PROLOGUE

2K 40 0
                                    


"Ginoo! gumising po kayo! " mahinang tinatapik niya ang pisngi ng lalaki.

Nagtataka ang dalagang si Leliana na isang sirena , na may natutulog sa dalampasigan.

Habang ang lalaki ay malayang natatamaan ang katawan nito ng alon galing sa dagat. Hinawakan naman ito ni Leliana , nang biglang umilaw ang kuwintas na binigay ng isang babaylan upang magpalit anyo siya bilang isang tao,hubo't hubad ito ngayon, hindi man lang nahihiya.

"Ginoo! gumising po kayo "

Wala pa rin itong tigil sa pagyug-yog sa lalaking walang malay. Nang sandaling itatapat na sana niya ang kanyang labi sa bibig ng lalaki para bigyan ng hangin, ay bigla nalang iminulat ng lalaki ang kanyang mata, dahil sa gulat ni Leliana  napatago siya sa likod ng malaking bato.

"Shit! sino ka? " sabi naman ng lalaki nang magising na ito.

Bahagya pa nito'ng hinawakan ang kanyang ulo, na parang naglasing ng buong araw. Agad niya tinignan ang dalaga na nagtatago sa likod ng malaking bato.

Sinilip naman ng dalaga sirena, at tinignan ang lalaking natutulog kanina sa dalampasigan ay ngayon gising na.

" Ako po ay si Leliana, paumanhin ginoo sa 'king ginawa " paghihingi niya ng paumanhin.

Habang nakatago parin ang hubo't hubad niyang katawan, ang ulo lang nito ang nakikita ng lalaki.

Nagtaka naman ang lalaki , kung bakit hindi ito lumalabas , at nakapagtataka rin ang paraan nang pananalita ng dalagang sirena.

"Fvck that alchohol! bakit ako nandito? " napamura pa siya dahil sumakit ang ulo niya ,dahil sa alak na ininom niya kagabi.

Nakapagtataka rin ang itsura ng babae , para itong isang modela .

Hindi siya pamilyar sa babaeng ito, sa dami ng babaeng nakakasama niya, baka isa lang ito sa mga babaeng nagkukumahog na lumapit sa kanya, may taglay din namang kakisigan ang lalaking ito.

" Natagpuan lang po kitang natutulog sa tabi ng dagat , ginoo " sagot naman ni Leliana.

Nagtaka naman ang lalaki kung bakit hindi ito lumalabas sa pagkakatago. Tinatakpan ng mahaba nitong buhok ang kaniyang hubad na katawan , umaalon na kulay kayumanggi.

" Stop that ginoo! what are you doing there? " nang-akma na sanang lalapit ang lalaki, nang pigilan siya ni Leliana dahil ngayon lang niya napagtantong hubo't hubad pala siya,  tinignan naman niya ang  puting kasuotan ng lalaki na maaaring gamitin upang matakpan ang pribadong parte ng kanyang katawan.

" Wag po kayong lalapit! maaari ko ba'ng hiramin ang suot niyo, ginoo? Itatakip ko lang  sa 'king katawan " inosenteng sabi ni Leliana sa lalaki, talaga namang wala siyang kaalam-alam kung ano ang magiging epekto nito sa lalaking kausap niya.

" What the fvck! are you naked?" nagtaka naman si Leliana, dahil hindi niya naiintindihan  ang lengguwahe ng lalaki.

" Hindi ko  kayo, naiintindihan ginoo " bakas sa mukha ni Leliana ang pagkalito, napasabunot naman ng buhok ang lalaki dahil sa babaeng kausap niya.

Iniisip ng lalaki ngayon na baka may nangyari sa kanila, wala pa naman siyang proteksiyon  dahil lasing siya , hindi n'ya rin matandaan ang nangyari habang lasing siya kagabi.Mapapatay siya nito ng lolo niya, kapag naka buntis siya.

" Nakahubad ka ba? may nangyari ba sa 'tin? " sunod-sunod na tanong ng lalaki, nanatiling nakatago si Leliana sa likod ng malaking bato.

" Nangyari? " inosenteng sagot naman nito, mababaliw na yata ang lalaking kausap niya dahil sa inis.

" Idiot! here, wear this! " napasuko nalang siya dahil mukhang baliw yata ang babaeng kausap niya, agad naman niyang hinubad ang kanyang suot na longsleeve at tinapon sa gawi ng babae. Kinuha naman ito ni Leliana, at isinuot na parang bestida na ito sa kanya dahil , may katangkaran ang lalaki.

" Maraming salamat po, ginoo" sabi niya.

Agad niyang nilapitan ang lalaki , at bahagya pa niyang iniyuko ang kanyang ulo, dahil ito ang ginagawa nila sa mundo niya sa karagatan, bilang isang serina.

" Tssk!...stupid girl " sabi ng lalaki, at nagsisimula nang maglakad palayo, bago pa 'to makalayo ang lalaki, ay agad sumunod sa kanya si Leliana.

" Sinusundan mo ba ako babae? " sabi ng lalaki , bahagya pa niyang hinarap si Leliana, habang nakapamulsa ito.

"Ginoo, maaari ba akong sumama sa 'yo? kapalit ng perlas na ito " sabi niya, at inabot sa lalaki ang isang perlas .

Nagtaka naman ang lalaki,

"Wala kang tirahan? hah! babae? "  tanong niya ni Leliana,

" Wala akong tirahan, ginoo. Handa po akong manilbihan sa inyo " sabi ni Leliana, dahil ganyan sa mundo nila, kung maninilbihan ka  maaaring pititirahin ka sa tahanan ng iyong sinisilbihan. Wala na siyang ibang maisip, may misyon pa siyang gagawin gusto niyang hanapin ang kapatid niya, dahil pumunta  ito sa mundo ng mga tao.

" Maninilbihan? hmm..." napaisip naman ang lalaki, may naisip siyang gawin upang magamit niya ang babae na ito, dahil pilit na pinapakasal siya ng kanyang Lolo

Ayaw niya pa niyang matali dahil gusto niyang i-enjoy ang pagkabinata niya. Mukhang magagamit niya nga ito, napangisi naman ito sa naisip niya.

"Perfect girl."

[Thank you for reading my story]

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Where stories live. Discover now