarre dance steps. "My God! You look like a bamboo na sumasabay lang sa ihip ng hangin," sabi ko pa. Damn! This man is crazy! He's been doing it since umalis sina mommy at daddy.

"But, you're loving it, don't you?" nang-aakit na sabi niya sabay wink at lip bite.

Goodness gracious! This man never cease to amaze me. He's always doing some crazy stuff to make me happy simula 'nong araw na 'yon. Kahit na hindi niya naman ginagawa dati (sabi niya) ginagawa niya na ngayon... because of me. Hmm? I don't know if I should trust him on that.

Napatakip na lang ako sa mukha gamit ang dalawa kong kamay saka umiling-iling nang bigla niyang hubarin ang t-shirt niya. 

"Oh, my god, Binx! This is a scandal! Will you stop that already? My God!" Natatawa ako habang nakatakip pa rin sa mukha ko ang dalawang kamay ko.

Biglang tumahimik ang buong paligid at wala na akong maramdamang sumasayaw sa harap ko. Oh, thank God! He stopped.

Kaya lang napatili agad ako nang tanggalin ko ang takip sa mukha ko dahil sa ginawa niya. He kissed me saka siya tumakbo palayo sa 'kin habang sinusuot pabalik ang t-shirt niya. Namilog ang mga mata ko at hindi ko maiwasang mapamura.

"Binx! You stole my..."

"What? Don't tell me it's your first kiss 'coz I kissed you a thousand times already, mi amor."

Ramdam ko ang pamumula ng dalawang pisngi ko. That is so embarassing! Bakit kailangan niya pang ipaalala? Malilintikan ka talaga sa 'kin Binx kapag nahuli kita.

Aalis na sana ako sa kama nang pigilan niya ako.

"Stay there. I told you, don't move a lot." Sinenyasan niya pa ako gamit ang dalawa niyang kamay kaya napairap na lang ako.

"Then, come here," hamon ko sa kanya.

He chuckled, "You really know how to make me stop."

Dahan-dahan siyang lumapit habang diretsong nakatingin sa 'kin kaya hindi ko maiwasang mapangiti. Nang makalapit siya ay agad ko siyang niyakap sa baywang niya. Pumikit ako at hindi ko maiwasang singhutin siya dahil sa pabango niyang nakakaadik.

"Baka maubos ako," komento niya.

I laughed saka na kumalas sa yakap. Tiningala ko siya dahil nakaupo ako sa kama at nakatayo siya. Hirap mag-adjust, 'no? Ang tangkad niya pa.

"Hang on," natatawang sabi niya saka naupo sa tabi ko. Sumandal naman agad ako sa balikat niya at hindi ko maiwasang balikan 'yong ilang araw kaming magkasama hanggang ngayon.

Binx never leave me. He always finds time to visit me and when he does that, walang oras na hindi niya ako napapangiti at napapatawa. But he's so careful on the things that might trigger my allergy. Siya ang naging katulong nila mommy at daddy sa pag-aalaga sa akin. Hindi ko nga alam kung ano ba talaga kami, basta ang alam ko mahal na namin ang isa't isa. Well, sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya sa loob ng one month niyang pananatili rito?

He's caring. He has this sense of humor na sa akin niya lang pinapakita at pinaparamdam but I really loved it when he does that. Although, masungit at snob siya pagdating sa ibang tao, tinatawanan ko na lang siya sa loob-loob ko. Pakiramdam ko tuloy ang swerte-swerte ko sa kanya. Pakiramdam ko ako palang ang trinato niya ng ganito. And I can't help myself to fall in love with him every single day. Pakiligin ka ba naman araw-araw kaya nagiging healthy ako, eh. This is so overwhelming. Hindi ko inisip na siya ang magiging kaagapay ko sa ganitomg sitwasyon sa buhay ko.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon