Kabanata 3

713 19 0
                                    

  "Gale?...What the-shit!"tumambad sa akin ang gulat niyang mukha , pinasadahan pa akong tignan nitu pababa.

Tinignan kolang siya , habang naka kunot ang nuo ko ,bnapigil ng dalawa kung kamay ang nagsisilbing telang tumatakip saking katawan.

"Im sorry, dont worry, wala naman akong nakita" agad naman itong tumalikod sa akin, at iniwan akong nagtataka.

Problema niya?Agad ko naman nakitang papalapit sa gawi ko si Gale.

"Oh, Leliana bakit hindi kapa naka bihis?Anyare dun kay kuya ?bakit namumula yung mukha niya?" nagtatakang tanong niya, nanatili parin akong tahimik na tinignan siya.

"Leliana!tulala ka yata, may nangyari ba?" sabi niya, habang kinakaway ang kamay niya sa harapan ko, upang makuha ang atensyon ko.

"Wala , sige magbibihis lang ako." Paalam ko sa kanya at pumasok sa paliguan, at isinuot ang damit na binigay sakin ni Gale, at may kung ano-ano pa.

Pagkatapos kong nagbihis ay agad din akong lumabas.Nakita ko ang malawak na ngiti ni Gale , na nakatingin sa kabuuan ko.

"Bagay sayo Leliana, ang sexy mo pala." sabi niya sakin, at pumalakpak.

"Salamat" pagpasalamat ko sa kanya.

"Your welcome, umupo ka dito aayusin natin yang buhok mo.Hindi narin naman kailangan na lagyan nang make-up ang mukha mo , maganda kana, pretty simple." sabi niya sakin, agad naman niya akong pina-upo.

Nakikita ko ang repleksiyon ko sa salamin sa may harapan ko mismo.

"Gagawin nating aso si kuya, yung tipong maglalaway nalang siya habang nakatingin sayo!hahaha.." mapag birong sabi nito , habang sinusuklay niya ang mahaba kong buhok.

Napangiti nalang ako sa inasta ni Gale, ano kayang itsura ni Zion kapag naglalaway?hahaha..pfffftt..ang panget nang iniisip ko.

"Leliana nag-aaral kapa?" tanong niya sakin

"Hindi na" sagot ko naman sa kanya, may paaralan din pala sila dito, akala ko sa mundo lang namin.

"Ahh, ganun ba.Ayan tapos na !" sabi niya, tinignan ko naman ang ginawa niya sa aking mahabang buhok.Para siyang korona na tinirintas, at malinis ang pagkakagawa nitu.

"Napaka ganda ng ginawa mo" manghang sabi ko sa kanya, maparaan din pala ang mga tao.

"Salamat, halika na !baka naiinip na'yon si kuya." sabi niya sakin, at hinila ako papalabas.Habang naglalakad kami papalabas sa isang silid, hindi ko maiwasang maisip ang nangyari kanina.

Hindi ko lubos maisip na mapabilang ako sa mundo ng tao, na may makikilala akong tao na maaaring tutulong sakin.Ano pa kaya ang mangyayari sa hinaharap?saan ako magsisimula?para hanapin ang ate ko.

"Leliana ,"tawag niya sakin ni Gale, hindi ko namalayan na nandito na pala kami.Nakita ko naman si Zion na naka sandig sa isang itim na sasakyan.

"Leliana, lapitan muna si kuya, naiinip nayan ayaw pa naman niyang pinaghihintay.Enjoy!sa date niyo"sabi niya sakin, at bahagya pa akong tinulak nito upang lumapit kay Zion.

May pangiti-ngiti pa itong si Gale, binaling ko naman ang atensyon ko sa lalaking nasa harap kona.Napahawak nalang ako sakin dibdib, dahil sa bahagyang pagbilis nang tibok nitu.

Tinitigan lang ako nitu, na may paghanga.Hinawakan niya ang kamay ko, at unti-unting nilalapit sa labi niya, na hindi tinatanggal ang titig niya sakin.

"You're so beautiful"

Ramdam ko ang marahang paglapat nang malambot niyang labi saking kamay, ganito pala ka ginoo ang mga tao,nakakamangha.

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Where stories live. Discover now