Chapter 5

10.7K 410 26
                                    

NOAH

Magkikita kami ni Angel ngayon sa isang restaurant. Gusto kong tapusin na ang relasyon namin dahil puro kasinungalingan lang ang lahat.

She lied mula sa kakambal niya pati sa ugali nito. Akala ko isa siyang mabuti pero iba pala ang ipinapakita nito sa harapan. Pero sa likod nito isa siyang demonyo.

Mula ng malaman ko ang totoo sinusundan ko siya araw araw kaya nalaman ko ang hindi ko dapat malaman.

Flashback

Hindi ko na nakitang muli si Aven. Hindi na ito umattend ng graduation namin sa Senior High. Narinig ko sa usapan nila Angel at ng kaibigan nito na umalis na nga ito ng bansa. I want to follow her but I need to give her time and space. I hurt her so bad. Naakusahan ko siya sa maling paratang at napagsalitaan ng masasakit na salita. Hihintayin ko ang panahon na maghilom ang sugat. Gagawin ko lahat makuha ko ulit ang babaeng minahal ko ng matagal ng panahon.

Nagtaka ako ng huminto ang sasakyan nito sa isang hotel. Ipinasok nito ang sasakyan papuntang parking lot ng hotel. Ganoon din ako. Nagsuot ako ng cap at shade. Nagjacket ako para hindi niya ako makilala. Pumasok kami sa elevator. Buti madami ang pumasok kaya nakisiksik ako at pumuwesto sa likod.

Bumaba ito sa 12th floor. Hindi ito tumitingin sa paligid dahil busy ito sa cellphone. Kaya hindi niya ako napansin kahit dalawa na lamang kami sa elevator.

Lumabas na ito ng narating namin ang 12th floor. Lumabas na din ako para pumunta sa kabilang side. Para hindi niya ako mapansin na sinusundan siya. Nagtago ako sa isang sulok. Hinanda ko ang phone ko para ivideo ang pangyayari. Nakita kong may lumabas na lalaki.

Nagtagis ang bagang ko ng naghalikan ang dalawa sa tapat ng pintuan nito. Hindi pa nakuntento sa halikan ibinaba ng lalaki ang suot na off shoulder ni Angel. Tumambad ang brassier nito. Nagtagis ang bagang ko sa galit. Ginagago niya ako talikuran. Akala mo mahinhin sa harapan. Iyon pala makati pa sa higad. She is a whore!

Nakita kong pumasok na ito sa loob. Nagpasya akong puntahan ito. Nagbakasali akong baka hindi nila nailock. Pinakinggan ko muna kung wala na ang mga ito sa sala. Tahimik naman kaya dahan dahan kong binuksan ang pinto. Napangiti ako dahil hindi nila nilock. Nang nabuksan ko na sumilip muna ako. Wala ng tao baka nagpunta na sila sa silid. Nakita ko ang mga nagkalat na damit sa sala.

Nakarinig ako ng ingay sa isang silid. Kaya nagpasya akong puntahan ito. Nakaawang ang pinto kaya malaya kong nasisilip ang kahalayan ng dalawa. Nakita kong gumagalaw sa ibabaw ni Angel ang lalaki na may madaming tattoo. Sinigurado kong makukuha ang mukha ni Angel sa video.

******

"Hi, sweetheart," bati ko kay Angel. Ayoko sanang halikan ito kahit sa pisngi ngunit kailangan kong magpanggap. Hinagkan ko ang pisngi nito ng madalian. Nandidiri ako sa babaeng ito.

"Sorry, sweetheart, may pinuntahan kasi kami ni Mommy." Tinext ko kasi ito para magkita kami. Halos tatlong oras bago ito dumating. Ibig sabahin ilang oras ang pag-stay niya sa condo ng lalaki nito.

"Nasaan ang kakambal mo? Hindi ko na siya nakikita?" napatingin sa akin si Angel. Napasimangot ito.

"Naglayas ang kakambal ko, nagrebelde. Hindi namin alam kung saan nagpunta. Bakit mo naman tinatanong ang kakambal ko? Tanong nito.

Nagkibit balikat lang ako. "Let's eat." sabi ko na lang. Nagtatakang sumulyap sa akin si Angel.

"By the way before I entered the PMA I want to be with you. Just us," tiningnan ko ito na parang nang-aakit. Bigla itong namutla sa sinabi ko. I knew it mabubuko kasing hindi na ito virgin kagaya ng pinapangalandakan nito. We never had sex. Hanggang makeout lang ang kaya kong gawin sa kanya. Dahil ginagalang ko ito pero mali na iginalang ko ang babaeng ito.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now