Chapter 21: Nervous Breakdown

4.5K 251 17
                                    

THIRD PERSON

"Eve... the truth is I cut my hair because of you. I got mad at you... no, I got mad at myself because I feel so insecure and jealous for who and what you are and what you have. Hindi ko inisip na masasaktan ka. Inisip ko lang ang sarili ko nang gawin ko ang mga bagay na 'yon. Hindi... hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko. Siguro kasi... kasi ang dami-dami kong problema at hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. But then, it hit me. Walang-wala ang problema kong ito sa problema na kinakaharap mo ngayon. I'm sorry, Eve. I'm so sorry..."

Natigil sa pagsasalita si Reanna dahil sa matinding nararamdaman. Sising-sisi siya sa mga nangyayari ngayon sa nag-iisa niyang best friend maging kay Binx ay nahihiya siya sa ginawa niya rito at sa mga nasabi niya. She regret it so much.

"Eve, trust me. 'Yong nangyari sa room... it's... it's all my fault. I threatened Binx para gustuhin niya ako dahil I admit, you're right na na in love nga ako sa kanya but I guess, love is not the right term to describe what I've felt that day to him. Kaya niya nagawa 'yon kasi mapilit ako. Oo, I am a flirt, whore, b*tch or whatsoever so forgive me, Eve. I just wanted you to feel kung ano man ang nararamdaman ko. Gusto kong malaman mo na naghihirap din ako. Kulang na kulang ako sa atensyon at pagmamahal and I've been longing for that kahit ilang oras lang... kahit minuto lang... gusto ko mahalin din ako ng mga taong nakapalibot sa 'yo dahil... dahil napapansin kong parang isang nobody lang ako sa lahat." 

Reanna gasped as tears continue to fall. 

"Gusto kong makita nila ako as Reanna na nakilala mo, hindi kung ano ang sinasabi sa 'kin ng ibang tao. Ikaw ang mahal at paborito nila kaya ginawa ko ang lahat na akala ko'y tama. Inggit na inggit ako sa 'yo na sana ako na lang ikaw pero mali pala ako dahil kahit kailan hinding-hindi ako magiging ikaw. Iba ka Eve and I love how your uniqueness envelop your whole body. All this time, akala ko talaga ikaw 'yong mali sa pagkatao ko pero sarili ko lang ang pinapahirapan ko. I'm so stupid and I hate myself even more for what I've done to you. Pero si Binx... pina-realize niya sa 'kin ang lahat and I thank him for that. Kahit si Binx na lang ang patawarin mo, Eve. Kahit siya na lang... I'm begging you."

Habang abala si Reanna sa pag-amin ng lahat kay Eve, hindi niya alam na may dinaramdam na pala ito at hindi narinig ni Eve lahat ng sinabi niya pero nandito si Binx kaya na-witness niya ang lahat na sinabi ni Reanna. He's happy for her because finally, na-admit niya na ang lahat. Nga lang, nagtaka siya nang makita niyang nahiga ulit si Eve sa kama kaya naman ay hindi na siya nagdalawang-isip na lapitan ito.

"Eve?" he called.

Samantala, nang tingnan naman ni Reanna si Eve ay bigla ulit siyang nakaramdam ng paghihina at takot. Nilapitan niya si Eve at hinawakan. Biglang nanikip ang dibdib niya nang maramdaman niya kung gaano naghihirap si Eve ngayon at isa siya sa mga naging dahilan nito.

"Tumawag ka ng doktor! Reanna! Call a doctor!" Nataranta si Binx samantalang si Reanna ay tulala sa kalagayan ni Eve.

"Hindi..." Reanna mumbled to herself.

"Reanna!"

Bumaling siya kay Binx at nakita niya ang mukha nito na puno na ng luha. Lalo siyang kinabahan at natakot kaya agad siyang lumabas ng kuwarto at kumaripas ng takbo palabas ng ospital.

"Eve! Eve! Damn it! Genevieve! Don't... f*cking sh*t!"

Walang ibang nagawa si Binx kundi ang tawagin ang pangalan ni Eve na ngayon ay wala nang malay. Hindi niya rin napigilang mapaluha nang makita niya ang itsura ni Eve.

Mayamaya lang ay dumating na ang doktor at mga nars. Pinalabas muna siya ng kuwarto at doon ay hinintay niya na gamutin nila si Eve sa loob. Nakita niya rin na naglalakad sa hallway ang magulang ni Eve kaya yumuko na lang siya.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt