Chapter 8

10.6K 406 30
                                    

NOAH

Napangiti ako ng makita ko si Aven, dito din pala ito. Akala ko matagal kaming magkikita dahil nadestino ako dito sa Mindanao. Iisang lugar lang ang pinuntahan namin. Itinadhana talaga kami ng sweetheart ko.

Nakita ko itong pumasok ng bahay na tutuluyan nila. Sakto namang napadaan kami habang nagro-roving sa paligid. Napatingin ako sa paligid, safe naman. Nilapitan ko ito.

"Aven!" tawag ko dito. Napalingon ito.  Gulat na gulat ang reaction nito. 

Pinasadahan niya ako ng tingin na para bang ang guwapo ko sa paningin niya. Pagtataka ang mababanaag sa kanyang mukha. Maybe hindi niya expected na pareho kaming nakadestino dito. Hindi ko din expected. 

"Ikaw pala, Noah," casual na sabi nito na parang walang bahid na inis.

"I'm glad you're here too. Don't worry this place is safe. And I will protect you, sweetheart. " umirap ito sa akin dahil sa endearment ko sa kanya. I love that endearment for her. 

"Sige mauuna na ako sa iyo. Aayusin ko pa kasi ang mga gamit ko." Tumalikod na ito.

Napatingin ako sa babaeng paparating. Bakit nandito na naman ito. Kumunot ang noo ko sa babae. Istorbo sa moment namin ng sweetheart ko. 

Nakasuot ng hapit na bestida na kita ang tuhod ang babae. Hindi ko nga matandaan ang pangalan nito. Wala naman akong pakialam sa pangalan niya hindi naman siya mahalaga. Ang mahalaga lang sa akin ang Aven ko.

"Hi Commander Noah may dala akong meryenda. Hinanap kita sa kampo niyo sabi nila nandito ka" bati nito sa akin. Tinanguan ko lamang ito. Nakita kong ang sama ng tingin nito kay Aven.

"I have to go Commander Dela Costa" biglang paalam ng sweetheart ko kaya bago pa ito makaalis hinigit ko ang braso nito.

"Sweetheart, may nakalimutan kang gawin?" sabi ko.

Nagsalubong ang kilay niya sa sinabi kong may nakalimutan siyang gawin.

"Anong nakalimutan ko?" nagtatakang tingin ang ipinukol niya sa akin. She is so beautiful kahit nakasimangot na ito. Napangiti ako kasi mag-aala nakaw moves tayo.

Sa magpipinsan may kanya kanya kaming moves sa mga babaeng mahal namin.

Si Kuya Kael maniac moves, si Kuya Alexandro dumadamoves, si Kuya Logan pa simple moves, Isaac naman dakma moves at si Stefano suplado moves. 

Iyan ang moves style ng mga lalaking Dela Costa.

Hindi niya inaasahan hahagkan ko ang labi niya. Dumampi ang labi ko sa malalambot na labi ng sweetheart ko.

Yes!! Nakanakaw moves ako. Para akong ewan sa pinag-iisip ko. 

"Iyan ang nakalimutan mong gawin." Nakangisi kong sabi. Napalick pa ako sa labi ko. Gusto ko sanang tagalan baka kasi magalit sa akin. Hinay hinay muna ang gagawin ko. Mapapasa akin din ang mahal kong Aven.

Bago pa ako bugahan ng sweetheart ko naglakad na ako paalis. Para itong natulala sa ginawa ko.

Ngingiti ngiti akong naglalakad sa kalsada mukha akong baliw. Nagkavitamin na ako ngayon. Masigla na ang katawan ko. 

"Naks, mukhang nakadale ka ngayon ah? Pangiti ngiti ka diyan!" sabi ng isang kasamahan ko.

"Medyo lang" sabi ko sabay tawa. Tinapik niya ako sa balikat ko.

"Galingan mo next time mahina iyang moves mo" nakangising sabi nito. Napapailing na lang ako. Ayokong biglain ang sweetheart kong maganda. Naglakad na kami papunta sa kampo namin. Bukas ko na lamang bubulabugin ang mahal ko.

BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now