Chapter Nineteen

40 1 0
                                    

KAZUMI

Nakakapag-taka. Sa lahat ba naman ng lugar na pwede ko silang makita, dito pa talaga?

Nasa park ako ngayon. Gabi na at kakauwi lang ng mga kaibigan ko. Ang kambal naman ay hinatid pa si Gia at hindi pa ata nakakauwi.

I was walking home dahil hinatid ko rin si Cleo sa kanila nang madaanan ko 'tong park sa amin. I decided to sit down in the swing.

Dito nag simula lahat. Lahat ng mga masasayang ala-ala, na nauwi sa kalungkutan. Not that it's somebody's fault dahil ganito naman talaga ang buhay.

Habang nag-iisip ako, may narinig akong tawanan sa may right side ko kaya napatingin ako sa harap. And there, I saw them, laughing.

I know, ang pabebe ko, pero can you blame me? Nasaktan lang naman ako.

Not that I'm the only one who got hurt, pero sa pinapakita nya sa akin ngayon, I really should be hurting.

"Oh, hi Kazumi!" Akira said when she noticed me.

I smiled at her, I don't know if she noticed that it was fake. "Hello."

"Anic–" before he could finish his word, I cut him off.

"Lucas." I also gave him a fake smile.

"What are you doing here all alone, Kazumi?" Akira asked with a concerned voice as she sat beside my swing. As if! Buti na lang at napigilan kong mag roll eyes sa kanya. Plastikada.

"Napadaanan lang ako and I decided to rest here."

"Ohh, you should have brought someone with you. Mahirap na, you're a girl." Blah blah blah! I hate her! At ano daw? I'm a girl? Well maybe I am, pero that doesn't mean that I can't handle myself! Anong akala nya sa akin, weak?

"Sorry to burst your bubble, but I can handle myself." I decided to stand up, so nag kaharap kami ni Lucas.

"I'm going home now. Nice bumping into each other." I said sarcastically which I don't know if nakuha nya ba or she's just plain dumb.

"Ingat!"

I started walking towards home when I felt someone grabbed me kaya agad ko namang inalis ang kamay nya.

"What do you want?" Inis kong tanong sa kanya. Ba't nya iniwan si Akira doon mag-isa? Baka pag balik nya roon, patay na 'yon.

I smiled at my thought.

"Can we talk?"

"We're talking." Mataray kong sagot as I rolled my eyes.

"Seryoso ako, Anica." Malumanay nyang sabi but I know better. He's just pretending.

"Stop calling me by my second name! You don't have the rights and you're not special in my life. And also, I am also dead serious right now. So kung ayaw mong mamatay ng maaga, umalis ka na sa harap ko!" I hissed at him. Hindi ko alam kung ano'ng pinagsasasabi ko, but I only know one thing, I hate him!

"Sorry. I just wanted you to know that there's nothing going on with me and Ak–" bago nya pa masabi ang pangalan ng babaeng 'yon ay pinigilan ko na siya.

"Stop it! Who am I to know those details in your life? At pwede ba? Wala akong pake kung may namamagitan sa inyo ni Akira! It's not my life anyways!" Sigaw ko sa kanya and before he could say another word, napatakbo na ako sa bahay.

When I reached our gate, nagulat ako dahil papasok pa lang sina ate.

"Oh, Kazumi." Anne said as she walked towards me.

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now