Chapter 15: The Dawn

5.1K 361 66
                                    

GENEVIEVE

Bigla akong napamulat saka huminga nang malalim.

Nakabalik na ako! Paulit-ulit na sambit ko sa aking isipan hanggang sa makita ko ang mukha ng mga magulang ko. There's a glint of worrisome in their eyes. Agad kumunot ang noo ko pero agad naman iyon nawala at napalitan ng ngiti. Tinanggal ko ang oxygen mask na nakalagay sa akin saka nagsalita.

"Mom... Dad..." My voice cracked. Naramdaman ko rin ang paunti-unting pag-init ng dalawang mga mata ko.

"Oh, God!" my mom as she hugged me tight when they got closer to me kasunod ang aking daddy.

I just smiled. This feels so good. Hindi ko na matandaan kung kailan iyong huling yakap nila sa 'kin kaya naman masyadong nakakapanibago ito.

Tumagal ang yakapan namin ng ilang minuto at parang ayoko nang bumitaw sa kanila. I feel so safe in the warmth of their hands and body kaya parang kapag binitawan ko sila ay may hindi na naman magandang mangyayari.

"I missed you, Mom," I said out of nowhere while looking at my beautiful mom. She just smiled as she hold my hand tight. Oh, I miss that face of hers.

I looked at my dad and saw his handsome face na may masayang ngiti habang nakatingin sa akin. "And I missed you, Dad." I smiled.

"Oh, sweetie, we missed you so much! Salamat sa Diyos at binalik ka na niya sa amin. Napakahirap sa amin 'nong nawala ka. Hindi namin-"

"Why mom? What happened ba? Ano pong nawala ako?" I was in puzzle.

"Sweetie," she called saka tumingin kay dad na siyang sinundan ko naman.

Lalo akong naguluhan sa pagpapalitan nila ng mga makahulugang tingin sa isa't isa, kaya naman unti-unting nawawala ang ngiti sa labi ko nang unti-unting bumabalik sa isipan ko kung ano ba talaga ang nangyari. Unti-unti akong naliliwanagan.

Tumingin ako sa paligid at ngayon lang nag-sink in sa 'kin na nasa ospital ako. I tilted my head nang maramdaman ko ang panandaliang pagkirot nito dahil sa sunod-sunod na pagbalik ng mga alaala ko. Although it's still blurry, unti-unti ko nang naiintindihan ang nangyayari.

Biglang nanlabo ang paningin ko at naramdaman ko na lang ang tuloy-tuloy na pagbuhos ng mga luha ko pababa sa pisngi ko.

The last thing I remembered is that I'm with Reanna pero bigla na lang akong nahimatay at hindi ko na alam kung ano ang nangyari kasunod 'non. Biglang naging blangko ang isip ko at para bang may sumabog malapit sa may puso ko nang ma-realize ko ang sitwasyong kinasasadlakan ko ngayon. Then, naalala ko ang ilan sa mga napapanaginipan ko na akala ko ay totoo na pero ilusyon ko lang pala lahat nang iyon.

"I..." Nanigas ang labi ko at hindi ko magawang ituloy ang sasabihin ko.

Pumikit ako nang mariin at agad na bumuhos ang mga masagana kong luha pababa sa aking pisngi. My heart started to ache as my hands started to get wet.

"I... I... I almost died..." I stuttered but I said it!

It's so hard to say that word, 'died', but then again, it almost happened to me. 'Almost'.

"Sweetie, I... we..."

Hinintay kong tapusin ni mommy ang sasabihin niya pero hindi niya ginawa bagkus ay yumuko na lang siya at tahimik na umiyak. I looked away. Damn! I don't want to see her crying and worst is it's because of me.

I looked at my dad, tinatanong kung ano sana ang sasabihin ni mom through my eyes but then again, he also looked away and never bother looking at me again. Hindi ko mapigilang matawa nang sarkastiko dahil sa sitwasyon. Nakita ko naman agad ang pagbaling uli nila ng tingin sa akin.

Aquarius (PUBLISHED UNDER IMMAC PPH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon