Chapter 20

9.6K 304 14
                                    

NOAH

"Sweetheart, hindi pa naman ako sigurado kung si Angel nga ang nakita ko. Ang dapat nating gawin ipa-DNA test natin ang nasa libingan ni Angel. Kung siya ba iyon o ibang tao." Suggestion ko sa asawa ko.

"Kung ganoon kailangan na nating gawin. Para malaman natin ang katotohanan. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko napapatunayan na buhay siya." sabi ng asawa ko.

" Okay ipapahukay natin ang libingan. I'll call Kuya Alex para matulungan tayo para kunin ang bangkay." inakbayan ko siya. She is starting to cry again. Ayokong ayoko na umiiyak si Heaven. Nangangamba akong baka madepress na naman siya.

" Don't worry sweetheart everything's going to be okay." I caressed her back. She lean on my chest while crying. Ang dami ng nangyring hindi maganda kay Heaven. Sana naman matapos ng lahat ng paghihirap niyang ito.

NAKIPAGKITA ako kay Kuya Alex. Fresh na fresh ang look niya. Mula ng naging sila ni Melissa good boy na ito. Kaya natituwa kami sa malaking pagbabago ni Kuya Alex.

"Bro, bakit mo naman balak ipahukay ang libingan ni Angel. Bakit bubuhayin mo ba siya?" natatawang biro nito. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Seriously kailangan kong malaman kung si Angel nga ba talaga ang nasa libingan. I saw her two times. Sa unang pagkakataon na nakita ko siya sa isang labanan. I thought nagkamali lang ako. Pero noong ilibing ang bangkay niya nakita ko siya. Buhay na buhay," kuwento ko.

"Baka naman dinadalaw ka lang niya sa huling sandali," biro na naman nito sa akin.

"Hindi ako nagkakamali, Kuya Alex. It's her." Paniniguro ko.

"Okay, ipapahukay natin ang bangkay at idadala sa forensic para macheck ang DNA ng bangkay." sabi ni Kuya Alex. I hope positive ang result para naman matahimik na kami ng pare pareho.

PALAKAD lakad ako habang hinihintay si Kuya Alex. Nasa kanya na kasi ang result. Nandito ako ngayon sa opisina niya. Hindi ko ipinaalam kay Heaven na ngayon malalaman ang DNA na isinagawa sa bangkay.

"Hey, bro! I got the result," sabi ng pinsan ko na kadarating lang. Ibinigay niya sa akin ang sobre. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. Kinakabahan ako sa resulta. Dalawa lang naman ang magiging sagot dito. Either negative or positive. Kung negative my wife will be devastated again. Kung positive naman paano naman namin malalaman kung patay na siya or buhay. Dahil hindi namin alam kung nasaan si Angel. Nanginginig ang kamay kong binuksan ang sobre. Binasa ko ang laman niyon. Nanlaki ang mata ko sa nakita kong resulta ng DNA.

HEAVEN

Napabangon ako sa pagkakahiga nang dahil sa panaginip ko. Nakita ko si Angel sa panaginip. Humihingi siya ng tulong sa akin. Napaiyak ako dahil kalunos-lunos ang hitsura niya sa panaginip ko. 

Pinahid ko ang luha na pumatak sa pisngi. Napatingin ako sa paligid. Wala na si Noah sa tabi ko. Baka pumasok na siya sa trabaho. Kailangan kong pumunta kay Kuya Alex. Gusto kong malaman ang resulta. Tumayo na ako para maligo. Pupuntahan ko siya sa presinto.

Pagkalabas ng bahay namin hindi ko maiwasang kabahan. Sana naman positibo ang resulta ng DNA. Umaasa akong buhay ang kakambal ko. Kung nakita siya ni Noah ng dalawang beses. Sigurado na buhay ito. Nakakapagtaka kung bakit hindi niya kami kinausap na buhay siya. Napatawad ko na siya matagal na. Kaya hindi na dapat siya mag-alinlangang bumalik sa amin.

Nakarating ako ng presinto. Bumaba ako sa sasakyan ko. Nakasalubong ko pa si ate Danica.

"Ate Danica, nandiyan ba si Kuya Alex." Nakangiting tanong ko. Nagyakapan kami.

"Oo nasa opisina niya. Nandoon sa loob ang asawa mo," napakunot ang noo ko. Hindi naman binanggit ni Noah na pupuntahan niya si Kuya Alex.

"Sige ate pupuntahan ko na lang sila." 

Hindi na ako nag-abalang kumatok. Binuksan ko agad ang pinto. Parehong nagulat na reaksyon ang nakita ko sa kanilang mukha.

"A-anong ginagawa mo dito, sweetheart?" tanong sa akin ni Noah. Nakita kong may luha ito sa mga mata. Si Kuya Alex naman seryoso lang nakatingin kay Noah. Napansin kong may hawak itong papel. Nilapitan ko ang asawa ko. Kinuha ko sa kanya ang papel. Hindi na ito nakahuma pa nang nasa akin na ang papel.

"Ano ito? DNA result na ba ito?" tanong ko. Walang sumagot sa tanong ko.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin na ngayon malalaman ang result? Kung hindi pa ako nagpunta dito hindi ko pa malalaman?" may hinanakit na sabi ko kay Noah. Akmang hahawakan niya ako nang umatras ako. Binasa ko ang resulta.

Napatakip ako sa bibig ko. Umalpas ang hikbi sa labi ko. Napahagulgol ako ng iyak. Napayakap sa akin si Noah.

"This is the reason why I don't want to tell you. I don't want to see you cry again, sweetheart. It hurts me. I'm so worried about you, buntis ka pa. Ayokong ma-stress ka sa resulta," sabi ni Noah.

"I have the right to know. She is my twin sister. Hindi ako matatahimik hangga't nandiyan lang siya sa tabi tabi,  buhay." Napaiyak ako dahil napakasaya ko. Buhay si Angel. Pero nasaan siya? Bakit ayaw niyang magpakita sa amin?

"Noah, hanapin natin si Angel. Kung nakita mo siya sa sementeryo, ibig sabihin nandito lang din siya sa Manila," sabi ko.

"Yes, for sure nandito siya. Tatanungin ko kung may CCTV sa lugar na iyon. Baka sakaling makakuha tayo ng lead. Don't worry ipapa-check ko sa mga tauhan ko," sabi ni Kuya Alex.

"Salamat Kuya Alex sa walang sawang pagtulong mo sa amin," sabi ng asawa ko. Napayakap ako sa kanya.

"Malalaman din natin kung saan ang kinaroroonan niya. We will find her as soon as possible. Hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahahanap," sabi ni Noah. Umaasa akong makikita din namin siya sa lalong madaling panahon.

Dumalaw ako kila Mommy at Daddy para ipaalam ang nalaman namin ni Noah. May karapatan din silang malaman ang nangyayari.

"Mom!" tawag ko kay Mommy. Nagyakapan kaming dalawa.

"Buti nakapasyal ka dito. Kasama mo ba si Noah?" tanong nito. Umiling ako.

"Nasa kampo po nila. Nagpaalam naman po ako na dadalaw sa inyo." sabi ko.

 "Mom, may sasabihin ako kaya nagpunta ako dito." napatitig sa akin si Mommy.

"Ano iyon anak?" tanong nito.

"Buhay po si Angel," nangunot ang noo ni Mommy.

"Paano nangyaring buhay ang kakambal mo? Hindi ba siya ang natagpuang bangkay?" sabi ni Mommy. Hinawakan ko ang kamay nito. 

"Iyon din po ang pagkakaalam namin. Dahil kamukha po ni Angel ang natagpuang bangkay. Kaya hindi na namin naisip na iba naman pala ang taong iyon." 

Ngayon na nalaman namin na hindi si Angel ang bangkay. Saan kami mag-uumpisang hanapin ang kinalalagyan nito? Sana naman magpakita na siya. Kung alam niya lang napatawad na namin siya. Kahit gaano pa kasama ang ginawa ni Angel sa akin mahal ko ang kakambal ko. 

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13






BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now