Chapter 2

454 18 1
                                    

"So kumuha ka ng architecture?" Tanong saakin ni chae habang naglalakad kami ng corridor.

"Oo, ikaw ba ano ba kinuha mo?" Tanong ko sakaniya.

"Literature" Sagot niya naman.

"Ah so mahilig ka pala mag basa ng mga novels" sabi ko sakaniya.

"Medyo, more on poetry kasi ako eh" sabi niya naman saakin.

Bigla ko nalang narinig ang skimura ni chaeyoung. Napahinto kaming dalawa. Kitang-kita ko mukang nahihiya siya. Napatawa nalang ako sa itsura niya.

"Gutom ka na noh" sabi ko kay Chae.

"Gusto mo ba pumunta tayo sa cafeteria?" Tanong niya saakin.

"Sige, gutom na gutom na rin ako eh" sabi ko sakaniya.

"Sumabay ka na muna saamin since bago ka pa naman dito ipapakilala ko sayo mga kaibigan ko para minsan naman may kakilala ka naman sa university" sabi niya at pumayag naman ako. Pumasok na kami sa cafeteria. Bago kami pumila dumeretso muna kami sa table nila.

Dalawang tao lang ang nakaupo sa table isang lalaki naman na kamuka ni Mr. Bean at muka rin siyang isip bata kitang-kita ko hinaharot niya naman ang babaeng kasama niya na parang may pagkahawig siya sa pusa kaso mukang malamig at nakakatakot ang itsura niya. Kita kong buwisit na buwisit na siya sa lalaki nayan.

"Taehyung, Jennie" Bigla nalang nag salita si chae at tumimgin na saamin ang dalawa.

"Sino yang kasama mo?" Tanong ng babae.

"Si Jimin pala ang transferee natin sa university, architecture rin ang kinuha niya katulad mo, Taehyung." sabi ni Chae.

"Uy welcome pala university bro!" Sabi ng lalaki.

"Jimin eto pala si Taehyung at si Jennie sila ang mga kaibigan ko ung iba nasa klase pa ipakilala ko nalang sayo mamayang dismissal kung gusto mo" sabi niya binigyan niya ulit ako ng isang matamis na ngiti to be honest it's cute pero hindi to ang unang beses ko nakikitang nakingiti siya saakin. Ngayon ko lang na realize na ang ganda niya pala.

----------------

"Hyung tama na alam mo naman nakakasama yan sayo" pasaway saakin ni jungkook alam ko alalang-alala na siya saakin but what's the point kung titigil ako sa pag iinom. Yan lang naman ang paraan para makalimot lahat ng sakit at mga bagay na pinag sisishan ko sa buong buhay ko.

"Alam ko" sabi ko sakaniya ng malamig.

"Kung nakita ka ni chae ngayon sa tingin mo ba matutuwa siya?"

"Wag mo siyang idamay dito sa usapan nato" sabi ko at kinuha ko ang alak na hawak-hawak niya. Papasok sana ako sa kuwarto ko kaso bigla ko nalang naalala may trabaho pa pala ako. Tumingin ako sa orasan ko at napalaki ang mga mata ko.

"Shit!" mura ko imbes na kukulong ulit ako sa sarili kong kuwarto dumeretso nako sa banyo para maligo. Wala na kong oras para mag ayos basta nag bihis nalang ako, pumunta na agad ako sa kotse ko at dumeretso na ako sa architecture firm.

"Good Morning Mr. Park" Bati saakin ng Assistant namin ni taehyung.

"Oh! Jimin late ka nanaman, kanina pa kita hinihintay" sabi saakin ni taehyung.

"Sorry late kasi ako nagising" sinungaling ko sakaniya. Pumasok na kami sa office ko.

"Nga pala Jimin, Reunion pala natin sa uni next week" sabi ni Taehyung saakin.

"Ganun ba?" I said and let out a big sigh.

"Kung ayaw mo okay lang, maintidihan ka naman nami-"

"Pupunta ako" I cut him off bigla nalang lumaki ang mga mata niya.

"Sigurado ka ba diyan Jimin? Baka awkward naman para sayo kung makita mo si Chae"

"Gusto ko siya makita" aminado ako, gusto ko siya makita, gusto ko makita siya sa personal. Kahit hindi ko man lang kausapin at yakapin siya ng mahigpit okay lang yun saakin basta makita ko lang siya. Ilang taon na ko ang tago para lang umiwas sakaniya, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob pumunta sa reunion kahit nandoon siya. Nakahanap na siya ng lalaki na nag palit sa puwesto ko, sigurado ako nakalimutan niya na ang mga nararamdaman niya saakin noong limang taon.

"Sige sabihin ko nalang sakanila ni Jennie na pupunta ka" sabi niya saakin.

"Baka bugbogin ako ni Jennie pag nalaman niya na pupunta ako sa reunion" biro ko at tumawa kami pareho. Matagal ko na hindi nakikita sila Jennie.

"Kamusta naman sila Jennie?" Tanong ko kay tae. Umupo nako at pinatong ko ang mga paa ko sa desk.

"Ayun busy na busy sila sa trabaho nila mas lalo na si chaeyoung" sabi niya.

"Busy parin ba siya asikasuhin ng bagong libro niya?" Tanong ko at tumango lang siya. Sa mga panahon na to she's the one of the most famous writer in the country. Most of the people loves her poems kahit ako rin. Lagi ko nga binibili ang mga libro niya sa book store at basahin ng mga ginawa niyang tula. Proud na proud ako sakaniya kahit mapaano natupad niya ang mga pangarap niya. I remember the days we were in college lagi niya ako ginawan ng tula sa stickiy note at lagyan sa loob ng locker ko para bigyan raw ako ng motivation.

"May book signing pala siya next month, gusto mo ba sumama?" sabi niya. Hindi ko siya sinagutan. Binaba ko ang mga paa ko sa desk at napahilot nalang ako sa sentido ko.

Bigla nalang may kumatok sa pinto.

"Pasok!" Tawag ko bigla nalang pumasok ang asisstant namin ni taehyung.

"Mr. Park, Mr. Kim may nag request po ng appointment sainyo." sabi niya at inabot niya saakin ang files.

"Mag papatayo po siya ng business sa busan at kayo po ang pinili niya para mag pa tayo ng branch nila doon." sabi niya binuksan ko ang folder at binasa ang information.

"So sino ba ang nag request?" Tanong ni taehyung sakaniya.

"Si Mr. Koo Junhoe po" sabi niya

Koo Junhoe, that name sounds familiar......

HappierWhere stories live. Discover now