Chapter 1

15.7K 390 12
                                    

NOAH

KUNOT na kunot ang noo ko habang seryosong nakatingin sa babaeng nasa  harapan ko.

"Anong ginagawa mo dito?" inis na tanong ko sa kanya.

Naiinis siya dahil kahit anong pagsusungit niya rito ay tila hindi ito tinatalaban. Makapal ang mukha niya. 

Nang dahil sa kanya nag-away kami ng nobya ko. Mukhang masaya ang babaeng ito. Nagtagumpay siya sa ginawa niya. May tampuhan kami ng nobya ko nang dahil sa kanya.

"Bakit palagi kang galit whenever I am around? Wala pa naman akong ginagawa? Anong meron sa akin tila inis na inis ka?" sunod-sunod na tanong nito.

Nag-igting ang panga ko. Iyon ang problema habang nasa malapit siya palagi kaming nag-aaway ng girlfriend ko. Iniisip kasi nitong mayroon kaming relasyong dalawa.

"Sa tuwing lumapit ka sa akin pinagseselosan ka ng kakambal mo. I know you, sa inyong dalawa ikaw ang masama," sabi ko.

Alam kong masakit ang binitawan kong salita. Ngunit iyon naman ang totoo. 

Kita ko ang pagguhit sa kanyang mukha ang lungkot. Ngunit mabilis ding napalitan ng tapang ng mukha. She laugh. Kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko?

"Iyon ba ang sinabi niya sa iyo? Well, kapag nga naman umiibig nagiging bulag sa katotohanan. Did you know me? Paano mo nasabing masama ako? Ginawan na ba kita ng masama? Sabi nga nila don't judge tge book by it's cover." Anito saka napailing.

"I have to go. Wala namang saysay kahit ipaliwanag ko ang side ko. I am sure you don't believe me. Saka baka pagselosan na naman ako ng nobya mo, kahit wala namang ikaseselos," sabi nito.

Napasulyap ako sa kuwintas nitong nakapaloob sa uniform. Hindi ko alam bakit palagi akong napasusulyap sa parteng iyon ng kanyang katawan.

Napasunod na lang ako ng tingin habang siya'y papalayo. May isang bahagi ng puso ko na nagsisisi sa ginawa ko at may isang bahagi na tama ang ginawa ko.

Mali nga bang husgahan ko siya base lang sa sinabi ng nobya ko?

Nakaramdam ako ng konsensya. Hindi ko dapat sinabi iyon?

HEAVEN

"Pinuntahan mo na naman ang Noah na iyan? Sinabi ko na sa iyong tigilan mo na siya. Wala ka namang mapapala sa lalaking iyon." Inis na sabi ng bestfriend ko.

Umupo ako sa tabi niya. Inilabas ko ang kuwintas na itinatago ko ng ilang taon na. May nakasabit na maliit na singsing doon. Ito ang singsing na ibinigay sa akin ni Noah noong bata pa kami. Nag-promise kami sa isa't isa na kapag nagkita makikilala namin ang isa't isa sa pamamagitan nito.

Kinalimutan na niya ako.

"Ang OA mo. Hindi naman ako lumalapit sa lalaking iyon. Nagkakataon lang na nagku-krus ang landas namin. Hindi naman maiiwasan iyon. Remember, nobyo siya ng kakambal kong anghel." Sabi ko. Natawa ang bestfriend ko.

"Anghel sa kademonyohan. Ewan ko ba? Hindi mo naman yata kapatid yang si Angel. Diyos ko! Naturingang makadiyos ang pangalan ngunit maka-demonyo naman ang pag-uugali. Masyado siyang inggitera sa iyo. Imagine mo nasa iyo na lahat. Eh, siya ganda lang ang meron siya. The rest ng kanyang katauhan wala na."

"Wala namang perpekto. Kahit ganoon naman iyon kapatid ko pa rin naman siya."

Hindi ko alam kung bakit ginagawa sa akin ng kakambal kong siraan ako kahit sa mga magulang namin. Ang tingin nila sa akin masama.

"Kapatid ba ang turing niya sa iyo? Mukhang hindi naman. Heaven, huwag mong hayaang sirain ka ng kapatid mo." Sabi nito.

"Wala akong magawa upang maipatanggol ang sarili ko. Sirang-sira na ako sa pamilya ko at mas lalo kay Noah." Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Masakit lang na pati ang lalaking mahalaga sa buhay ko kinasusuklaman ako.

(Flashback)

"Aven, this is for you," nagulat ako nang may ibinigay si Noah na maliit na singsing. Mayroon din itong singsing kagaya ng sa akin. Isinuot niya ang singsing sa daliri ko.

"Promise me you will keep this. Kapag nagkita tayo ipakita mo lang ang singsing na ito para makilala kita." Tumango ako.

"I promise," tapos nag-pinky promise kaming dalawa.

Aalis na kasi si Noah papuntang ibang bansa. Doon na daw sila titira ng pamilya niya. Sa edad na 8 years old naramdaman na namin ang puppy love.

End of flashback.

Napayakap ako sa kaibigan ko. Hindi ko na napigilan ang umiyak.

"Ang tapang mo kapag sa harapan ng ibang tao pero sa harapan ko ang iyakin mo. Ang tingin nga nila sa iyo kontrabida. Kung alam lang nila kung gaano ka kabait at napaka-anghel," sabi ng kaibigan ko.

Hinaplos niya ang likod ko. Pinahid ko ang luha ko at bumitaw sa pagkakayakap.

"Sorry, kung palagi na lang akong umiiyak. Hayaan mo I will try my best not cry." Hindi ko lang mapigilang umiyak dahil umaapaw ang emosyon ko. Nasasaktan ako sa pinapakitang hindi maganda sa akin ni Noah at maging ang pamilya ko.

Mahal siya ng kapatid ko at kahit masakit hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo.

"At ang maldita mong kakambal akala nila anghel sa kabaitan, hindi nila alam demonyita. Naku ka Heaven gusto na kitang sabunutan sa pagiging mabait mo sa kapatid mong ewan. Wala siyang puso para sa iyo."

"Kakambal ko iyon. Hindi lang kami basta magkapatid. Magkadugtong kami kaya kahit na nakakainis ang ugali niya mahal ko iyon," she hissed.

"Bakit mahal ka ba bilang kakambal niya? Suwapang iyon eh, tapos napakasinungaling pa. Imagine mo pati magulang mo paniwalang,paniwala na ikaw ang pinakamasama at siya ang anghel. Of all people dapat kilala ka nila. Pero amg tingin sa iyo estranghero, " napapalatak ang kaibigan ko sa sobrang inis nito.

Hindi ako minahal ng magulang ko. Panay nila akong pinapagalitan lalo kapag inaaway ako ni Angel. Gumagawa ito ng paraan para ako ang mapasama.

"Aven, sana naman kahit konti lumaban ka naman. Wala tayo sa teleserye na laging api ang bida. Ipagtanggol mo naman ang sarili mo. Ikaw lagi kasi ang napapasama," tumulo ang luha ko dahil sa sinabi ng bestfriend ko.

Wala akong lakas ng loob para ipaglaban ang sarili ko. Masama na ang tingin nila sa akin kaya hindi ko na kayang maituwid pa iyon.

"Huwag mo akong tinatawag na Aven. Kinalimutan ko na ang nickname na iyan." 

Nagkibit balikat lang ang bestfriend kong si Erika Mae.
Matagal ko ng binaon ang ganoong pangalan. Kasama ng pagbaon ko sa pagmamahal ko para kay Noah.

Hindi kami para sa isa't isa. Itong kuwintas na ito kailangan ko ng itapon. Kasabay ng pagtapon ko sa nakaraan namin. Nagmumukha lang akong tanga na umaasa na isang araw malalaman nito ang totoo.

 Nagmumukha lang akong tanga na umaasa na isang araw malalaman nito ang totoo

Rất tiếc! Hình ảnh này không tuân theo hướng dẫn nội dung. Để tiếp tục đăng tải, vui lòng xóa hoặc tải lên một hình ảnh khác.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ