Kabanata 30:Wedding

655 12 0
                                    


Napangiti naman ako sa'king sarili,nang pagmasdan ko ang itsura ko sa salamin.Inaayosan ako ngayon ni gale,nilagyan nang palamuti ang aking mukha at buhok.Ganito daw sila kapag kinakasal,hindi ko naman mapigilang kabahan.

"Relax kalang,leliana"sambit naman sa'kin ni gale,tumango naman ako.

Ilang buwan narin ang nakalipas nang yayain ako ni zion,na ikasal sa kanya.Malihim naman ako napangiti nang maalala ko'yon.Ngayon ang araw nang kasal namin,hindi na ako makapag hihintay pa.

"Gale?nakausap moba si zion?"tanong ko sa kanya,umiling naman ito sa'kin.Napasimangot nalang ako,gusto konang makita si zion.

"Wag kang mag-aalala,mamaya magkikita kayo"sabi naman niya,ngumiti nalang ako.

"Tapos na,gumanda kapa lalo"sabi naman ni gale,matapos na niya akong ayusan.

Pinagmasdan ko naman ang sarili ko,sa salamin.Napaka ganda nang suot kong damit,na kulay puti.May pinasuot naman sa'kin si gale,isang pares nang sandalyas.

"perfect!"sambit naman ni gale,at bahagya pang pumalakpak.

Sinabi ko ni zion,na ikakasal kami sa lugar kung saan may dagat.Kung saan ako nanggaling,gusto ko pati ang dagat saksi sa pag-iisa namin ni zion.

"Halika kana leliana,baka hinihintay kana nila"sabi naman ni gale,at sabay kaming lumabas.

Nakita ko naman si kiel,na mukhang kanina lang kami hinihintay nito.Bumagay sa kanya ang suot niya ngayon,agad naman itong kumaway sa'min.

Lumapit naman ito sa'min,at tintigan ang kabuuan ko.Napaawang naman ang labi nito,na nakatingin sa'kin.

"Napaka ganda mo talaga ,leliana"sambit naman niya,at kinuha ang kamay ko ,nang akma na sana niyang dampian nang labi niya ang likod nang kamay ko.

Bigla nalang hinablot ni gale ang kamay ko,at masamang tumingin kay kiel.Napakunot naman ang nuo ni kiel,dahil sa ginawa ni gale.

"Si leliana,ay kay kuya.Kaya siya lang ang may karapatan na hahalik sa kanya"maarteng sabi ni gale,

Hindi naman maiwasang tumawa si kiel,may ugali rin pala si gale tulad nang kuya niya.Pano ba'yan kiel,si zion lang daw ang pwedeng hahalik sa'kin.

Hindi ko maiwasang matawa sa iniisip ko,hindi rin naman gugustuhin ni zion ito.Masama ba naman galitin ang isang Zion Caylor.

"Parehas talaga kayo ni zion,madamot"sabi naman ni kiel kay gale,inirapan lang naman siya nito.

"Maghanap kana kasi,nang babaeng papakasalan mo"mapagbirong sabi ni gale kay kiel,ngumiti naman si kiel.

"It's complicated"sagot naman ni kiel,at unang pumasok sa sasakyan niya.

"Pasok kana leliana"sambit naman ni gale,at pinagbuksan ako nang pinto nang kotse ni kiel.

Mabilis namang pinaandar ni kiel ang sasakyan niya,tahimik ko namang pinagmasdan ang nasa labas.Naalala ko nung unang beses akong sumakay nang sasakyan,'taxi'.

Pumunta ako dito nang walang kaalam-alam,kaya lagi nalang akong sinusungitan ni zion at sinasabihang bobo.Napangiti naman ako sa mga naalala ko no'n,kung iisipin tama ang sinabi ni zion dati sa'kin.Para akong isang sanggol ,walang kaalam alam sa paligid.

Sabi panga niya,may gatas pa ako sa labi.Kahit man dumating ako dito na walang kaalam alam,masaya naman akong nakasama siya at minahal siya.

Sa mga oras na'to,ang tanging naiisip kolang ay ang masasayang nangyari sa buhay ko.Na kasama si zion,naglakbay ako na hindi nag-iisa.

"Leliana,malapit na tayo"sambit naman ni gale,tumango naman ako.

Tumigil naman kami sa resort,kung saan gaganapin ang kasal namin ni zion.Ramdam kona agad ang preskong hangin na malayang pumapasok sa nakabukas na bintana sa kotse ni kiel.

"Masaya akong ikakasal na kayo ni kuya,sigurado akong masaya si lolo ,kung saan man siya ngayon"sabi naman ni gale,at niyakap ako.

Nagsisimula na akong kabahan,nang huminto ang sasakyan.Kung saan nandun silang lahat ,na naghihintay sa'kin.Kasama na dun si zion.Unang lumabas si gale,na may dala dalang bulalak,at si kiel naman ay sumunod rin.

Naiwan naman ako sa loob,nakikita ko ang mga tao sa labas.Nagsimula namang maglakad si gale at lorcan,sa gitna na pang daanan.Bigla namang may bumukas sa pintuan nang kotse ni kiel,nakita ko ang may katandaang lalaki na nakangiting tumingin sa'kin.Inabot naman nito ang kamay niya sa'kin,at inalalayan akong makalabas.

Napaka pamilyar nang mukha niya sa'kin,tama!siya yung matandang kasama ni zion sa meeting ,no'ng nasa isla kami.Kinuha naman niya ang kamay ko,at iniakay sa kamay niya.

"Ako muna,ang magsisilbing tatay mo."sambit naman niya,napangiti naman ako.Simula bata pa ako,hindi ko nakilala ang ama ko,tanging ang ina kolang ang nagpalaki sa'min nang kapatid ko.

Masaya na akong may maiituring na ama,sa mund nang mga tao.Kahit ngayon lang maramdaman ko ,kung paano magkaroon nang ama.

"Maraming salamat po"sambit ko naman sa kanya,ngumiti naman ito sa'kin.

"Let's go?"sambit niya,tumango naman ako.

Nagsimula naman kaming maglakas,sa gitna nang napakaraming tao.Kinakabahan ako,napatingin naman ako sa unahan.Nakita ko si zion,na nakangiting pinagmasdan ako.

Ang lalaking minahal ko,ay makakasama kona habang buhay.May luha namang nagbabadyang tumulo sa mata ko,hindi ko mapigilan ang saya nang nararamdaman ko ngayon.

Nakita ko naman si gale,na nakangiting tumingin sa'kin,at si samantha na kumakaway pa sa'kin.Si kiel,na pinagmamasdan lang ako,lahat sila naging parte nang buhay ko.

Hinding hindi ko sila kailan man makakalimutan,lalong lalo na't ang lalaking,nagparamdaman sa'kin kung ano ang magagawa nang pag-ibig.Tinitigan ko naman kung saan si zion,ilang hakbang nalang makakarating na ako sa gawi niya.

"Love never fails"sambit naman nang matandang kasama ko,habang nakatitig lamang siya sa unahan.

Nang makalapit ako ni zion,agad din niyang binigay ang kamay ko kay zion.Kinamayan pa niya ito,bago ibigay ang kamay ko.

"i'm happy ,for two of you"sambi niya,at umalis na sa gawi namin ni zion.

Marahan namang hinawakan ang kamay koni zion,hindi kona napigilang pumatak ang luha sa mata ko.Huling patak nang luha ko,ay siya ring nagsisimbolo kung gaano ko kasaya na makasama ang lalaking nakahawak ngayon sa kamay ko.

"You're so pretty,my wife"sambit niya,dahan dahan naman kaming naglakad kung may matandang,nakasuot nang puting damit.

May sinsabi naman ito sa'min,na hindi ko masyadong naiintindihan,nakatitig lang ako ni zion.

"I do"sagot naman ni zion,nakangiti pa itong nakatingin sa'kin.I do rin ba ang dapat kong isasagot?May sinabi naman sa'kin,yung matandang na gitna namin.

"I do"sinagot korin kung ano ang sinabi ni zion.

"Pwede niyo nang isuot ang inyong mga singsing ,sa isa't isa"sambit naman nito.

Isinuot naman sa'kin ni zion,ang singsing.Ganundin ang ginawa ko.Sabi niya,ang singsing daw nagsisimbolo sa pagmamahalan namin.Kaya ang puso ko ,ay ibibigay kona kay zion.

"You may--"hindi naman pinatapos ni zion,ang sasabihin nito.

Nang hilahin niya ako,papalapit sa kanya.At siniil nang halik,nakarinig naman ako nang nagpapalakpakan sa mga taong nandito.Matagal pa bago pinakawalan ni zion ang labi ko.

"I love you,my wife."sambit niya at hinalikan nanaman ako nito sa labi.I love you zion,and i always love you.


a/n:Huling KABANATA

Marry Me,Mermaid [ Completed ]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum