Kabanata 25:Comeback to me

601 15 0
                                    


Kabanata 25

Ang pag-ahon ko sa tubig,ang siya ring pagpalit nang anyo nang aking buntot na naging paa.Tama ang babaylan sa kanyang sinabi kusang magiging paa ang buntot ko.Nakapaa lang akong tumatakbo sa daan,hindi iniinda ang init sakit sa paa dahil sa mga maliliit na bato na aking naaapakan.

Agad akong pumara nang taxi,para madali akong makarating sa bahay ni zion.

Buti nalang na papayag ko siyang hindi na ako pagbayarin,naaawa daw siya sa kalagayan ko.Sino ba namang hindi maaawa,sugat sugat na'yong paa ko.

Pagkarating ko sa bahay ni zion ,agad din akong tumakbo paparoon.Nagulat nalang ako nang makita kung nandito si kiel,kausap si zion.

"THis all your fault!bakit umalis siya!putangina yang,utak mo!"rinig kung sigaw ni kiel kay zion,nanatili parin akong nakatayo sa di kalayuan.Bakit ba sila nag-aaway?

"Hindi kita maintindihan,tell me !bullshit!"inis naman na sigaw ni zion,tumawa naman nang malakas si kiel,yung tawang pilit na may halong pagloloko.

Nabigla nalang ako nang,sinapak niya si zion.Napatakip naman ako sa aking bibig dahil sa gulat sa ginawa ni zion.

Muntik pang mahulog si zion sa may pool,nag-aaway ba sila nang dahil sa'kin?Mabilis naman akong tumakbo papalapit sa kanila,bago p ako makalapit ay tumayo na ito at kinuwelyuhan si kiel.

"Ano bang kasalanan ko sayo?"seryosong sabi ni zion kay kiel,ngumisi naman si kiel kay zion.

"Sa akin wala,peru kay leliana meron"Halata sa mukha ni zion ang gulat sa sinabi ni kiel,hindi kuna napigilan ang mapaluha.Bakit ba sila nagkakaganyan?

"Ano'ng kinalaman dito ni leliana?"nagtatakang tanong naman ni zion kay kiel,

"Malaki ang papel niya sa buhay mo zion,peru sinayang mulang"sabi naman ni kiel,akma na sana itong aalis nang makita niya ako,na nakatayo lang sa malapit.

Napasulyap narin sa'kin si zion,nang makita niyang nakakatitig sa gawi ko si kiel.

"Leliana?"sambit ni zion,lumapit naman sa'kin si kiel.Hinila ako papaalis,tumigil muna si kiel at hinarap si zion,habang hawak hawak ako.

Hindi ko masasabi sa kanya ngayon,ang totoo dahil hindi ko alam kung pano.

Kahit gusto ko na siyang yakapin,gusto kunang sabihin sa kanya.Peru parang may pumipigil sa'kin,hanggat hindi niya ako naalala,mananatiling tikom ang bibig ko.Halata sa mukha niya ang pagkalito,at pagtataka.Zion?wag mo naman sana akong biguin.

"Ito ang tatandaan mo,hindi mo siya makukuha sa'kin,hanggat hindi mo alam kung ano siya sa buhay mo"sabi naman ni kiel,kay zion.

At iniwan namin si zion,na nakatulala lang.Mabilis naman akong isinakay ni kiel sa sasakyan niya,kahit wala pa siyang sinasabi alam kung ginagawa lang ito ni kiel,para sa'kin.

"Bumalik kana namna ba para sa kanya?"tanong sa'kin ni kiel,nang nasa loob na kami.Tinignan ko naman siya,si zion na ngayon ang nagsisilbing hininga ko.Kung mawawala siya,mawawala narin ako.Sambit nang isip ko,

"Ang pagmamahal hindi sinusukuan,kundi ipinaglalaban"sambit ko sa kanya,alam ko na ang nararamdaman ko kay zion ay matatawag nang pag-ibig.

Ang bawat salitang binitawan ko,ay ang bawat pintig nang puso ko para kay zion.

Dinala ako ni kiel sa isang condo,para daw doon muna ako manuluyan.Nagiging makulimlim na naman ang langit,sumasabay sa nararamdaman ko.

"Dito kalang muna,babalik lang ako"sabi niya,tumango naman ako.

"Maraming salamat"sabi ko sa kanya,ngumiti naman ito saka tuluyang umalis.

Inilibot ko naman yung tingin ko sa loob,mag-isa nanaman ako.Napadaing naman ako sa sakit nang paa ko,ngayon kulag naramdaman ang sakit nito.INilibot ko naman ang paningin ko ,baka may makita akong gamit na pwede kung gamitin.

Binuksan ko ang isang cabinet,walang ibang laman kundi tuwalya lang.Wala ba silang damit?na pwede kung pang palit?napaka dumi na kasi nang damit ko.Kinuha ko nalang ang tuwalya at pumunta sa banyo para linisin ang katawan ko.

"Ano na ang gagawin ko?"sambit ko sa'king sarili,habang nasa kama nak-upo lang.Napasilip naman ako sa bintana,dahil pumapatak nanaman ang ulan sa labas.

Medyo nilalamig narin ako,wala akong ibang sinuot kundi tuwalya lang.Yung damit naman ni zion,ay inihalay ko muna para tumuyo.

"Zion?"sambit ko ,habang nasa tapat nang bintanan.Pinagmasdan ko nalang ang malakas na pagpatak nang ulan.Kung saan maaari na kitang makasama,peru pilit mo parin akong inilayo.

Ni minsan hindi ko aakalaing,mangyayari ito sa'kin,pumunta ako dito sa mundo niyo na may ibang dahilan.Peru ngayon,may dahilan na ako kung bakit ayaw kung umalis sa mundong ito.Napahawak naman ako sa'king dibdib,sa bahagyang pagkirot nito.Kaya kung tiisin ang sakit,at lungkot,dahil alam kung ang bawat hikbi ko ay may kapalit na ngiti,sa bawat kirot ay may kapalit na saya.

Napag desisyonan ko nalang ang humiga sa kama,inaantok na ako gawa nang malamig na panahon at ang ingay nang ulan na parang musika sa'king tenga.

Pinag masdan ko ang singsing sa'kin kamay,nakipag sundo ako sa isang tao,kaya ang puso ko ngayon ay unti-unti nang naging tao.Tama nga si kiel,ang mga tao madaling masaktan.

Kung sakali mang bumalik ang ala-ala mo,sana ako parin ang nasa puso mo.Dahil ang pangalan mo ay nakaukit na sa puso ko,mawala man ako mananatiling nandito ka hanggang sa huli-hulihang patak nang luha ko.

Minulat ko naman ang mata ko,nang maramdaman kung may kumakatok sa pintuan.Bahagya kupang tinignan ang labas nang bintana,gabi na pala napahaba yata ang tulog ko,dahil hanggang ngayon umuulan parin.

Biglang lumakas ang katok sa tapat nang pintuan,hindi naman ako makakita nang maayos dahil sa dilim nang kwarto.Pilit kung kinakapa ang kung saan ang pintuan,muntik pa akong madapa.

"Sandali lang,ikaw bayan kiel?"sambit ko,at pilit na hinahanap ang pintuan.Wala ba silang ilaw dito,wala naman akong narinig na sagot.Baka nga si kiel na ito,dahil sabi niya sa'kin kanina babalik lang siya.

"saan naba yung pinto?"sambit ko,nang may nahawakan akong bagay na parang sa pintuan.Agad kurin itong pinihit,para mabuksan si kiel.

Napaawang naman ang bibig ko nang makita ko kung sino ang nasa labas nang pintuan.Basang basa ang damit nito,at humihingal na naka kapit sa gilid nang pintuan.Bakit siya nandito?nagulat nalang ako nang mabilis niya akong yakapin,at inilapit ang basang katawan niya sa'kin.

Hindi naman ako makapaniwala sa nangyari,kaya hindi agad ako nakapag salita.Mas hinigpitan pa nito ang yakap niya sa'kin,na para bang ayaw na niya akong pakawalan.

"Please ,comeback to me"

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Where stories live. Discover now