Chapter 15

9.8K 374 33
                                    

NOAH

INUWI ko sa Manila ang asawa ko. Nag-file muna ako ng emergency leave para mapagtuunan ko ng pansin si Heaven. Nag-aalala ako sa kalagayan niya. Panay ang iyak niya kapag naalala ang nangyari sa kanya sa isla. Hindi ko alam kung anong ginawa nila kay Heaven noong nasa poder siya ng mga kidnapper.

Mananagot sa akin ang kakambal ni Heaven at ang asawa nito. Walang kapatawaran ang ginawa nila sa kanya. Hindi ko pa natatanong si Heaven kung anong nangyari sa kanya doon. Baka mas lalo lang ma-trauma ang asawa ko.

Pumasok ako sa silid namin ni Heaven.  Mabuti may sarili na akong bahay. Ipinatayo ko ito noong nagtrabaho na ako. Pinag-ipunan ko ito para kapag nakuha ko na si Heaven ay mayroon na kaming sariling bahay.

"Sweetheart, inom ka muna ng milk," sabi ko. Napangiti ito ng tipid. Kahit hindi man niya sabihin ramdam kong may takot pa din ito. As much as possible pinaparamdam ko sa kanya na nandito lang ako sa tabi niya. Hindi ko siya iiwan.

"Thank you," hinaplos ko ang buhok nito. Pinapanood ko lang siyang uminom ng gatas. Inilapag niya ito sa lamesita na nasa tabi ng kama namin. Yumakap ito sa akin. Sinandal niya ang ulo nito sa dibdib ko.

"Noah, bakit hindi ka pa bumalik sa trabaho. Okay naman na ako. Sabi ng doktor ko maayos na ang kalagayan ng isip ko. Sinusubukan kong maging matatag at kalimutan ang mga nangyari sa akin." Hinagkan ko ang buhok nito.

"Kapag fully recovered ka na saka ako babalik sa trabaho. Sa ngayon I want to spend my time with you, sweetheart. Ayokong nakikita kang umiiyak. Nasasaktan ako," sabi ko habang hinahaplos ang balikat nito.

"Magiging maayos din ako." Paniniguro nito. But I won't take the risk. I want beside her while she's recovering from the trauma.

"Sleep ka muna, sweetheart," tumango ito. Inayos ko ang kumot nito. Nagpunta ako sa veranda upang tawagan si Isaac.

"Hello, Isaac. Ano na balita sa mga kumidnap sa asawa ko. May balita na ba kayo?" tanong ko.

"Ayon sa intelligence report nasa bandang Zamboanga na sila. Hindi pa dinitalye kung saang exact sa Zambonga. Pero don't worry babalitaan kita kapag may news update na. Kailangan nilang magbayad sa ginawa nila kay Heaven," sabi ng pinsan kong si Isaac.

"Salamat, bro. Tatanawin kong utang na loob kapag nahanap niyo ang kinukutaan ng mga demonyong iyon," sabi ko.

Nalulungkot ako sa nangyayari. Bakit kahit sa sariling kadugo kaya nitong saktan. Wala na bang puso si Angel para sa kakambal nito? Kahit noon pa man ganun na ang pakikitungo niya. Hindi ko alam kung bakit. 

HEAVEN

NAPAHAWAK ako sa ulo ko. Hindi ko maiwasang mapaiyak. Naalala ko na naman ang nangyari sa akin sa isla. Nagmulat ako ng mga mata. Ang kapatid ko,kailangan nilang mailigtas! Kailangan niya ng tulong. Napakademonyo ng asawa niya. Bakit nagmahal siya ng ganung klaseng lalaki? Kailangan kong makausap si Noah. Kailangan nilang tulungan si Angel. Ang alam nila may ginawa sa akin ang kakambal ko. Pero nagkakamali sila.

Tumayo ako para puntahan sa library nito si Noah. Kailangan nilang iligtas ang kakambal ko. Nasa panganib ang buhay niya.

"Noah!" tawag ko sa asawa ko. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil nag-flashback na naman sa akin ang nangyari sa Isla. Napaluhod ako habang hawak ang ulo ko.

(Flashback)

Nasaan ako bakit nila ako dinala dito? Akala ko mabubuting tao ang tumulong, iyon naman pala mga demonyo. Dinala nila ako sa isang isla. Ang layo ng biniyahe namin. Sumakay pa kami ng yatch.

"Sino ba kayo?! Bakit niyo ako dinukot! Mga walanghiya kayo!" nakatingin lamang sila sa akin. Nag-usap sila pero hindi ko naiintindihan. Hindi ko alam kung anong lengguwahe nila.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now