Chapter Thirteen

45 0 0
                                    

Gia

"Teka, ang tagal naman ata ni Kazumi sa cr?" takang tanong ko nang ma-realize kong ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin siya bumabalik.

"Ano ka ba!" sabay palo ni Elle sa akin. "Natural na 'yon sa kanya! Umaabot nga yan ng dalawang oras sa cr eh! Nakakatulog ata!" natawa silang lahat sa sinabi ni Elle pero hindi ako.

May masamang kutob kasi ako! Pero bahala na nga, may tiwala naman ako kay Kazumi na hindi niya pababayaan ang sarili niya.

Nag-continue lang kami sa pag-uusap hanggang sa mag time na.

"Guys, I think something's wrong." ani Cleo nang mag ring ang bell.

Tumingin ako sa watch ko. "Thirty minutes na't hindi pa rin bumabalik sa Kazumi!" nag-pa-panic kong sabi!

"Let's not panic, I'll call Jaz first and let her know about this." ani Ella or should I say, Anne at lumayo sa amin habang may kausap sa phone.

"And I'll excuse us again." sabi ni Cleo habang umiirap. Damn this girl! Nag inarte pa?

"Gia, come with me. Mauna na tayo sa cr. Let's check it first, baka nakatulog lang pala 'yon sa cr." sabi ni Elle na klarong-klaro naman na pinipilit niya lang pagaanin ang loob namin pero nakikia ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa kapatid niya.

"My ghad ba't kasi ang layo ng cr?!" lakad takbo ang ginawa namin ni Ella.

Hindi ko alam kung ba't kung kailan saka ka nagmamadali, parang ang tagal mong nakakarating sa gusto mong puntahan?

"Hay salamat!" singhal ko nang makarating na kami sa CR.

Pipihitin ko na sana ang doorknob nang mag-isa itong bumukas!

Iniluwa ng pinto ang isang babaeng maputi na naka head band na red na ang haba ng itim na buhok na mukhang multo.

I mean, para siyang nakakita ng multo.

"A-Anong nangyari m-miss?" tanong ni Elle.

Ano ba 'tong babaeng 'to? Feeling close?

"Y-Yung loob ng C-CR," nabubulol niyang sabi habang nakaturo sa loob. Pumintig naman ang puso ko. Kinakabahan ako!

"Anong meron sa loob?"

"M-May na b-basa lang ako..." aniya at mabilis na umalis. Nagkatinginan muna kami ni Elle sa isa't isa bago pumasok.

Pagpasok namin, agad na sumalubong sa amin ang napakabahong amoy.

"Ano ba yan? Ba't ang sang-sang ng amoy?" sabi ko sabay takip ng ilong.

Kaya siguro naiiyak si Ate kanina? Kasi 'di nakayanan ang amoy.

"Check mo yung ibang cubicles!" sabi ni Elle kaya ginawa ko naman, tinignan niya rin yung iba, nagbabakasakaling nasa isang cubicle si Kazumi.

Pero kami'y nabigo. Yung gitnang cubicle na lang ang hindi namin nabubuksan. Sabay pa kaming tumingin sa isa't isa bago tuluyang buksan ang pinto.

Syete! Agad na umasim ang mukha naming dalawa.

"Kadiri!" malikot kong sabi. Nandidiri kasi ako. May pa-talon-talon pa nga akong nalalaman eh. Pero syempre, natahimik agad sa nakita ko sa harapan ko.

"Oh, ba't ka natahimik?" takang tanong ni Elle at lumapit sa akin.

"Ano–" natahimik din siya.

Napalingon kami sa biglang pagbukas ng pinto.

Pumasok sila Cleo, Anne, Jaz at Angel.

Natigilan din sila nang makita yung nasa harapan namin.

"Taqui del anantes si Kazumi..." mahinang bulong ko pagbasa ko sa nakasulat sa salamin. At wag kayo! Nakulangan ata sa pera kaya dugo ang ginamit pangsulat!

"A-Anong ibig sabihin no'n?" takang tanong ni Jaz.

"Andito nga si Kazumi, at tingin ko'y dugo niya yan!"

---

Sorry if short lang ang update. Para kasing 'di tama if hahabaan ko 'tong scene na 'to.

Pag hindi naintindihan, wag niyo nang pilitin!

Sorry na rin for the late update!

Let's say hi to NOVEMBER!!!

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now