Kabanata 2

818 21 0
                                    

" Yes, I love her " ano ba ang pinagsasabi nila?

Napahigpit naman ang hawak niya sa 'king kamay si Zion.

" Pareho lang kayo ng ina mo! " galit na sabibng lolo ni Zion.

 Iniwan naman kami nito ng matapos niya itong sabihin, tinignan ko naman si Zion habang naka yuko ang ulo.

" Zion, anong nangyayari? " tanong ko sa kanya.

 Lumuwag ang pagkaka-hawak nito sa 'king kamay. Nanatili pa rin siyang  nakayuko.

" I told you, don't talk! " madiin na sabi niya sa 'kin.

Ano kaya ang sinasabi niya? iniangat naman nito ang kanyang mukha, kaya malaya kong nakikita ang namumula niyang mata.

" Hindi kita maintindihan? "  tanong ko naman sa kanya.

 Nakakunot naman ang aking noo nang tumingin sa kanya.

" What a stupid girl, buti na lang bobo ka "

 Ako bobo? napakasama naman ng nilalang na ito!

" Nilalait mo ba ako? " tanong ko naman sa kanya.

 Hindi ba niya alam na sa mundo namin kapag may nagsabing bobo, ay nagpapakita lang ng walang respeto!

" 'Yan ang totoo, para kang sanggol na walang, kamuwang-muwang sa mundo" sabi niya at ginulo ang aking mahaba kong buhok, habang tumatawa.

Masayahin talaga ang mga tao, kahit sa maliit na bagay lang.

" Kuya! ano 'ng nangyari kay lolo? mainit yata ang ulo niya "  biglang may nagsalita galing sa pinto.

 Kuya? humakbang naman ito papalapit sa 'min.

" As always, pinipilit niya akong ikasal  para lang sa kompanya "  sagot naman niya sa babaeng pumasok, na ngayon ay nasa harapan namin.

Tinitigan naman ako nito mula ulo , hanggang paa.

" Sino naman ito kuya? bago? " tanong niya kay Zion, at ang tingin niya na sa akin.

Nginitian ko naman ito.

" Napulot ko lang " tumatawang sabi ni Zion.

 Ako napulot lang?

" Kuya! sobrang playboy mo talaga! " sabi naman nito , habang pinapadyak ang kanyang paa.

Hindi naman ako nagsasalita, sabi nga niya tahimik lang ako. Marunong ako sumunod.

" Just kidding, siya si Leliana... ano 'yong family name mo? "  tanong naman niya sa 'kin.

 Ano naman 'yang family name? kumunot naman ang noo ko.

" Serously kuya! girlfriend mo, peroh hindi mo alam ang family name niya? " napahalukipkip naman ito at nakataas ang kaliwang kilay, habang napatitig kay Zion.

" Never mind! " umiling naman si Zion.

 Ano ba 'yan! ang daya bakit di ako makaintindi sa usapan nila. Parang hangin lang ako sa kanila, palipat-lipat lang ang tingin ko sa  kanilang dalawa.

" Teka kuya? ba't ganyan ang itsura niyo? dont tell me..." may pagtataka naman ang tingin nito sa 'ming dalawa ni Zion.

 Bigla naman tinakpan ni Zion ang bibig nang kapatid niya.

" Tumahimik ka nga! Gale, " bulalas naman ni Zion, " mali yung iniisip mo " sabi naman niya.

 Ano ang mali sa pag-iisip?

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Where stories live. Discover now