Kabanata 5

650 14 0
                                    

Nagising ako dahil sa sinag nang araw na tumatama sa 'king mukha, bahagya ko pang dinadamdam ang malambot at mabangong higaan.Dahan-dahan kong minulat ang aking mata.

" Leliana, gising kana pala" sabi ni Gale, nang pumasok ito sa silid kung saan ako natulog.

'' Magandang umaga" nakangiting pagbati ko sa kanya, ngumiti rin siya sa'kin bilang tugon.

" Napasarap yata ang tulog mo, tanghali kana gumising " mapaglarong sabi ni Gale, tinignan ko naman siya na may pagtataka.

"Bakit?" nakakunot noong tanong ko sa kanya, ngumisi naman ito sakin at umupo sa higaan.

"Nothing..pinasabi pala ni kuya maaga siyang umalis " sabi naman niya, habang tinitignan ako.

" Ganun ba, mabuti naman " sabi ko naman sa kanya, naningkit naman ang mata nito na nakakatitig sakin.

" You're so weird " biglang sambit niya, ayan nanaman yang lengguwaheng yan.

" Hah? " nasabi ko nalang.

" Never mind, halika kumain na tayo, diba may lakad kapa? sabi ni kuya samahan daw kita " sabi niya habang humahakbang papa-alis sa gawi ko.

"Wag na, babalik rin naman ako kaagad " sabi ko sa kanya, at sinimulang niligpit ang higaan.

Hindi naman pwedeng sumama siya sa'kin.

'' Okay, if that's what you want " huling sinabi niya, bago umalis.

Hindi ko nalang inisip kung ano ang sinabi niya, sigurado akong pumayag siyang hindi na ako magpasama. Nagbihis muna ako ng damit bago bumaba para kumain.

" Dito ka umupo Leliana " sabi ni Gale nang nakita ko siyang naghahanda nang pagkain. Lumapit naman ako sa sinabi niyang upuan, at umupo doon.

" Tsaran! ako nagluto niyan " masayang sabi ni Gale , habang nilalapag ang sinasabing pagkain na siya raw nagluto, ngayon lang ako makakain sa pagkain ng mga tao.

" Ang bango naman,bano yan? " tanong ko sa kanya, may kung ano akong nakitang maliit na buntot.

" Piniritong Isda " pagkasabi niya nun ay bigla akong naawa sa isda sobrang tigas nito at medyo nangingitim pa.

Kumuha ako ng isa, para matignan ang itsura niya pa'no nangyari to? bigla nalang tumulo ang isang butil ng luha sa'king mata.

" Hey! Leliana okay kalang? ba't ka umiiyak? " tarantang sabi ni Gale, habang ako ay nakatitig lang sa kawawang isda.

sa 'ming mundo halamang dagat lang ang kinakain namin. Inaalagaan namin ang maliliit na isda, pero sa nakikita ko ngayon kinakain pala sila ng mga tao.

"Leliana! '' sabi niya ulit sa'kin, agad ko namang pinahiran ang luha ko sa'king mata. Baka manghinala siya kung bakit ako umiiyak sa isda lang.

"Wala...sige kain na tayo " sabi ko naman, nagtaka naman itong tumingin sa'kin, nagsimula na akong isubo ang isda sa'king bibig, pumikit pa ako bago nginuya ito.

" Hindi mo ba gusto ang niluto ko? " nakangusong sabi niya, agad naman akong umiling

" Hindi! masarap nga ehh.. " sabi ko naman at ngumiti pa, kahit sa loob-looban ko ay nasusuka na ako.

'' Talaga? sabi ko nga ba nagsisinungaling lang yun si kuya na hindi masarap " sabi pa niya, napatawa nalang ako sa inasta niya.

Pagkatapos naming kumain, ay agad akong bumalik sa kwarto. Dali-dali akong pumasok sa paliguan at isinuka lahat nang nakain ko.

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Where stories live. Discover now