Chapter 12

10K 377 17
                                    

NOAH

"Sweetheart, namiss ko ang amoy mo" inamoy amoy ko ang buhok nito habang nakapulupot ang mga braso ko sa maliit nitong beywang.

Pinalo niya ang braso ko.

"Ang landi mo Noah. Tumigil ka nga sa kakahalik mo nakakahiya sa nakakakita sa atin. Baka sabihin PDA tayo." sabi niya.

"Eh, ano girlfriend kita at boyfriend mo ako. Ano naman masama kung maglambingan tayo. Namiss kita sweetheart." Malambing na sabi ko.

"Siraulo! Nagkita lang tayo kahapon. Na-miss mo na ako agad? Pinagloloko mo ba ako?" natatawang sabi ni Aven.

"Pakasal na tayo sweetheart para lagi na kitang katabi sa pagtulog at hindi na ako magiging tigang."

"Magtigil ka, Noah. Hindi ba napag-usapan na natin na kapag natapos ang contract ko sa pagtuturo dito saka tayo magpapakasal."

"Isang taon pa ang bubunuin ko sa paghihintay. Hindi ko na kayang maging tigang. Nirarayuma na ang palad ko sweetheart." Napasandal ang ulo ko sa balikat ni Aven.

"Ano? Bakit nirarayuma ang palad mo? Baka naman kain ka nang kain ng monggo kaya ka nirarayuma." Napaharap sa akin si Aven nakakunot ang noo nito. Gusto kong matawa sa sinabi kong nirarayuma. Naninigas na kasi ang palad ko kakahimas sa kasundaluhan ko.

"Hindi ako kumakain ng monggo, sweetheart. Please, magpakasal na tayo kahit tayong dalawa lang tapos yung magkakasal sa atin." Hinalikan ko ang leeg nito.

"Noah!" akmang lalayo sana si Aven pero hinigpitan ko ang pagkakayakap ko. Sinipsip ko ang balat nito sa leeg. Hinampas niya ako sa balikat. "Noah isa! Bakit mo sinipsip magkakapantal yan!" reklamo nito. Natatawa kong tinigilan ang leeg ni Aven. Ang bango bango naman kasi niya. Sarap kainin.

"Pumayag ka na kasi sweetheart para hindi na ako rayumahin." Nagkatitigan kami ni Aven.

"Okay." tipid na sagot nito. Hindi pa naproseso ng utak ko ang sagot ni Aven sa suhestiyon ko.

 "Hoy, sabi ko okay. Wala ka man lang reaction sa sagot ko?" napakunot ako ng noo sa tanong niya.

"Okay lang naman kasi ang sina." napatigil ako sa pagsasalita. Tumingin ako kay Aven na malawak ang pagkakangiti napakagat pa ito ng labi niya.

"Oo ba ang sagot mo sweetheart?" tanong ko.

"Oo nga di ba" malawak akong napangiti. Yinakap ko ng sobrang higpit si Aven.

"Thank you, sweetheart. Hindi ka nagkamali sa desisyon mo." hinagkan ko ang labi niya.

Nasa ganoong tagpo kami ng pumasok sa opisina ko si Isaac na siraulo.

"Oh sorry nadisturb ko ang paglalambingan niyo." sabi ng siraulo kong pinsan.

"What do you want?!" inis na tanong ko.

"May meeting ang mga officer kasama tayo." tumayo si Aven at nilapitan si Isaac na takot na takot na ang hitsura. Napapalunok pa ang gago.

"Aven, cease fire muna, huh? May meeting kasi kami. Ayokong madungisan ang kaguwapuhan at ka-macho-han ko. Later na lang, baby." Sabay kindat nito. Bigla akong napatayo at ginawaran ng sipa sa tagiliran ang pinsan kong malandi pa kay Kuya Kael.

Napaatras ang pinsan ko.

"Tarantado! Bakit mo ako sinipa!" napahawak ito sa tagiliran nito.

"Don't you ever call my Aven baby! Mas lalong huwag mong kinikindatan dahil ako lang gagawa nun. Pasalamat ka hindi umabot sa mukha mo ang paa ko gago ka!" singhal ko.

Tumawa si Aven. Yumakap sa beywang ko at saka hinagkan ang pisngi ko. Napangiti ako ng matamis sa ginawa niyang kasweetan sa akin.

"Isusumbong kita kay Marieyah! Lagot ka dun!" sabay talikod ng gago. Siraulo talaga magsumbong pa talaga sa girlfriend niya? Parang bata lang. Napapailing na lamang ako sa pinsan ko.

"Sweetheart, mamaya na lang ulit may meeting kami" sabi ko kay Aven.

"Okay," sabi nito. Bago ako lumabas. Humalik ako sa lips niya pababa ng leeg niya. " Noah nga! Kainis ka!" hindi ko napigilang sipsipin ang leeg niya. Halos mamula na sa inis si Aven sa ginawa ko. Tatawa tawa akong lumabas ng opisina ko.

HABANG pabalik ako ng opisina ko. Bagsak ang balikat ko. Ililipat kasi kami ng ibang lugar. So it means mahihiwalay ako kay Aven. So kailangan ko na magpakasal muna kami bago ako malipat. Ayokong malayo kay Aven na hindi pa ako nakaiskor este nakakasal.

Tinawagan ko ang kakilala kong judge kailangan ko ng iset ang date ng kasal namin.

"Hello, Tito Rafael. Gusto ko po sanang i-set na po ang date ng kasal ko." Sabi ko sa kaibigan kong judge. Napangiti ako dahil okay ang schedule ng judge kaya matutuloy na ang special day namin ni Aven ko.

"Mukhang masaya ka pa na madedestino ka sa malayo. Hindi mo na masisilyan ang mahal mong Aven. Mas lalong magiging tagtuyot ka na niyan. Baka mabulokan ka na ng tamod mo" gago talaga itong pinsan kong abnormal.

"Anong ginagawa mo dito bakit hindi ka pa bumalik sa barracks mong gago ka!" singhal ko sa pinsan ko.

"Sinilip lang kita baka kasi nagwawalling ka at nag-iiyak. Dadamayaan sana kita." kinasahan ko ito ng baril at itinutok sa etits niya.

"Aalis ka or aalisan kita ng etits? " tanong ko. Salubong na salubong ang kilay ko.

"Siyempre aalis na. Ayokong mawalan ng etits. Kawawa naman ang baby ko wala na siyang mapaglalaruan." nanlaki ang mata ko sa pinagsasabi ni Isaac na abnormal. Alam kaya ni Marieyah na sinisira na ni Isaac ang kanyang pagkatao. Siraulo ito. Binato ko siya ng ballpen. Nakailag ang walanghiya. Lumabas itong tumatawa na parang may sapak sa ulo.

Ngayon na ang araw ng kasal namin ni Aven. Kahit ayokong iinvite ang pinsan kong abnormal na si Isaac ininvite ko na din. Kasi isa siya sa magiging witness namin. Nagulat pa nga si Aven ng sabihin ko ang date ng kasal namin. Sinabi kong madedestino ako sa kabilang lugar. Malayo sa kinaroroonan ni Aven.

Magkaharapan kami ni Aven habang nagsasalita ang judge. She is so beautiful in her white dress. Mas gusto ko sa kanya ang natural na ganda walang kolerete sa mukha. Natapos ang ceremony. I am so happy sa wakas sa akin na si Heaven.

"Congratulation to both of you." bati sa amin ni Tito ang judge na nagkasal sa amin.

"Thank you," pasasalamat ko. Nagpaalam na din ito dahil may pupuntahan pa daw na occasion.

"So saan tayo ngayon Noah?" tanong nito sa akin. Hinaplos ko ang pisngi nito. Hindi ako makapaniwalang asawa ko na siya.

"May pinabook ako sa hotel doon muna tayo maglaloving loving. Kapag okay na ang leave ko maghahoneymoon tayo sa ibang bansa." kumindat ako sa asawa ko.

Napahagikgik si Aven sa ginawa kong pagkindat.

"Congratulation to you newly wed!" bating bungad ng pinsan kong siraulo walang iba kung hindi si Isaac. Lumayo muna ako kay Aven at nagmanhug kami ng pinsan ko.

"Ikaw kailan ang kasal niyo ni Marieyah" biglang nalungkot ang mukha ng pinsan ko.

"Hindi ko alam nag-away nga kami kagabi. Mahabang istorya baka abutin tayo ng cutoff. Sa story ko malalaman" napakunot noo ako sa pinagsasabi ng pinsan ko. Tinapik ko ang balikat nito. "Magkakaayos din kayo ni Marieyah. Tingnan mo kami ni Aven madami ding dumating unos sa relasyon namin pero kami ang end game. Kaya huwag mong susukuan ang mahal mong Marieyah," sabi ko.

Napatingin ako sa asawa ko. Walang pagsidlan ang kasiyahan ko. Umaapaw ang aking kaligayahan. Ngayon masasabi kong akin na talaga siya.

Copyright©2018All Rights ReservedBy coalchamber13

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13







BARAKO SERIES: #6 You and Me (Noah Dela Costa Story)Where stories live. Discover now