Chapter 4

10.3K 404 18
                                    

HEAVEN

Nagpasya akong hindi dumalo sa graduation ko. Inayos ko na ang passport at mga papeles na kailangan ko sa pag-alis ko. Nagpasya akong sa bahay na lang ng matalik kong kaibigan na magstay. Habang hinihintay ko ang visa ko.

"Buti naman dito ka nag-stay muna bago ka tumulak papuntang US. Hayaan mo susunod ako doon. Para naman may kasama ka. Mami-miss kita, best," sabi ng bestfriend ko. Nagyakapan kaming dalawa.

"Oo naman ikaw lang ang malalapitan ko. Perhaps it's time to go away from them. Kahit naman wala ako hindi nila ako hahanapin." Napatingin ang kaibigan ko sa leeg ko.

"Oh, nasaan ang kuwintas mo? Himalang hindi mo isinuot?" sabi nito.

"I throw it away. Para ano pa i-keep ko iyon? Nasasaktan lang ako habang nakikita ko iyon. Umaasa kasi ako sa wala," napabuntonghininga ako.

"Buti naman napag-isipan mo na. Hayaan mo na iyon. Makakahanap ka din ng taong magmamahal sa iyo ng totoo." Tinapik  niya ang balikat ko.

"Halika mall tayo. Para naman mawala ang bad vibes diyan sa aura mo," sabay tawa ng bestfriend. Siya lang ang taong nagpapasaya sa akin bukod sa yaya ko.

NOAH

Hinanap ng mata ko si Heaven. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita sa school. Ayoko naman magtanong kay Angel about sa kakambal nito. Baka masamain pa nito.

Kinuha ko ang kuwintas na napulot ko. Ito iyong itinapon ni Heaven ng magkausap kami. Bakit mayroon siya nito. Tanging si Angel lang mayroon nito. Sabi niya nawala niya ang kuwintas bata pa sila noon sa dagat ng magswimming daw sila. Bakit may ganito si Heaven.

I need to talk to her. Pero hindi ko na siya mahagilap. Ibinalik ko sa loob ng bulsa ko ang kuwintas na may nakasabit na singsing. I will look for her.

"Pasensya ka na pre. Hindi ko na nakikita si Heaven ilang araw na. Pinagtanungan ko iyong bestfriend niya, sabi aalis na daw papuntang ibang bansa." Bakit ano namanng gagawin nito sa ibang bansa?

"Naitanong mo ba kung bakit pupunta ng ibang bansa si Heaven?" tanong ko sa classmate nila. Napakamot ng ulo ito.

"Bakit sa akin mo itinatanong puwede mo naman itanong sa kakambal niya na girlfriend mo?" sabi nito.

Oo nga naman bakit sa kanya ko pa tinatanong. Puwede naman kay Angel sa iisang bahay lang sila nakatira.

"Alam mo namang selosa ang girlfriend ko. Kahit nga sa kakambal pinagseselosan niya pa. May itatanong kasi ako sa kanya," pagdadahilan ko.

"Eh, wala na akong alam. Hayaan mo kapag may nalaman uli ako, ikaw ang una kong sasabihin," tinapik ko ito sa balikat.

Nagpasama si Isaac sa mall. Hindi naman sinabi kung bakit.

"Sac, anong gagawin natin dito sa mall? Gago ka kapag idinamay mo ako sa kalokohan mo mananagot ka sa akin!" singhal ko sa pinsan ko. Numero uno kasi itong babaero. Lagi pati hinahabol ng babaeng obsess na obsess sa kanya.

"Samahan mo lang ako! Kalokohang sinasabi mo!" sagot nito sa akin.

"Anong gagawin natin nga?!" hindi naman nito sinagot. Pagkapasok sa mall tinginan sa amin ang mga babaeng nakakasalubong namin. Itong pinsan ko umaariba na naman ang pagkababaero. Bigla ko itong binatukan.

"Noah, huwag mo nga akong binabatukan sa harapan ng mga girls!" reklamo nito. Napahimas ito sa batok nito.

"Behave ka kasi. Saan ang punta natin?" tanong ko.

"Doon tayo sa department store. May bibilhin kasi akong gift kay Mommy." Napakunot ako ng noo. Hindi pa birthday ni Tita.

"Matagal pa birthday ni Tita, ah? " pagtataka na sabi ko.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Kde žijí příběhy. Začni objevovat