Chapter 3

350 16 0
                                    

Mag iisang taon na ko dito sa Seoul. Isang linggo nalang bakasyon na. Actually ang saya pala dito sa university. Akala ko mahihirapan ako makipagkaibigan dito dahil hindi naman ako taga dito. Marami na kong nakikilalang tao dito sa university. Naging magkaibigan na kami ni chaeyoung at nakilala ko na rin ang mga iba niyang kaibigan. Madali sila makisama kaso minsan lang kami sumasabay kay chae ngayon dahil sobrang busy siya sa campaign at magkaiba pa ang schedule namin. Kaya madalas ko na kasama si taehyung.

Binuksan ko ang locker para kunin ang mga libro ko para makapag review na ko sa finals namin. Bigla nalang ako may nakitang sticky note na naka dikit sa loob ng locker ko.

Don't loose hope chimchim! Good luck sa finals niyo~

Nga pala free ka ba mamayang dismissal?
Kita tayo sa gate ha! Libre kita samgyup sal. Marami ako ikukwento sayo miss u chimchim~

-Pasta

Napangiti ako basahin ang letter ni chae. Kahit mapaano hindi siya naggpapatalo pa ngitiin ako.

"Jimin!!!!!" Bigla nalang dumating si taehyung at akbayan ako.

"Ano yan? Sino si chimchim?" Tanong niya.

"Ah wala lang to" tanggi ko at tinago ko ang papel sa bulsa ko.

"Pumunta na tayo sa klase malalate na tayo" sabi ko. Bigla nalang kinuha ni taehyung ang papel sa bulsa ko.

"HOY! GAGO AKIN NAYAN!" Mura ko. Bigla nalang siya tumawa.

"HAHAHAHA IKAW PALA SI CHIMCHIM HAHAHAHA!!!!" Tawa niya. Napahawak siya sa tiyan niya halos mamatay na si tae sa kakatawa. Binawi ko na ang papel na hawak-hawak niya at tinago ko na ulit sa bulsa ko. Hindi parin siya tumitigil sa kakatawa. Tangina mababaksak ako sa finals niyan ng dahil sakaniya. Wala na ko nagawa kundi iwanan ko nalang siya sa corridor.

"Hoy! Chimchim hintayin mo na ko!" Sigaw niya hindi ko nalang siya pinansin, dumeretso na ko sa classroom para makapag review na ko.

"TANGINA!!!!" Sigaw ko at inuntog ko ang ulo ko sa lamesa.

"Oh Jimin ano nangyari sayo?" Tanong saakin ni namjoon habang kumakain. Tangina hindi na ko nakapag focus sa finals kanina dahil sa bugok nayun.

"Dahil bayun sa chimchim kaya ka hindi ka nakapag sagot sa finals?" Tanong ni taehyung halos mapapatawa nanaman siya dahil sa pangalan nayan.

"Anong chimchim?" Tanong naman ni hoseok.

"Yan ang tawag sakaniya ni chae" sagot ni taehyung at bigla nalang nagtawanan ang mga kasama ko sa table. Wala na ko nagawa kundi nag face palm nalang ako.

Ilang oras na ang nakalipas dismissal na. Katulad ng sinabi ni chae sa letter hinintay ko lang siya sa labas ng gate.

"CHIMCHIM!!!!" Bigla ko nalang narinig sumigaw si chaeyoung gamit ng pangalan nayan. Tumakbo siya papunta saakin at niyakap ako ng mahigpit.

"Oh bakit ka naka simangot?"

"Wag mo nga ako tawagin niyan"

"Yung ano? Yung chimchim?" tanong niya saakin.

"hindi ba halata?" sabi ko sakaniya ng sarcastic at tinaasan ko pa siya ng kilay.

"Bakit naman ang cute kaya"

"Hindi mo ba alam halos buong araw pinag t-tripan ako ni taehyung sa pangalan nayan tapos pinagkakalat niya pa kela namjoon. Tangina hindi nga ako nakapag sagot sa finals ng dahil lang sa pangalan nayan"

"Sorry na chimchim, lilibre nga kita ng samgyup para maka focus ka na ng isa pang araw ng finals bukas" sabi niya at kinurot niya ang pisngi.

Katulad ng sinabi ko kanina hindi siya nag papatalo pa ngitiin ako.

-------------—————————

"Jimin long time no see! Buti naman nag paramdam ka na sa reunion" bati saakin ni jisoo.

"Sorry busy kasi ako sa trabaho. Ngayon lang ako nag karoon ng oras makapunta dito." dahilan ko.

"Weh! maniwala!" Bigla nalang sumingit si taehyung sa usapan namin ni jisoo.

"Gago" mura ko sakaniya.

Napamura nalang ko nang bigla nalang may humila sa tenga ko. Tangina ang sakit nun.

"Ngayon ka lang nag pakita ha!" Bigla ko narinig ang boses ni jennie.

"Aray ko jennie! Tangina ang sakit!"

"Hoy! wag mo ngang murahin ang magiging asawa ko" sabi ni taehyung, binitiwan na ako ni jennie at napahawak ako sa tenga ko. Oo nga pala engaged na sila ni taehyung. Matagal na naging sila nung bago palang ako sa university. Kaya alam na alam ko na magtatagal talaga sila. Ang hindi ko alam paano ba natiis ni jennie ang ugali ni taehyung sa sobrang isip bata niya at bakit parang hindi naman takot si taehyung kay jennie. Tangina kahit ako nga natatakot sa babae nayan.

"Uy nandito na si chae" bigla nalang ako nanigas nung narinig ko ang pangalan niya. Dahan-dahan ako lumingon at nakita ko siya parating dito. Nakalipas na ng limang taon nakita ko na siya parang hindi pa siya nag babago tangin ang buhok niya lang ang nag bago sakaniya. She dye her dark brown hair to a honey gold blonde. Lalo siyang gumanda sa kulay nayan. She's wearing a plain black dress that fits perfectly on her body. Gusto ko tumakbo papunta sakaniya, Gusto ko yakapin siya ng mahigpit at halikan siya ng maraming beses pero hindi ko magawa she's already in a relationship. Ayaw ko masira ang relasyon nila just because of my selfishness. Sinira ko na ang puso niya dati kaya ayaw ko sirain ko ulit iyon. Kita ko niyakap siya nila jennie at lahat sila lumalapit sakaniya pero ako nakatayo lang ako dito at panoorin sila.

Nag desisyon akong umalis at dumeretso sa banyo. Ayaw ko makita ako ni chae. Hinilamos ko ang muka ko at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

"Tangina wag kang duwag, Jimin!" sabi ko sa sarili at huminga ng malalim. Tumambay lang ako sa cr ng ilang minuto at nakalabas na ko. Bumalik nako sakanila ni taehyung kaso nawala na sila chae.

"Oh Jimin saan ka ba nanggaling? Nag batch picture taking na kami wala ka" sabi ni yoongi.

"sorry nag cr kasi ako eh, nga pala nasaan ba sila jennie?" tanong ko sakaniya. Bigla ako tinaasan ng kilay ni yoongi.

"Bakit mo hinahanap?" Tanong niya saakin.

"Bakit ba gusto ko malaman eh!"

"Paano kaya hanapin mo siya at kausapin? Grow some balls! limang taon na ang nakalipas sa tingin mo ba may galit parin siya sayo?" Nag real talk pa sakin yang gago nayan. Bigla nalang siya umalis at iniwan niya na ko. Wala ako nagawa kundi nag pabuntong hininga nalang ako.

Dumertso nalang ako sa may bar dahil gusto ko uminom ulit. Parang ang dependent ko na alcohol. Iyan lang naman ang gamot ko para mawala ang mga sakit nararamdaman ko ngayon.

"Kuya is a ngang jack daniels" sabi ko sa bartender.

Dapat hindi pala ako pumunta sa reunion nayan.

"Jimin?" Bigla nalang ako nanigas nang marinig ang boses nayan mas lalo nung binanggit niya ang pangalan ko. Hindi ko alam kung siya yan o nababaliw lang ako. Maybe I'm just hallucinating. Pinilit ko ang sarili ko na wag nalang pansinin but I failed myself lumingon ako. Bigla nalang lumaki ang mga mata ko dahil hindi ako makapaniwala na nandito siya ngayon. Nandito na siya sa harap ko.

"Chae?"

HappierWhere stories live. Discover now