Chapter 6

10.7K 388 11
                                    

HEAVEN

Hinihintay ko pa ang visa ko papuntang US. Nagpasya akong mag-mall para mamasyal at libangin muna ang sarili ko habang naghihintay sa visa ko. Sa isipang aalis na ako sa Pilipinas hindi ko maiwasang malungkot. 

Hindi nakasama ang kaibigan kong si Alice dahil sinamahan nito ang Mommy niyang dumalaw sa isang kamaga-anak. Nagsuot ako ng pantalon at t-shirt. Sinuot ko ang cap na iniregalo sa akin ng kaibigan ko.

Pumara na ako ng taxi. Buti hindi mahirap ang sasakyan dito sa loob ng village nila Alice. Hindi kagaya sa bahay namin. Kaya lahat ng mga tao doon ay may sariling sasakyan. Naalala ko na naman ang mga magulang at kakambal ko. Kumusta na kaya sila? Gusto ko sanang puntahan sila ngunit mas pinili kong hindi magpakita.

"Ma'am saan po tayo?" napatingin ako sa taxi driver.

"Sa MOA po tayo kuya," sabi ko. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana sa buong biyahe. May konting build up lang ng mga sasakyan sa Pasay Rotonda kaya mabagal ang takbo ng sasakyan.

Napakunot noo ako nang may nakita akong karumaldumal. Hindi ako nagkakamali kakambal ko iyon. May kahalikan itong lalaki na may mga tattoo. Hindi naman si Noah iyon dahil wala naman tattoo ang lalaking iyon.

Naghahalikan sila sa loob ng sasakyan ng lalaki. Kulang na lang mag-sex sila sa loob. Hindi na nahiya, halos nakatingin na sa kanila ang mga nasa sasakyan. Parang ako pa ang nahiya. Alam kaya ni Noah ang pinaggagawa ng kapatid ko? Napaismid ako. Bakit ko pa iniisip kung anong mararamdaman ng lalaking iyon? 

MADAMING sa MOA ngayon. Naupo ako sa isang bench na nakita ko para magmasid sa mga taong naglalakad sa mall. Tiningnan ko ang phone ko. May message si Alice. Ni-repl-a-yan ko para ipaalam na nandito na ako sa mall. Nang ma-isend ko ang text nagpasya akong pumunta ng National bookstore. Bibili pala ako ng books. 

Napalingon ako dahil pakiramdam ko ay may sumusunod sa akin. Pero wala naman akong nakikitang tao na sumusunod sa akin. 

NOAH

"BRO, anong gagawin na naman natin dito sa mall?" tanong ko sa pinsan kong siraulo.

"May ime-meet lang akong girl dito," sabi nito. Talagang isinama pa ako.

"Bakit isinama mo pa ako? Ginawa mo pa akong chaperon. Talagang isinama mo pa ako sa kalokohan mo? Tado!" singhal ko sa pinsan kong babaero. Hindi na nagbago walang araw na hindi mambabae at iba iba pa. Gusto niya daw kasi ang madaming flavor. Siraulo din.

"Siyempre kapag nagkabukuhan or may mangyayaring hindi maganda may backup ako!" pagmamalaki pa ng walanghiya. Ginawa pa akong pangbala. Napapailing ako sa pinsan ko.

Sinapak ko ito sa balikat. Napadaing ito dahil napalakas ko ang pagsuntok.

"Tangina mo ka Noah! Ang sakit niyon!" hinimas nito ang balikat na sinuntok ko.

Tatawa tawa akong naglakad. Sumunod din naman ang pinsan ko.

Habang naglalakad kami nakita kong papasok ng bookstore ang babaeng gusto kong makita.

"Bro, doon lang ako sa bookstore" sabi ko.

Tiningnan ako ng pinsan ko ng hindi makapaniwala.

"Kailan ka pa nagkainteres sa books? Kailan ka pa nagbabasa?" natatawang sabi nito. Sinamaan ko lang ito ng tingin. Tinalikuran ko na ito para puntahan si Aven.

Pinagmasdan ko lang siya mula dito sa malayo. Nahhihiya ako sa kanya dahil sa ginawa ko. Kuntento na akong mamasdan ko siya mula dito. Naglakad ito papunta sa isa pang section kaya sinundan ko ulit ito.
Tumapat ako sa bookshelf kung saan ito nagbabasa. Hindi niya ako napapansin na nakatingin sa kanya.

Biglang tinakpan ko ang mukha ko ng nag-angat ito ng tingin. Sumilip ako sa books na nakaharang sa mukh ko. Nakita kong lumipat ito sa isa pang section ng mga books. Sinundan ko siya doon mukha lang akong tanga na pasunod sunod na parang aso.

Nauna na akong lumabas ng makita kong nakapili na ito ng nabiling books. Nagpunta na ito ng cashier para magbayad.

Lumabas na si Aven naglalakad lang ito habang patingin tingin sa mga boutique. Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ito. Napakasimple nito manamit hindi kagaya ng kambal nito na nakapostura palagi.

Biglang sumulpot ang pinsan kong si Isaac sa harapan ko. Napatingin ito sa sinusundan ko.

"Naks naman talaga stalker ka na ni Aven mo ah?! Wait lang huh!" nanlaki ang mata ko ng pinuntahan ni Isaac si Aven. Hindi ko alam kung magtatago ako or susundan ko ang pinsan kong siraulo.

Napako ako sa pagkakatayo ko ng mapadako ang tingin ni Aven sa akin. Shit! Ewan ko ba bigla akong natakot.
Parang may buhay naman ang mga paa ko. Naglakad ako papunta sa kinaroroonan nila.

"H-Hi. . ." nauutal na sabi ko. Nakatingin lang siya sa akin.

"Anong ginagawa niyo dito? Sinusundan niyo ba ako?" salubong ang kilay na tanong niya sa amin ni Isaac.

"Napadaan lang ang kaguwapuhan at kamachohan namin. Iyon ang ginawa namin." Parang gusto kong tadyakan ang pinsan ko. Mas lalo lang magagalit si Aven sa amin dahil sa mga reason na puro katarantaduhan lang.

Inapakan ko ang paa ng pinsan ko. Napadaing ito sa sakit. "Tangina mo, Noah! Napuruhan mo yata ang ingrown ko!" reklamo ng pinsan ko. Buti nga sa iyo.

Hindi ko pinansin ang rekamo ni Isaac na siraulo.

"Aven, can we talk?" sabi ko.

"Wala na tayong pag-uusapan pa. Wala ng mababago pa kahit alam mo na ang totoo." Napatitig ako sa mukha nito.

"Mayroon mababago dahil alam ko na ang totoo. Kung inaakala mong susukuan kita nagkakamali ka. Alam kong ang laki kong tanga. Pero nagsisi na ako Aven. Please come back to me sweetheart" pakiusap ko. Kahit huli na para sa paghingi ko ng isa pang pagkakataon.

Umiling lang ito. "Please, Noah, leave me alone. " Sabi nito. Tumalikod na ito at iniwan kaming dalawa ng pinsan ko.

Susundan ko sana ito pero pinigilan ako ng pinsan ko.

"I told you hayaan mo muna siya. Kailangan ko bang ulitin ang sinabi ko sa iyo last time? Well sorry nakalimutan ko na," bigla ko itong binatukan.

Gag* talaga minsan naiisip ko bakit ko ba napagtitiyagaan makasama ang pinsan ko na ito. Siraulo.

Hahayaan muna kita Aven. Kapag dumating ang tamang panahon. I will win you back! Susuyuin kita kahit harangan man ako ng sibat. Pati dagat ay aking tatawirin makapiling ka lamang. Napangiwi ako sa naiisip ko. Nahawa na yata ako sa pinsan kong buang.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now