Kabanata 10:kiel?

600 14 0
                                    

Kabanata 10

Iniisip ko parin ang nangyari kanina,ganun pala ang pakiramdam?para kasing may kumikiliti sa tiyan ko.O nagugutom lang ako.Nakahiga lang kaming dalawa sa kama niya,at pinagigitnaan nang una.Gumalaw naman ako upang makaharap siya,nakapikit na ang mata nitu.

"Zion..."tawag ko sa pangalan niya,sinisigurado kulang na tulog nga talaga siya.Nang masegurado kung tulog nanga ito,agad ko naman hinawakan ang mukha niya,bawat parte nitu ay gusto kung makabisado.Kinuha ko naman ang unan na nasa gitna namin,hindi naman niya siguro malaman dahil tulog na siya.

Lumapit pa ako sa kanya,upang mayakap siya.HIndi naman ito nagising sa ginawa ko,gusto kulang maseguro na nandiyan parin hanggang sa paggising ko.Ipinikit ko ang aking mata,na may ngiti sa labi.

"Hoy!babae,gumising ka"galit na boses niya ang nagpagising sakin,napadaing naman ako nang mahulog ako sa kama,dahil sa gulat.

"Aray!bakit?"tanong ko sa kanya,habang nakadapa sa sahig.Nilapitan naman ako nitu,at pinitik ang noo ko.

"Tanga nanga,lampa pa.Tumayo ka diyan"sabi niya sakin,nang akma na sana akong tatayo nang biglang kumirot ang sugat ko sa paa.

"Zion,sakit nang paa ko"ngusong sabi ko sa kanya,lumapit naman ito sakin

"Tssk!nakaka-inis!"sinabunutan naman nitu ang kanyang buhok na lagi niyang ginagawa kapag naiinis.Agad naman niya akong binuhat.

"Bat ka naiinis , ikaw kaya ang may gawa nitu sa paa ko"sabi ko naman sa kanya,siningkitan naman ako nang kilay nitu.

"tssk!bilisan mong maligo , dahil pupunta dito si lolo"sabi niya sakin,at ibinalik sa kwarto ko,upang maligo.

"sige,salamat"sabi ko sa kanya,mabilis naman itong umalis saking silid.

Agad naman akong,pumasok sa paliguan.Kumakapit pa ako,dahil sa sugat ko sa paa,masakit kasi itapak.Agad ko naman binabad ang sarili ko sa tubig,naging buntot narin ang paa ko

.Pagkatapos kung maligo,ay pinatakan ko ang aking buntot nang langis galing sa kwentas.Nang naging paa na ito ulit,ay paika-ika pa akong lumapit kung nasaan ang pampunas saking katawan,ang hirap talaga nang sitwasyon ko.Pinulupot ko naman ang pampunas saking katawan,upang takpan ang kahubaran ko.

Pagkalabas ko nang paliguan ,nang biglang nawalan ako nang balanse dahil nawalan ako nang makapitan.Agad naman bumagsak ang katawan ko sa matigas na sahig.

"Ahh!Zion,tulong!"pagsisigaw ko,ang sakit nang pisngi ko.Nakadapa kasi ako,kaya nauna yung mukha ko.

"Bakit ba ang ingay--anong ginagawa mo diyan?"tanong niya sakin,agad naman itong lumapit sakin para alalayan ako.Nang nakatayo na sana ako,nang bigla nanaman akong nadulas dulot nang nabasang sahig.Agad naman akong hinapit ni zion sa bewanang,kaya kaming dalawa ang natumba.

"aHHH!"tili ko,napapikit pa ako.Nakarinig naman ako nang bahagyang pagdaing ni zion.Nakapatong na pala ako sa kanya,napangiwi naman ito dulot nang sakit sa likod niya.

"Apo?Anong nangyari dito?--pasensya sa istorbo"nabigla naman si zion,nang biglang sumulpot ang lolo niya sa tapat mismo nang silid ko.Bigla naman itong umalis,nang makita kami sa ganoong sitwasyon.

"Damn!bakit ba ang tanga mo?"sabi niya sakin,nang mahina niya akong itulak.Napa-upo naman ako para maka-alis sa ibabaw niya.

"HIndi ko naman sinasadya,zion"sabi ko sa kanya,tumayo naman ito .At tinignan ako.

"Bilisan mo diyan mag bihis"sabi niya sakin,agad naman niya akong tinalikuran habang hinihimas ang kanyang likod dahil sa sakit nitu.

"sungit!"sambit kupa,at pinilit ang sarili kung makatayo.Nagbihis narin ako,baka naman kasi pagalitan na naman ako nun.

"Tapos kana ba diyan?"biglang tanong sakin ni zion,tumango naman ako sa kanya.

Dahan dahan naman akong bumaba,iniwan ba naman ako ni zion.Pagkarating ko ay nadatnan ko silang nag-uusap nang lolo niya.Agad naman akong lumapit sa kanila.

"Leliana,anong nangyari sa paa mo?"tanong sakin ni lolo,tinignan kupa si zion bago sumagot.

"Itanong niyo nalang po kay zion,lolo"sabi ko,at umupo katabi ni zion.SInamaan kupa siya nang tingin,ang sama niya talaga siya ang may kasalanan nang lahat ,kung hindi lang sana siya nambabasag edi sana maayos pa ang paa ko ngayon.

"Anong nangyari zion?"tanong naman niya kay zion.

"Lampa lang po talaga siya lolo,kaya nasugatan ang paa niya"sabi niya,napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.Ako pa ngayun ang may kasalanan.

"HIndi lolo,siya ta----"naputol ang sasabihin ko nang bigla niyang takpan ang bibig ko gamit ang kanyang kamay.

"Wag niyo napo siyang intindihin lolo,"pilit na tawang sabi niya.kInagat ko naman ang kamay niya.

"Aray!aso kaba?"galit na tanong niya sakin,agad naman niyang tinignan ang kanyang kamay kung may sugat ba.

"Napaka lambing niyo naman apo"sabi ni lolo samin,lambing?

"HIndi naman gaano lolo,ito kasi ehh..napaka sweet,sarap kurutin"sabi niya sakin,at kinurot ang pisngi ko.Sinasabi niya lang yan,para maka ganti sakin.

"So,nandito ako dahil pag-usapan ang kasal niyo"sabi naman ni lolo samin,agad naman sumeryoso ang mukha ni zion,nang marinig yun.

"Kasal?"tanong ko,

"Hindi naman pwedeng,walang asawa ang magiging new CEO nang kompanya."sabi naman nang lolo niya,

"Lolo,i want a private wedding.Ayaw kunang maraming bisita"sabi naman ni zion,

"If that's what you want,okay"sagot naman ni lolo,para nanaman akong hangin dito walang maintindihan.

"thank you,lolo"sagot naman ni zion.

"So be ready,next week will be your wedding."napatayo naman si zion,dahil sa pagsabi nang lolo niya.

"WHAT?"

Bakit apo?"tanong naman nang lolo niya,umupo naman ito pabalik,nang mapagtanto niya ang naging reaksiyon niya.

"Di ba napaka aga naman lolo?"sabi niya,ngumisi naman si lolo.

"Apo,bakit paba natin patatagalin,e yun din naman ang punta niyo"sabi naman ni lolo,ano kasi yan?napailing nalang si zion,wala nang masabi.

"You're right,okay lolo."matamlay na sabi niya kay lolo,ngumiti naman si lolo sa kanya at tumayo,bahagya pa nitung tinapik ang kanyang braso.

"Alagaan mo si leliana,mauna na ako,may gagawin pa kasi ako."paalam niya samin,bago paman ito lumayo samin ay kumaway naman ako,at nginitian siya.

" Zion ano yung pinag-usapan niyo?"tanong ko sa kanya,tumingin naman ito sakin.

"tungkol sa kasal natin"diritsong sabi niya sakin.

"Kasal?"sambit ko,bakit naman kami ikakasal?

"listen...magpapakasal tayo,peru maghihiwalay din tayo.Ayaw kupang matali sa isang babaeng tulad mo,tsaka wala naman talaga akong balak na magpakasal,i hate to be married.Naintindihan mo?"sabi niya sakin.

Hindi pa ako agad nakapagsalita,oo nga kapalit nang pagtira ko sa bahay niya ,ay ang maging pasilbihan siya.Ngumiti naman ako nang pilit sa kanya,hindi rin naman ako magtatagal dito.Kailangan kulang hanapin si ate,saka na ako babalik sa amin.

"Oo ,naman.Naiintindihan ko"sabi ko sa kanya,bumuga pa ito ang malalim na hininga.Tumayo naman ito,at humakbang papalayo sakin.Bigla yatang nagbago ang pakikitungo niya sakin,tinitigan kulang siya habang papunta pabalik sa taas kung nasaan ang silid niya.

Napatigil naman ang pag-iisip ko nang biglang may narinig akong tunog nang sasakyan.Maingat naman akong pumunta sa may pinto,para alamin kung sino ito.Tumapat pa sa pinto ang sasakyan niya,napangiti naman ako kung sino ang nasa loob.

"Kiel?"

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Where stories live. Discover now