Chapter Sixteen

75 1 0
                                    

Kazumi

"Hello!" kumaway ako sa kanila at agad na tumayo, kasabay no'n ang pagtapos ko ng buto ng mansanas. Pinagpag ko pa ang pang-upo ko dahil tingin ko ay madumi 'yon.

The guy I sat kasi is dirty eh.

"K-Kazumi?" gulat nilang tanong. Kumaway naman ako sa kanila ulit nang tuluyan na akong lumapit.

"Oh, bakit ganyan mga mukha niyo? Para kayong nakakita ng multo!" natatawa kong sabi sa kanila. Nakatulala kasi sila sa akin. What am I, a ghost?

Magsasalita na sana ako ng makita kong biglang umasim ang mukha ni Cleo kasabay no'n ang pagpisil niya sa ilong niya.

"Hmp! It stinks!"

Napa-amoy ako sa paligid pero wala naman akong maamoy na mabaho.

Hanggang sa nahagip ko ang amoy ko.

"Ah, hehe! Ako yan." napakamot ako sa batok ko.

"Ha?! Eh, hindi ka naman bumabaho ah?" takang sabi ni Elle.

Well, it's true. Not to brag or anything but I seriously don't get smelly. That's why I'm not shocked that Elle finds it odd for me to smell like a rotten egg.

"Well, I woke up inside a garbage can so..." I trailed off. They know what I mean.

"Yuck!" reaction ni Angel.

"Well, I'll clean myself na lang." sabi ko at lalampasan na sana sila nang mapansin ko si Lucas na nakatayo sa likod nila. "Oh, I didn't see you there," I said as I realized something.

"Nga pala, before I change. What are you all doing here?" kumunot ang noo ko. "I mean, you looked like you were relieved or something? Maybe, with a hint of worry?" takang tanong ko. The relief was visible in their faces, as well as uneasiness, but the most dominant reaction they have in there faces was pissed.

"Eh kasi naman! Hinanap ka namin–" hindi natapos ni Gia ang sasabihin niya sana kasi sumabat si Cleo.

"Talk to her later! It really stink!" sabi pa ni Cleo. Kung 'di lang talaga totoong mabaho ako ngayon, baka nasuntok ko na siya.

"Fine!" sigaw ko at tumakbo agad papuntang girls locker room.

"Hmp, I feel so kadiri." sabi ko habang nagsa-shower. Tinapon ko na sa basurahan ang uniform ko dahil galing na rin naman yun sa basurahan.

"Mmm... mmm..." Nag h-hum ako ng song ng biglang may narinig akong ingay sa labas kaya napatigil ako sa pagkanta.

"Kazumi, andyan ka ba?" narinig kong sabi nung nasa labas na sa tingin ko ay si Gia. Bakas sa boses niya ang pagkabalisa.

"Yeah." sagot ko na lang. Bumubula pa ang buhok ko eh, 'di ko naman siya pwedeng kausapin sa labas eh wala akong saplot. "Bakit ka nga pala andito?" tanong ko sa kanya as if kausap ko lang siya sa harap ko, nagmumukha tuloy akong tanga na nagsasalita sa harap ng wall.

"A-Ay, 'yon ba? Wala lang naman. Baka kasi nadukot ka na naman ulit," she nervously said pero natawa naman ako. Even though I couldn't see her face, I could imagine how worried she look. "Oh, ba't ka tumatawa?" she asked innocently.

Sa totoo lang, if I were to describe Gia, I could say that she's too innocent for this cruel world. I mean, masyado siyang clueless na minsan tuloy nagmumukha siyang tanga, pero sa nakakatuwang paraan naman.

"Eh kasi naman, wala kayong tiwala sa akin. Gia, I could handle myself kaya you guys don't have to worry."

"Talaga?" napatalon ako when I saw Gia's face beside me kaya agad kong tinakpan ang sarili ko.

Agad naman siyang napatingin sa katawan ko. "U-Uh???" nakakailang!!!

"Ang ganda ng hubog ng katawan mo, Kaz!" natatawa niyang sabi. I'm not sure if that was a compliment or baka naman tinatawanan niya ang katawan ko. "'Wag kang mag-alala, 'di mo yan kailangan takpan dahil meron din ako niyan. Pero sana, sa susunod, mag-iingat ka ah?" at ayon, before I knew it, lumabas na siya.

"What was that all about?" takang tanong ko sa sarili ko at hinugasan na ang buhok ko.

Nakakahiya! Nakita niya pa ang katawan ko. Feeling ko tuloy, nasa Pitch Perfect kami. Yung part kung saan pumasok yung babae sa kumakantang si Anna Kendrick?

Pwede namang sa labas na lang kami mag-usap, kailangan talagang papasok siya dito sa cubicle ko? Ay ewan! Naging weird na rin ata si Gia dahil kay Cleo, parehong may sapi. Minsan mabait, minsan hindi. Minsan may pake, madalas wala.

Pero, bago ang lahat, magbibihis nga lang muna ako.

Suot ko ay all black. Pati ako naging black na, pero syempre joke lang. Wala kasi akong extra uniform na nakita sa locker ko eh.

Leather pants ang suot ko habang naka black knitted top. Mukha tuloy akong papasyal, plus ang boots na mukhang pang rock star! Hahaha. Joke lang. Nababagay naman ang boots sa suot ko.

Nang makalabas ako ng locker room, agad na sumalubong sa akin sina Anne at Elle.

"Oh, anong ginagawa niyo rito?" nagtataka kong tanong,napakamot naman sila ng kanilang batok at sabay na umiwas ng tingin.

"Wala, pumunta na tayo ng classroom?" papayag pa lang sana ako ng bigla nila akong hinila kaya ayun, napunta ako sa gitna nila habang sabay nila akong hinihila.

Ng makapasok kami ng classroom, hinila ko ang kamay ko sa kanila at hinarap sila.

"Pansin ko lang, para kayong mga ewan."

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ni Elle.

"Masyado kayong balisa."

"Huh? Anong ibig mong sabihin? Hindi ah! Gutom lang kami kaya yan. Hahaha." pilit na tawang sagot ni Elle. Si Anne naman ay parang ang lalim ng iniisip.

"Kunwari pa. We've been together for months at alam ko kung kailan parang may bumabagabag sa inyo. Tsaka kakakain niyo lang kaya."

"Wala nga kasi." pagpupumilit ni Elle.

"Aysus. Ano, sabihin niyo na." kung makulit si Elle, she should know na mas makulit ako.

Magsasalita pa sana siya ng biglang nagsalita si Anne. Buti naman at naisipan niya pang mag salita, akala ko tuluyan ng napipi.

"You're in danger. Someone's trying to kill you." seryoso niyang sabi.

---
Authors note:
Hello guys! Happy new year! It's been a while since I last updated this story. Sorry if ngayon lang, may nangyari kasi and ayon, na-author's block. Pero, finally, I'm back!! Pero I don't think I can update that fast kasi exam na namin so, ipapahinga ko lang brain ko. ('Di ako mag sta-study) HAHAHAHA. Anyway, alam kong masyadong walang kwenta 'tong update, but hey, at least I tried. Charot. Have a great new year!!

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now