Chapter Thirty Six

15 0 0
                                    

KAZUMI

"What the hell?" I heard him muttered.

Nagulat din ako! Nasukahan ko siya sa damit niya. Parang gusto ko tuloy mahimatay.

Nakakahiya!

Wala na akong ibang ginawa kung hindi ay tignan siya habang tinitignan ang sarili niya. Ng makita niya ako, agad nag iba ang tingin niya, from inis to pag-aalala.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang mukha ko. "Kazumi, don't cry. It's okay. Malalabhan naman ang damit ko. It's not your fault..." malambing niyang sabi. Nagtaka naman ako sa sinabi niya kaya hinawakan ko rin ang mukha ko. Huh? Bakit basa? Umiiyak na pala ako? Hindi ko man lang napansin...

"Sorry..." humihikbi kong sabi habang pinapatahan niya ako.

Tinanggal niya ang damit niya at niyakap ako. "Oh, ayan okay na? Lalabhan ko na man yan 'wag kang mag-alala."

Tumahan na ako at sinubukang tumayo pero hilong-hilo talaga ako kaya ayon, binuhat na pala ako ni Lucas.

Nagsimula na siyang mag lakad at nakapikit lang ako.

Wait, parang naririnig ko ata ang boses ng mga kapatid ko?

"Si Kazumi!"

"Anong nangyari sa kanya?"

Ang dami pa nilang tanong. Gusto ko man buksan ang mga mata ko pero ayon, inantok na ako kaya nakatulog na ako.

"Shit!" hindi ko mapigilang magmura habang sinusubukan kong umupo. Binuksan ko ang mata ko. Nakahiga na ako sa kama. Wala rin akong kasama.

Umiikot pa ng konti ang mundo at ang sakit ng ulo ko!

Hindi ko 'to kwarto! Napatingin naman ako sa damit ko. Nakapajama lang ako! What the hell? Kinapa-kapa ko ang katawan ko at nagpapanic na. Anong nangyari kagabi?

Nagpapanic na ako ng biglang bumukas ang pinto. Iniluwa no'n ang dalawa kong kapatid.

Agad naman nila akong nilapitan ng makitang nakaupo ako. So I guess this is their room? And I hope they're the one's who changed my clothes.

"Okay ka lang, Kazumi?" tanong ni Elle at tumango lang ako.

"Naaalala mo ba ang nangyari kagabi?" tanong naman ni Anne.

Napaisip ako. Anong nangyari kagabi?

Then it hit me. Naalala ko na ang lahat, 'yong pagsuka ko kay Lucas! Shit, nakakahiya.

Tinakpan ko naman ang mukha ko. "I was a mess last night, wasn't I?"

Nagkatinginan naman sila, they didn't know what to say to me.

"It's fine. I can live with a little shit on my past," I said, trying to convince my self.

"Hay nako, Kazumi. Eto oh," may inabot siya sa akin na ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang plastik.

"Kainin mo yan para mawala ang hangover mo," bilin naman ni Anne kaya tumayo ako at kumain do'n sa maliit na mesa na meron sa bawat room.

"Ngayon na pala tayo aalis, mamayang six daw ang flight natin," umupo si Elle sa harap ko habang nasa cr naman si Anne.

Nataranta naman ako sa narinig ko. Hindi pa ako nakakapag ayos ng gamit. Tinignan ko ang oras, eleven na? Gaano katagal akong natulog?

Akmang tatayo na ako ngunit agad akong sinabihan ni Elle. "Naayos na namin ang gamit mo, nag iwan lang kami ng dress para may pamalit ka. Andito na rin ang gamit mo," sabay turo niya sa luggage ko.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now