Chapter 16

9.7K 369 20
                                    

NOAH

Naawa ako sa asawa ko. Everytime naalala niya ang kanyang kakambal naghehysterical siya. Wala pa akong balita kung nakita na nila ang kinalalagyan ni Angel.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Heaven. Akala ko kasabwat si Angel sa pagdukot sa kanya pero nagkamali ako. Ang isa ko pang ikinagulat, Angel is a raped victim of her husband. Napaka demonyo ng mga taong iyon. Dapat sa kanila pagpapatayin. Tinawagan ko ang pinsan kong si Isaac para tanungin kung ano na ang nangyari sa paghahanap sa mga terorista.

"Hey, bro," sabi ko. 

"How's, Heaven?" tanong ni Isaac sa akin. 

"She's not okay. Kapag naalala niya ang kakambal lagi siyang umiiyak. Kumusta na ang paghahanap niyo kay Angel? You need to find her. Baka nasa panganib na ang buhay niya. Ayokong masaktan ang asawa ko kapag may masamang mangyari sa kakambal niya." malungkot na sabi ko.

"Mayroon na kaming lead. Don't worry mahahanap din namin siya." balita nito.

"Okay, balitaan mo na lang ako." sabi ko.

"Okay, bro, iupdate na lang kita kapag may bagong balita," sabi nito.

Tinapos ko na ang tawag. Kailangan ko pang puntahan ang asawa ko. Baka gising na ito. Pagkapasok ng silid namin. Nakita kong gising na si Heaven. Nakaupo ito sa kama namin. 

"Sweetheart" tawag ko sa kanya. Napatingin ito sa akin. Nginitian ko siya. Malaki ang ipinayat ni Heaven dahil hindi na siya masyadong madami kumain. Tumabi ako sa kinauupuan niya. Inakbayan ko siya upang idantay ang ulo nito sa dibdib ko.

"I'm so sorry Noah. Hindi na kita naasikaso. Hindi ko na nagagampanan ang pagiging asawa ko sa iyo. I'm useless." yumapos ang kamay nito sa baywang ko. 

"Sweetheart, asawa mo ako. I had promised to you I will take care of you. Okay lang kahit hindi mo ako alagaan. Mas gusto kong ikaw ang inaalagaan ko. Because I love you so much."hinaplos ko ang kanyang pisngi.

"Kapag okay na ako aalagaan na kita my Noah." sabi nito. Nanatili kaming magkayakap. Sana matapos na itong problemang kinakaharap namin. 

TUMAWAG si Isaac binalita niyang naconfirm na ang eksaktong location ng kinalalagyan nila Angel at ang asawa nitong terorista. Nasa bandang Jolo ang kinalalagyan nila. Mas mahihirapan sila dahil balwarte nila iyon. 

Nag-aalala ako sa kaligtasan ng pinsan ko at iba pang sundalo. Hindi basta ang mga terorista. Madami silang galamay, lalo at teritoryo nila ang lugar. 

Nakarinig ako ng ingay sa silid ni Heaven. Kaya napatakbo agad ako baka may nangyari ng masama sa asawa ko. Pagkapasok ko nakita ko si Heaven na may inaayos sa cabinet namin. Nakalabas ang mga magugulong mga damit. I admit I did not able to fix my clothes anymore. Because Heaven is much more important. She needs me right now.

"Sweetheart," tawag ko. Napalingon ito sa akin. Napahinga ako ng maluwag ng ngumiti ito sa akin.

"Noah, pasensya na. Inaayos ko kasi ang mga gamit. Magulo ang closet mo." Nilapitan ko ito at yumakap mula sa likod nito. I kissed her temple.

"Masaya ako at nagiging okay ka na."sabi ko.

"I'm trying to be okay. Hindi makakatulong sa akin kung iisipin ko puro mga negative. I need to be strong para sa kapatid ko at sa iyo." humarap ito sa akin. Kinintalan ko ng halik ang ilong niya. Napangiti si Heaven sa ginawa ko.

"Isaac is doing his best para mahanap ang kapatid mo. Umasa tayo na makukuha natin ligtas si Angel. Don't worry magiging okay din ang lahat."panigurado ko sa kanya.

Mahanap lang namin si Angel magiging okay na ang kalagayan ni Heaven. Sinulyapan ko ang asawa kong busy na sa pag-aayos ng gamit namin.

NAALIMPUNGATAN ako ng may narinig akong humihikbi. Kaya napabangon ako bigla. Tiningnan ko si Heaven sa tabi ko. She is still sleeping but, she is crying. Nanaginip siguro siya. Yumakap ako mula sa likod nito.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now