Chapter 18

9.5K 364 20
                                    

HEAVEN

Hindi ako makapaniwala na wala na ang kakambal ko. Hanggang ngayon hindi ko mapatawad ang sarili ko. Dapat gumawa ako ng paraan na makatakas kaming dalawa doon. Pero naging mahina ako at takot ang naramdaman ko ng mga oras na iyon.

Ilang buwan na mula ng mangyari ang insidenteng iyon. Pero nakaukit pa din sa utak ko kung paano nila pinahirapan ang kapatid ko. At ako nagkaroon na din ng trauma sa pangyayari. Minsan nagigising na lang ako na nanginginig sa takot. Patuloy ko pa din napapanaginipan ang nangyari. Gusto kong magkaroon ng katarungan ang pagkamatay ng kakambal ko.

Napahaplos ako sa lapida ni Angel. Napaluha ako. Hindi man lang kami binigyan ng pagkakataon upang magkaayos.

"Mahal kita Angel. Kahit gaano pa kasama ang nagawa mo sa akin hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa iyo." naiiyak na sabi ko sa puntod ng kakambal ko.

"Sweetheart mataas na ang araw. Doon muna tayo sa lilim" napaangat ako ulo. Umupo ito sa tabi ko. Inakbayan niya ako at dinala sa kanyang dibdib.

"Magkakaroon din ng katarungan ang pagkamatay ni Angel. May lead na kung saan ang kinaroroonan ng asawa niya. Magbabayad siya sa batas." sabi ni Noah.

"Umaasa akong sa lalong madaling panahon. Masyado ng madami ang nadadamay sa kasamaan ng lalaking iyon. Dapat sa kanya bitayin para maramdaman niya din kung gaano kasakit ang ginawa niya sa kakambal." kumuyom ang kamao ko. Gusto kong saktan ang taong iyon para maramdaman niya ang ginawa niya sa kapatid ko.

Umuwi na kami ni Noah. Nahihiya na ako sa asawa ko dahil lagi na lang ako ang inaalala niya. Hindi ko na magampaman ang pagiging asawa ko sa kanya.

Hinaplos ko ang kanyang panga.

"Love gusto mo bang magbeach tayo. Para naman makapag unwind ka. Masyado ka ng stress sa akin at sa trabaho mo." yumakap ako sa kanyang baywang. Hinagkan niya ang ilong ko.

"Okay kailan ba ang gusto mo sweetheart. Game ako diyan." sabi nito. Malawak na napangiti ako.

"This weekend. Para naman magkabonding tayo maigi. Gusto ko ng magkababy tayo Noah." yumakap ako sa asawa ko.

"Okay pag-iigihan kong umariba para makabuo na tayo." hinagkan niya ang ilong ko. Kaya napatawa ako.

"I'm going to wear sexy lingerie para maakit ka ng sobra" birong sabi ko. Napahagikgik ako.

"Bakit ka pa magsusuot? I want you naked mas maganda iyon. Mas lalong mag-iigting ang aking kasundaluhan ko! Mapapasabak ka sa labanan" sabi nito sabay kindat sa akin.

NOAH

Natutuwa ako at okay na si Heaven. Nagsimula na siyang magturo pero dito na sa Maynila. Dito na din ako nadestino. Kaya lagi na kaming nagkakasama ng asawa ko.

Gusto ko na din magkaroon kami ng mga anak. Si Kuya Alexandro mayroon ng anak at quadruplets pa. Aattend nga kami this weekend sa birthday ng quadruplets. Mag-iisang taon na sila. Hindi ko akalaing si Melissa ang makakatuluyan ng walanghiya. Napakababaero niya noon. Sa bata din pala ang bagsak niya. Nakikita ko naman kung gaano niya kamahal si Melissa. Kaya malaki talaga pinagbago ni Kuya Alexandro.

"Noah bili tayo ng gift natin sa quadruplets. Sana magkababy na din tayo." Sumandal ito sa dibdib ko.

"Hayaan mo mamaya gagawa na tayo," sabi ko. Kinurot niya ang tagiliran ko kaya napaigik ako. Ang sakit niya mangurot pinong pino pa naman.

"Sinabi mo yan, huh? Game na game ako," natatawang sabi nito.

NAPAKADAMING bisita nila Kuya Alexandro. Nandito din sila Kuya Kael, Jacob, Kuya Logan. Pero napansin kong wala pa ang mayabang na si Isaac. Baka may ginawa na naman silang mag-asawa.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now