Chapter Thirty Five

14 1 0
                                    

KAZUMI

"Oh, Kazumi!" bati sa akin ni Mom at inakap ako.

Nag pabalik balik naman ang tingin ko kay mommy at kay Em ng binitawan ako ni mom.

"What are you doing here, mom? And where are you staying, bakit ngayon ka lang po nag pakita?" I asked her. I was concerned because there's no where else she could go except here. Pero hindi ko naman siya nakikita so how?

"I was living in the wilderness," nakangiti niyang sabi kaya nanlaki ang mata ko.

What the hell? "Seriously, Mom? Paano ka nakakakain? Oh my God!" I was panicking when she suddenly laugh, and by that moment I know she was just messing with me.

"I was staying in the room that is still available."

"How come I couldn't see you if you're staying here with us?" nakakapag taka lang eh.

She winked and said, "I have my ways."

After that, she said she just wanted to visit Miss Em regarding our leave for the next few weeks.

Nasa beach na naman kami ngayon. Kakatapos lang namin mag breakfast.

Naglalaro lang kami. Nag-usap usap hanggang sa nag ayaw silang maligo. Napilit namin sina Anne at Angel na lumangoy pero si Gia, ayaw pa rin.

"Sige na, Gia! Tuturuan kitang lumangoy." Ngumiti pa ako kaya wala na siyang nagawa kundi ay sumama na rin sa amin.

Hindi naman kami pumunta sa malayo. Tinuturuan ko si Gia lumangoy kaso ang mga ewan naming mga kaibigan ay tinatalsikan kami ng tubig kaya hindi na kami nakapag concentrate at nagtalsikan na lang ng tubig sa isa't isa.

Naghabulan din kami ng biglang napasigaw si Gia.

"Cramps!" agad kaming lumapit sa kanya at binuhat siya.

'Yong ibang nakakita sa amin ay nakichismis sa amin at si Kyle naman na medyo matagal pa kaming nakita ay agad agad namang pumunta sa amin ng nakita buhat buhat namin si Gia.

Agad niyang kinuha sa amin si Gia at siya na ang bumuhat papuntang pangpang.

Papalapit kami kay Gia at kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"What happened?" lumapit sa akin si Lucas. Hindi ko pa sana siya sasagutin ngunit ano na man ang makukuha ko ro'n, 'di ba?

"Nag cramps ang paa niya," sagot ko at tumango naman siya.

Lumuhod ako sa tabi ni Gia. "Masakit pa rin ba?"

Umiling naman siya. "Thank you," hinarap niya si Kyle. "Kuya naman, ang O. A.! Nagka cramps lang naman ang paa ko! Natural lang 'yon." Pinalo-palo niya pa si Kyle habang umiiwas si Kyle sa mga hampas niya.

"Ha? Ano ka ba? Ano'ng O. A. do'n? 'Di nga ako nag-alala sa'yo eh!" tumayo si Kyle pero agad din na napaluhod dahil binatukan siya ni Lucas.

"Ano, ka ba, Lucas?" mangiyak iyak niyang sabi habang hinihimas ang batok niya.

"It's not wrong to show your affection to your sister, bro," sagot sa kanya ni Lucas kaya napatingin na man ako sa kanya.

'Yan ang Lucas na minahal ko, at mahal ko. 'Yong mapagmahal na Lucas. But I can't say that I don't love him at his worst. Damn, I am crazy for him. I would accept all his flaws and mistakes. Of course, I won't tell that to anybody dahil alam kong wala nang pag-asa ang relasyon namin.

We are done. We may remain as friends, but that's it.

Umalis na silang dalawa habang nagtatalo. Hay nako!

Perfectly Imperfect  (The Perfect Girl Sequel)Where stories live. Discover now